Aleli Arroyo and Grace Ibuna snub each other at Congressman Iggy Arroyo’s wake in Negros Occidental

Grace Ibuna (left) and Aleli Arroyo (right) cross paths at Congressman Iggy Arroyo’s wake at the St. Mary Magdalene Church in Hinigaran, Negros Occidental, yesterday, March 6. But the two women acted as if they did not see each other.


Isang real-life drama ang nasaksihan ng mga residente ng 5th district ng Negros Occidental kahapon, March 6.

Nagpang-abot sa St. Mary Magdalene Church ng Hinigaran town sina Aleli Arroyo at Grace Ibuna—ang mga "biyuda" ni Congressman Iggy Arroyo.

Naunang dumating sa Hinigaran si Grace noong Lunes ng gabi, March 5, dahil siya ang naghatid sa labi ni Iggy, na ibinurol ng isang araw sa nasabing bayan.

Kahapon, ang legal wife ng yumaong kongresista na si Aleli at ang kanilang anak na si Alelu naman ang sumipot sa simbahan.

Nagkaroon ng tensiyon sa pagitan ng kampo nina Grace at Aleli, pero naging civil sila dahil parang hindi nila nakita ang isa’t isa.

Nakapuwesto si Grace sa front left side ng simbahan at naupo naman ang mag-inang Aleli at Alelu sa front right side ng altar.


"IISA LANG ANG ASAWA." Matalim ang mga naging pahayag ni Aleli tungkol sa pagtatagpo nila ni Grace sa burol ng kanyang asawa sa simbahan.

"May mga untoward incident na nangyari noong mga last few days na hindi nagustuhan ng anak ko," pahayag ni Aleli sa panayam sa kanya ng mga nakabantay na media.

Pinilit daw ni Aleli na magpakatatag at huwag magalit dahil, para sa kanya, simbolo ng "evil" ang pagpapakita ng galit.

Aniya, "It’s a sign of evil when you try to encourage anger.

"We are here to really respect the congressman.

"Hindi na importante kung sino ang may hawak ng katawan dahil ang katawan, e, physical.

"In Catholicism, there’s only one wife. Iisa lang po ang asawa.

"Hindi ko po alam kung bakit meron pang pinagsasabing iba.

"Marami ho na umeeksena. Hindi ho kami sanay sa mga umeeksena.

"Ang gusto lang namin, e, ipagdasal ang husband ko."

Bago sumakabilang-buhay si Congressman Iggy ay hiwalay na sila ni Aleli. Nag-file sila ng annulment ngunit hindi nga natapos ang proseso nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NECROLOGICAL SERVICE. Nagkaroon kahapon ng necrological service para sa namayapang congressman ang mga guro at estudyante ng 5th district ng Negros Occidental.

Si Grace at hindi si Aleli ang binigyan ng pagkakataon ng mga organizer na magsalita at magpasalamat sa mga nakiramay sa idinaos na necrological service.

"Alam ko kung nasaan man ngayon si Iggy Arroyo, napakasaya niya po. I could feel it. I could feel him," ang kadugtong ng pasasalamat ni Grace sa mga kababayan ng kanyang yumaong live-in partner.

Composed na composed din si Grace nang magsalita ito tungkol sa sitwasyon nila ni Aleli.

Aniya, "I am really grieving.

"My priority is Iggy’s peace at the moment.

"I would like his dignity intact for he is really a respectable man.

"I think he deserves better.

"I love him unconditionally.

"Lulunukin ko lahat para kay Iggy. Yun na lang.

"Sabihin na nila ang lahat ng gusto nilang sabihin, pero hindi, hindi ako papatol."

DISGRACE. Samantala, hindi naligtas sa kontrobersiya si Garrie Concepcion, ang anak ni Grace sa aktor na si Gabby Concepcion.

Nag-alay ng kanta si Garrie sa necrological service para kay Congressman Arroyo.

Hindi ito nagustuhan ni Alelu, anak nina Aleli at Iggy, base sa kanyang mga binitiwang salita sa media.

Sabi ni Alelu, "I don’t really care what... she can do what she wants.

"It’s a disgrace if you really think about it.

"What just happened there was not in honor of my father..."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN