Christian Bautista confirms ongoing negotiation with TV5; denies receiving a call from Megastar Sharon Cuneta

Christian Bautista on issue involving Universal Records and Jed Madela: "I don’t wanna comment on that. I must admit na happy ako sa Universal. Nung hindi pa ako nagyu-Universal, Universal turned me around talaga and hanggang ngayon, very supportive sila sa akin at sobra kong pinagpapasalamat yun. Yung issue kila Jed and Ms. Kathleen, I don’t wanna comment on that, ayokong magkaroon ng issue. Kami naman ni Jed, magkaibigan kami, we’r


Lumabas ang pangalan ni Christian Bautista na siya raw dahilan ng sama ng loob ni Jed Madela sa Universal Records.

Si Christian daw kasi ang paborito at mas pinu-push ang album ng naturang recording company.

Ito raw ang nag-udyok kay Jed na padalhan ng hate e-mails at text messages ang Universal Big Boss na si Ms. Kathleen Dy-Go.

Pero mariin naman itong pinabulaanan ni Jed sa panayam niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nailathala noong February 29.

(CLICK HERE to read related story.)

ISSUE WITH UNIVERSAL. Sa panayam naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Christian sa ASAP 2012 noong Linggo, March 4, iwas magbigay ng komento ang singer sa isyu.

"I don’t wanna comment on that," sabi niya.

Dagdag ng singer, "I must admit na happy ako sa Universal.

"Nung hindi pa ako nagyu-Universal, Universal turned me around talaga and hanggang ngayon, very supportive sila sa akin at sobra kong pinagpapasalamat yun.

"Yung issue kina Jed and Ms. Kathleen, I don’t wanna comment on that, ayokong magkaroon ng issue.

"Kami naman ni Jed, magkaibigan kami, we’re okay.

"Wala kaming problemang dalawa and I can say we’re not affected by the issues."

NETWORK TRANSFER? Tinanong din ng PEP si Christian sa lumabas na balita na mag-aalsa balutan na raw siya sa ABS CBN sa sandaling mag-expire ang kontrata niya rito sa Agosto. Lilipat na raw siya sa TV5.

Ayon sa kanya, "Ngayon naman, pinag-uusapan pa lang.

"I’m under contract of ABS and I love ABS-CBN so I’m just waiting for them.

"Tinanong ko kung mayroon pa ba silang projects na maibibigay sa ’kin para mapakita ko for me to expose myself.

"So yun, nasa negotiation pa rin. By August, tingnan natin."

Gaano katotoong tinawagan daw siya ni Megastar Sharon Cuneta mismo para tanungin kung gusto niyang lumipat sa TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ako nakakuha ng tawag mula kay Ate Sharon for TV5," tanggi ni Christian.

Totoo rin bang nagpaalam na siya sa mga kasamahan niya sa ASAP?

"Yung nagpaalam ako, siyempre minsan mayroong mga kuwentuhan, ’Ano ba ang next direction natin?’

"Basically, nandun tayo kung sana tayo kailangan, doon tayo.

"Ayokong mag-burn ng bridges, ayokong manakit ng tao, but I also have a career to protect.

"As a singer, I have only have ASAP. We can get ibang shows but not regular," sabi niya.

ACTING VS. SINGING. Sa nakaraang panayam ng PEP kay Christian, nabanggit niya na gusto niyang subukan uling umarte. Gusto raw kasi niyang ma-widen talaga ang horizon niya.

Tinanong namin siya muli tungkol dito.

Aniya, "Anything to expose myself. Sana maka-host ako... umarte... na kahit hindi naman lead, kahit support lang, basta makita lang ulit ako ng mga tao.

"Sa ngayon, kailangan ko yun especially in promoting my album.

"Napakaimportante sa akin ng album ko kasi pinaghirapan ko—nagsulat ako ng kanta.

"I really need to promote this."

TAKING RISKS. Sa tingin ng iba ay baka mawalan siya ng career kapag lumipat siya sa ibang istasyon. Pero positibo naman dito si Christian.

"Wala naman akong negative comment about that kasi I’m open to any work naman or even abroad," sabi niya.

"Lagi namang may risk sa lahat ng desisyon mo, e.

"Dati Warner ako, then lumipat ako ng Universal, biglang um-okay.

"Laging may risk, kailangan mag-pray ka talagang mabuti.

"So, malay naman natin by August, gumanda ang offer.

"Kasi kung mabibigyan naman ako ng magandang offer, bakit ako aalis?

"Nag-meeting na kami, tingan natin kung ano ang mangyayari."

NEW GIRLFRIEND. Kinumpirma rin ni Christian na last February 14, Valentine’s Day, nang sagutin siya ni Carla Dunareanu, a Singaporean-Romanian model na co-star niya sa The Kitchen Musical.

Christian expressed happiness with his new relationship and he also conifirmed na mag-a-out of the country sila ng girlfriend this March.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We’re okay, we’re happy. Magkikita kami this March, out of the country.

"We have a constant communication every day.

"Ang goal naman talaga namin is every month kaming magkita physically.

"Basta it’s great, so far so good, it’s one step at a time.

"So far, hindi naman problema kung long distance and nakakaya naman.

"She’s a fun girl and ako naman medyo seryoso na tahimik, so nagko-complement kami.

"More than two years akong walang girlfriend.

"Masarap pag di mo in-expect, ’tapos dumating," sabi ni Christian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN