Xian Lim insists Kim Chiu is still special to him: "Consistent yun, basta consistent akong tao. She’s still very special to me."

Xian Lim on speculations that without Kim Chiu, his career would not have blossomed: "Sa akin, I’ll let people think what they want to think, and say what they want to say. Basta ako alam ko ang ginagawa ko. Gaya ng sinasabi ng iba, I can’t please everyone. Di ko na masyadong pinapansin yung mga sinasabing negative ng ibang tao, puro positive lang. Tulungan ’yan siyempre, di naman magiging successful ang team-up namin kung di kami nagk


Patuloy ang pagsasabi ni Xian Lim na espesyal sa kanya ang kapareha niyang si Kim Chiu sa seryeng My Binondo Girl, pero hanggang ngayon, consistent ang dalawa sa pagsasabing magkaibigan lang sila.

Kamakailan ay may lumabas na balitang si Enrique Gil, kaibigan ni Xian, ang bagong manliligaw ng young actress.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Xian noong Linggo, March 4, sa ASAP Rocks, hiningan namin siya ng reaksiyon sa balitang panliligaw raw ni Enrique kay Kim.

"Ay, di ko alam yun, sige tatanungin ko siya.

"Wala naman kaming problema ni Enrique, kami sa Reunion, sobra kaming okay, masaya yung samahan namin.

"To be honest, hindi ko pa alam baka that moment, malalaman ko kung ano ang sasabihin ko, pero ngayon wala pa.

"Hindi ko alam ang magiging reaction ko kasi hindi pa nangyayari," saad ni Xian.

Hindi ba siya masasaktan kung magkagusto sa iba niyang manliligaw si Kim, lalo’t wala pa naman pala talaga silang relasyon?

"Sa akin, desisyon niya yun, hindi naman ako namimilit na tao," sagot ng young actor.

SPECULATIONS. Sa patuloy naman na espekulasyon na sinasabi lang niyang espesyal sa kanya si Kim dahil may serye sila dati, kampante naman itong sinagot ni Xian.

Aniya, "Sa akin, I’ll let people think what they want to think, and say what they want to say.

"Basta ako, alam ko ang ginagawa ko. Gaya ng sinasabi ng iba, I can’t please everyone.

Nao-offend ba siya sa sinasabi ng iba na kung hindi siya nadikit kay Kim ay baka hanggang ngayon ay wala pa rin siyang career?

"Hindi ko na masyadong pinapansin yung mga sinasabing negative ng ibang tao, puro positive lang.

"Tulungan ’yan siyempre, hindi naman magiging successful ang team-up namin kung hindi kami nagkakaintindihan ni Kim."

NAG-DATE? Nakita silang magkasama ni Kim sa isang okasyon na inakala ng iba na nag-date sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paglilinaw ni Xian sa PEP, nangyari ito sa birthday ng anak ng Comedy Concert Queen na si Ai-Ai delas Alas.

"Ay, oo, kasi birthday yun ng anak ni Ms. Ai. Sabay kaming dumating siyempre... pero nagkasabay lang."

Ayon pa kay Xian, consistent naman ang communication nila ni Kim at hanggang ngayon ay wala pa ring nagbabago sa nararamdaman niya sa kapareha.

"Okay naman kami, it’s still going great.

"Nagkaka-text-an, minsan kinukumusta ko, nagkakabanggaan kami sa hallway [ng ABS-CBN].

"Consistent yun, basta consistent akong tao. She’s still very special to me," saad niya.

Sa tulad nilang mga artista, bonus factor talaga kapag boto ang publiko sa isang magka-loveteam na nauuwi sa isang totohanang relasyon.

Para kay Xian, malaking bagay ba kung aprubado ng mga tagahanga niya kung sino ang babaeng kanyang magugustuhan?

"Wala namang ganun, I know they are very supportive.

"Kung anuman yun, malalaman natin pag nangyari na," sabi niya.

MORE PROJECTS. Sa ngayon ay abala si Xian sa shooting ng peli The Reunion under Star Cinema kung saan ang kapareha naman niya si Megan Young.

Kinumpirma niya rin sa amin ang pelikulang muling pagtatambalan nila ni Kim.

"The Reunion shooting is sobrang saya, iba yung samahan.

"At first parang nahihiya pa ako sa kanila, hindi ako masyadong mabarkada.

"Sa kanila nararamdaman ko na yung bonding, nakakatuwa.

"Nagiging closer and closer ang samahan.

"It’s a barkada movie, showing yung relasyon ng magbabarkada through thick and thin.

"Dito ang ka-partner ko is Megan Young. Nagka-partner na kami before sa Ruby pero hindi masyado... dito okay kami.

"After The Reunion, sana matuloy yung movie namin ni Kim, I really want to work with her again," saad ni Xian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN