Part 2 Julia Montes on chances of suitor Enchong Dee: "Sa ngayon, hindi ko pa masagot, kasi ’andun pa siya sa test."

"Personal choice ko rin na hindi pa ma-in love kasi alam ko yung responsibilidad ko sa family ko. At ayaw ko ngang ma-divide yung attention ko dahil lang sa pag ibig. Iba rin kasi ako magmahal, e. Baka ’pag in-entertain ko ito ay malito na ako nang bonggang-bongga!" says Julia Montes about falling in love.


Maganda ang nagiging pagtanggap ng mga manonood sa Walang Hanggan, pero ayon sa leading lady ng serye na si Julia Montes ay hindi niya ito ine-expect.

"Noong una po, hindi, e.

"Pero dahil nga magaganda at magagaling yung cast, natutuwa ako na napasama ako dun.

"At masaya ako na yung pagod at puyat namin ay napapalitan ng mga ganun kagandang feedback.

"So, lalo kaming naeengganyo na talagang pagtrabahuhan pa yung Walang Hanggan.

"Lalo pa naming gagalingan at ibigay yung best namin sa ikagaganda ng aming teleserye."

Sa kasalukuyan ay ang Walang Hanggan ang nagungunang primetime show sa buong bansa.

FALLING FOR DANIEL. Sa dami ng romantic scenes nila ng katambal na si Coco Martin, maaaring mahulog ang loob niya sa aktor.

"Nagpu-fall ako kay Daniel... Kay Daniel, hindi po kay Coco!" natatawang sabi ni Julia tungkol sa papel ni Coco sa Walang Hanggan.

Kumusta naman sila ni Coco sa set ng kanilang teleserye?

"Off-cam, barkada kami. Kasi nga siguro dahil naka-work ko na siya before.

"Lokohan, typical friendship, barkadahan, na kahit sa scene naglolokohan kami, biru-biruan."

STILL WILLING TO PLAY TEEN ROLES. Masasabing mature role na ang kanyang ginagampanan, pero sa mura niyang edad, anu-ano ang kanyang mga limitasyon?

"Limitations? Talagang bawal pa yung talagang kissing scenes.

"At bantay po sa bawat eksena, pangit naman kung gagawin ko agad.

"At pangit din naman na makikita ng mga ka-age ko na ganun yung ginagawa ko agad na totohanin ko.

"Siyempre dapat maging magandang ehemplo pa rin ako na kabataang ka-age ko.

"Na ginagawa ko lang yung tama para sa karakter na ginagampan ko at hindi sosobra."

Hindi gaya sa Mara Clara noon na siya ang nagpahirap sa kapwa niya bida, ang karakter niya ngayon sa Walang Hanggan ang inaapi-api.

"Siguro for me, mas challenging na laruin yung pagiging kontrabida role.

"Puwede mong pagsabayin, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Puwede kang maging kontrabida na magpapaawa, kasi nagpapanggap kang mabait. Ganun.

"Nami-miss ko rin yung pagiging kontrabida. Pero siyempre, iba pa rin yung pagiging bida kasi iba din yung hugot.

"Iba rin yung feeling na ikaw yung inaaway.

"Ngayon, ako na yung ginaganun, so kakaibang experience."

Sa tingin ba niya, dapat ay mga papel na pang-teenager pa rin ang kanyang mga ginagampanan?

"Nung una, medyo nabigla, hindi ko alam kung paano ano magmu-move, lalo na yung mga taong sumubaybay sa Growing Up. Na nami-miss na raw nila yung karakter kong si Tammy.

"’Tapos nung lumabas yung Walang Hanggan, natakot ako na baka hindi nila matanggap, kasi iba nga yung karakter ko rito.

"Nag-start nga ako sa pagiging bata, pero as the story goes by, medyo nag-mature yung role ko.

"Pero yun nga kasi yung maganda sa Walang Hanggan na nag-start ako sa bata.

"So, makikita yung transition, hindi lang yung bigla biglang mature na agad yung karakter ko."

Sa tingin ba niya ay puwede pa rin siyang gumanap ng mga papel na pang-teenybopper?

"Hindi ko pa alam. Hopefully, siguro. Sana!

"Gusto ko rin naman na gumanap na teen roles, para hindi pa rin naman makalimutan ng tao yung real age ko.

"Basta maganda naman yung project, willing talaga ako," sabi ni Julia.

ENCHONG DEE. Kumusta naman sila ni Enchong Dee na nababalitang manliligaw niya?

"Okay naman po, ganun pa din.

"Mas okay ngayon kasi nagkakatrabaho kami sa isang movie. Yun yung The Reunion ng Star Cinema."

Pero ayon kay Julia, masyado pa raw maaga para pagtuunan niya ng pansin ang panliligaw ni Enchong, o kung sino mang manliligaw sa kanya.

"Kasi, bata pa po ako talaga ko. Seventeen pa lang po ako at ayaw ko naman suwayin yung lola ko.

"Okay nga naman yung work ko ngayon at nae-enjoy ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayaw kong ma-distract. Alam mo naman ’pag love.

"Personal choice ko rin na hindi pa ma-in love kasi alam ko yung responsibilidad ko sa family ko.

"At ayaw ko ngang ma-divide yung attention ko dahil lang sa pag ibig.

"Iba rin kasi ako magmahal, e. Baka ’pag in-entertain ko ito ay malito na ako nang bonggang-bongga!

"Kasi sa pamilya ko, kahit sa mga kapatid ko, may pagka-sweet ako.

"So, akala nga nila nagka-boyfriend na ako kasi nga ganun ako ka-sweet.

"Pero yun nga, may ganun akong ugali, dahil nga siguro wala akong dad.

"Ugali kong pinararamdam ko yung love, maipakita ko na agad hangga’t nandiyan pa sila."

ALL OUT. Pero sakaling magmamahal na daw siya, "All out sa tama. In a way na kapag deserved mo, ibibigay ko. Pero ’pag hindi, hindi talaga.

"Sabi ng lola ko, ’pag 20 na raw ako, e.

"Ayaw ko rin kasing magbigay ng age, kasi hindi ko rin naman masabi ’yan.

"May ugali kasi ako na tinitingnan ko muna yung mga lalaki dahil one of the boys din ako. Alam ko yung paikut-ikot ng mga lalaki.

"Takot ako in a way.

"Niloloko nga ako ng mga barkada ko na baka nga daw hindi na raw ako magka-bf kasi masungit nga daw ako.

"Siyempre, gusto ko pa rin yung pumupunta sa bahay, makilala ng pamilya ko.

"Willing siyang ipakilala yung sarili niya sa harapan ng pamilya ko.

"Medyo kasi sa panahon ngayon, yung mga teenagers, dinadaan sa text na lang. Ayaw ko ng ganun.

"Gusto ko yung personal pa rin, yung tradisyonal pa rin."

Sakaling magka-boyfriend daw siya ay hindi naman niya itatago sa publiko.

"Oo naman, Masaya naman yung alam ng taong happy ka sa lovelife mo."

Ayon kay Julia, maliban kay Enchong ay wala nang ibang nanliligaw sa kanya.

"Wala naman, walang nagkakamali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mukhang siya lang yung nagkamali!" sabay tawa niya nang malakas.

May pag-asa bang sagutin niya ang young actor?

"Sa ngayon, hindi ko pa masagot, kasi ’andun pa siya sa test.

"Tingnan natin, sabi niya makakapaghintay naman daw siya.

"E, di tingnan natin," nangingiting pahayag niya.

Sakaling makakapaghintay daw ang binata, may tsansang sagutin naman niya ito pagtuntong niya sa tamang edad.

"Siguro, kasi personally, mabait naman siya, family-oriented.

"So yun, wala naman akong nakikitang masama personally sa kanya.

"Test na lang, ayaw ko namang ibigay agad sa kanya na porke’t mabait ka, sige, go! May ganung factor."

Pero lumalabas naman sila ni Enchong para mag-date?

"Friendly date. Pero hindi na ngayon, matagal na yun, e.

"Dahil ngayon naging busy na kami pareho. Hindi na uli nasundan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN