Jovit Baldivino shrugs off alcoholism issue; long-distance relationship with girlfriend not a problem

Jovit Baldivino on rumors that he’s an alcoholic: "Hindi ko na lang pinapansin yun kasi hindi naman totoo. So, ang ginagawa ko, pinalalampas ko na lang. Nakikinig na lang ako sa balita. Alam naman natin na marami ang hindi totoo, so hindi ko na lang pinapansin baka lumaki pa. Yung umniinom ako, matagal na yun, di pa ako artista."


Noong Linggo, Marso 4, ay nakatanggap ng tig-isang award ang dalawang record albums ni Jovit Baldivino sa musical-variety show ng ABS-CBN na ASAP 2012.

Ginawaran ng triple platinum award ang album ni Jovit na Faithfully at platinum naman para sa I Did It For Love.

PLATINUM ARTIST. Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jovit matapos niyang tanggapin ang mga nasabing parangal, kitang-kita sa singer ang saya dahil sa mga natanggap na award.

"Siyempre na-surprise ako kasi hindi ko alam na a-award-an ako ng ganito ngayon.

"Kasi hindi ako makapaniwala na makakakuha ako ng ganitong awards kasi ang daming sikat na singers dito sa Pilipinas.

"Hindi ko akalain na mamahalin ng masa ang albums ko.

"At ngayon, nag-triple platinum yung isa, ’tapos platinum naman yung I Did It For Love, sobra akong thankful.

"Nababalitaan ko na ang daming lumalabas na pirata [piniratang kopya] pero hanggang ngayon sinusuportahan pa rin nila ang original.

"Sana patuloy pa rin nilang suportahan at abangan ang mga lalabas ko pang awitin," saad ng Pilipinas Got Talent winner.

NEXT ALBUM? Paggawa ng bagong record album ba ang kanyang pinagkakaabalahan sa kasalukuyan?

"Wala pa akong bagong album, pero may balak na ang Star Records para sa third album ko.

"Mayroon din kaming Star Magic Tour. Sa March 27 ang alis namin, then balik kami ng Mahal na Araw na," sabi ni Jovit.

NON-SHOWBIZ GIRLFRIEND. Hindi itinatago ni Jovit na may non-showbiz girlfriend siya na nasa ibang bansa.

Marami ang nagsasabi na mahirap mag-survive ang isang long-distance relationship, lalo’t nandiyan ang maraming temptasyon lalo na sa show business.

Paliwanag ni Jovit, "Minsan nahihirapan ako. Pero minsan masaya ako, nakakausap ko siya, tinatawagan ko.

"Nag-aaral siya doon.

"Matagal na rin kami. One year and seven months na.

"’Di naman ako nagwu-worry sa relasyon namin kasi may tiwala kami sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May girlfriend ako, so kung may mga nakikilala ako, hanggang friends lang talaga.

"Papansinin ko sila, haharap ako sa camera ’pag magpapa-picture sila.

"Kung sa pagkakaibigan, ready ako; pero yung makipagrelasyon sa iba, definitely hindi."

HE’S AN ALCOHOLIC? Nababalitang madalas daw siyang lasing na lasing at sinasabi tuloy na isa siyang alcoholic. Ano ang masasabi ni Jovit dito?

"Hindi ko na lang pinapansin yun kasi hindi naman totoo.

"So, ang ginagawa ko, pinalalampas ko na lang. Nakikinig na lang ako sa balita.

"Alam naman natin na marami ang hindi totoo, so hindi ko na lang pinapansin, baka lumaki pa.

"Yung umniinom ako, matagal na yun, hindi pa ako artista.

"First reaction ko? Medyo natakot ako kasi showbiz kasi.

"First time ko sa showbiz, hindi ako sanay humarap sa kamera, hindi ko alam ang laro ng show business.

"Medyo natatakot ako.

"Pero nung medyo nagtagal-tagal na ng kaunti, medyo nasanay na ako."

TAKING CARE OF HIS VOICE. Sinasabing kapag husky voice o tunog-paos na ’tulad ng kay Jovit ay nagbabago raw at darating ang oras na hindi nakakaabot ng matataas tono.

May takot ba siyang baka mangyari rin ito sa kanya?

"Kailangan talaga makumpleto mo ang tulog mo. Kain sa tamang oras, ’tapos iwas sa malalamig na tubig pagkatapos kumanta.

"At iwasang magpuyat. Inaalagaan ko siya para hindi mangyari yun sa akin," sabi ni Jovit.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN