Gwen Zamora does her own stunts in international film; admits dating non-showbiz guy

"He’s a very private person," says Gwen Zamora when asked about the identity of her constant date.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang magandang female star na si Gwen Zamora sa 17th floor ng GMA Network Center kahapon, March 8, para sa pelikulang The Witness.

Si Gwen ang nag-iisang Filipina sa cast ng international movie na nabanggit.

Matagal na raw natapos ang shooting ni Gwen para sa nasabing pelikula.

"Six months ago pa. We started in August and ended in September," umpisang kuwento ni Gwen sa PEP.

Bukod sa Pilipinas, ipapalabas daw ang The Witness sa iba-ibang bansa.

"Singapore, Malaysia and Indonesia," banggit ni Gwen.

Hindi ba siya nagkaproblema noong sa ibang bansa kinunan ang mga eksena niya?

"A, wala naman... ay pabalik! Super excess ako... 50 kilos excess ako," pagtukoy niya sa dalang bagahe.

"I was 50 kilos overweight kasi I was there for so long.

"Yung mga days na parang late ang calltime, I just wanted to walk around so nagwu-walk-walk ako dun.

"Kasi at least doon, hindi ako kilala, so puwede akong mag-walking-walking sa streets.

"Ang dami kong binili. Bumili ako ng mga books, mga CDs, mga paintings.

"And yeah, on the way back, ’Oh my God!’" sumobra raw sa timbang ang dala-dala niyang bagahe pabalik ng Pilipinas.

INDONESIA. Kuwento pa ni Gwen tungkol sa airport ng Indonesia, "Ang cute ng airport nila, parang resort."

Nakita rin ni Gwen na electric fan ang nasa lounge area ng airport ng Indonesia.

"Oo, walang aircon."

May nagsisigarilyo rin daw mismo sa loob ng airport.

"Kasi para siyang resort. The way it’s done, very ano... yung bubong, ’tapos street, tapos garden, garden, garden, garden. Puro garden."

Isa at kalahating buwan nag-shoot si Gwen sa Indonesia ng The Witness. First time daw niya iyon sa Indonesia.

Anong parte ng culture ng naturang bansa ang medyo nagulat si Gwen?

"I’m immune to culture shock, so parang wala naman akong... sa sili lang ako nagkaproblema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung pagkain nila, sobrang anghang!" bulalas niya.

Hindi ba siya mahilig sa maaanghang na pagkain?

"Mahilig, pero yung pagkain nila, yung anghang, grabe!

"Imagine yung plain rice nila, red na yung plain rice nila dahil puro sambal [chili-based sauce].

"Or ’pag kakain sila ng lumpia, sili, lumpia, sili, lumpia, sili, lumpia.

"Oo, ganun, grabe talaga! Doon ako nahirapan."

Kaya raw kapag hindi na kaya ni Gwen ang anghang ng mga pagkain ay kropek o pancit canton ang kinakain niya.

HER ROLE? Ayon kay Gwen, ang The Witness ay, "It’s more of a suspense-thriller.

"There are parts where you see dead people but they’re not ghosts.

"Parang nabaliw lang yung character ko dahil sa na-witness niya."

Sa The Witness, gumaganap si Gwen bilang si Angel Fordeliza Isagani, general manager ng isang hotel na lumipat mula sa Manila sa isang hotel sa Jakarta.

Sa kuwento ay lagi niyang napapanaginipan ang isang lalaking nagngangalang Aris na nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili.

Saan nahirapan na mga eksena si Gwen sa pelikula?

"Yung mga stunts, ako mismo. Yung nahulog ako from the second floor to the ground."

May double naman daw siya pero, "Kasi slow siya... may double yung mabilis [na eksena] pero yung slow, ako.

"Pero parang hindi daw ’ata ipapakita yun kasi nagkaproblem sa editing.

"Pero baka there might be parts yata na ipapalabas," sabi niya.

Paano siya napapayag na siya mismo ang mahulog mula sa second floor ng building?

"Kasi parang safe naman, e.

"Kasi from the second floor to the swimming pool, hindi naman sa concrete ako babagsak.

"Sa swimming pool ako nahulog, so parang exciting, and I want to do that."

Ayon kay Gwen, ang The Witness ay mula sa direksiyon ni Muhammad Yusuf and produced by Skylar Pictures.

Ire-release daw ito ng GMA Films at ipapalabas simula March 21 sa mga sinehan nationwide.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GOING SEXY? Hindi pa nagpu-pose for FHM magazine si Gwen. Inalok na raw siya, pero ayaw pa raw niya.

"A lot of people asked, but no, ayoko. If I do FHM, naka-tuxedo ako!

"Sexy naman yun, e, yung naka-tuxedo," nangingiti niyang sabi.

Wala naman daw nagbabawal sa kanya na magpaseksi, maging ang kanyang home network na GMA-7 ay walang tutol.

"It’s more of a personal choice.

"Kasi if I really wanted to do it, I’m sure they would allow me. But I don’t really want to do it.

"There are still a lot of things that I want to accomplish bago ako mag-FHM," sabi niya.

Pero hindi naman daw isinasara ni Gwen ang kanyang pintuan para dito.

"No naman. Maybe in the next couple of years."

Nakapagpa-pictorial naman na raw si Gwen dati na naka-two-piece swimsuit.

"Once. It was for Men’s Health [magazine]. Parang summer special last year."

So, hindi naman pala siya totally umaayaw sa sexy pictorials?

"Yeah, no naman! Pero the way it was done was very wholesome.

"’Tapos hindi siya yung... parang mostly blurry yung nakikita."

IT’S COMPLICATED. Inamin ni Gwen na mayroon siyang nakaka-date exclusively na isang non-showbiz guy.

Ayaw nang banggitin ni Gwen ang pangalan ng naturang lalaki.

"He’s a very private person," sabi niya.

Boyfriend na ba niya ang lalaking kanyang sinasabi?

"I don’t know. It’s complicated!

"It’s complicated because of work... the point that the kind of life I have right now parang... he’s understanding naman, e.

"He’s very understanding, that’s one of the reasons why I like him.

"And he saw me from before showbiz to now so I have a lot of respect for him."

Matagal na ba silang nagde-date?

"Pero on and off," sagot niya.

Ano ang nakakapigil para maging pormal na ang kanilang relasyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I have other things to think about and work on before being in a relationship," sagot ni Gwen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN