Jake Vargas admits he has a crush on Kris Bernal, hopes to be paired with her someday

Given a chance, Jake Vargas would like to be paired with Hiram Na Puso lead star Kris Bernal.

"Crush ko po kasi siya," admits Jake. His manager German Moreno reveals that Kris also has a crush on Jake.


Nang tanungin kung sino ang gusto niyang makapareha kung sakaling buwagin ang love team nila ni Bea Binene, medyo nahihiya pang binanggit ni Jake Vargas ang pangalan ng babaeng gusto niya.

Napatingin pa siya muna sa manager niyang si German Moreno at ito na mismo ang nagsabi ng pangalan ng Kapuso star na gustong makapareha ni Jake.

"Si Kris Bernal," banggit ni Kuya Germs.

"Crush ko po kasi siya," pag-amin ni Jake sa mga miyembro ng press na dumating sa presscon para sa kanya ng BNY Unlimited na iniendorso niya kahapon, Marso 9, sa Cerchio Grill, Quezon City.

Unang nagkasama sina Jake at Kris sa drama series na Dapat Ka Bang Mahalin, kunsaan ginampanan niya ang papel bilang kapatid ng character ni Kris.

Kuwento naman ni Kuya Germs sa press, nagkataon na crush din pala si Jake ni Kris.

"Nagtapat kasi sa kanya si Kris Bernal, e.

"Sinabi niya, ’Alam mo, kung puwede lang ako, paliligaw na ako sa ’yo,’" kuwento ni Kuya Germs.

Ang problema nga lang nung panahon na yun, pareho silang "committed."

Si Kris ay balitang may karelasyon noon, habang si Jake naman ay nakatali sa love team nila ni Bea.

Pero biro kay Jake, ngayong single na si Kris, baka puwede nang ligawan ito ng binata.

Napangiti lang ang young actor, "Hindi, nandiyan si Bea, e. Yari ako kay Bea."

Naintriga tuloy ang press sa sinabing ito ni Jake. May karapatan bang magalit si Bea kung manligaw siya ng ibang babae?

"Siguro. Kasi ako ang love team niya, e. Siguro po," sagot ni Jake.

Dahil sa love team nga lang ba? Walang personal?

"Sa personal..? Oo..." nangingiting sagot ng 18-year-old na binata. Pero sinundan ng pagsabi ng, "Siguro po...siguro."

BEA IS STILL TOO YOUNG. Bago ang mismong presscon, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jake at tinanong ito kung hindi ba sila dumating sa punto ni Bea na gusto na nilang lagpasan ang pagiging simpleng mag-love team lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Bea po kasi, wala pa po kay Bea yun. Yung mag-level up yung love team naming dalawa.

"Bata pa po kasi si Bea," sabi pa ni Jake.

Pero siya ba mismo ay hindi nag-isip na ligawan na talaga si Bea?

"Inisip ko po minsan. Pero para sa amin... Nandiyan lang naman si Bea, e," tila nag-iingat na sagot ni Jake.

"Si Bea nandiyan lang naman lagi yan. So, puwede ko siyang kausapin. Puwede ko siyang...puwede ko siyang i-date!"

Kung nababataan masyado si Jake kay Bea, meron ba siyang binitawang salita sa 14-year-old na dalaginding na parang kasunduan nila na liligawan na lang niya ito kapag nasa tamang edad na?

Nag-isip muna si Jake. "Merong ganun.

"Pero para sa amin, parang joke lang.

"Sa akin galing yun. Pero para kay Bea, ewan ko lang kung totoo na yun para sa kanya," pahabol ni Jake.

Pero pag binibiro ba niya si Bea na ide-date niya ito, ano ang kanyang reaksyon?

"Ano, sasama siya, kasama din daw yung mama niya."

BREADWINNER. Malaki ang pasasalamat ni Jake sa mga trabahong dumarating sa kanya.

Bukod sa Alice Bungisngis and her Wonder Walis at Pepito Manaloto, kasali na rin siya sa Walang Tulugan with the Master Showman.

At heto nga’t meron pa siyang bagong endorsement.

Nagpapasalamat nga raw siya nang husto sa manager niyang si Kuya Germs na siyang namamahala ng savings niya.

"Nakakaipon po ako dahil kay Kuya Germs. Siya po kasi ang nagha-handle sa aking money.

"Si Kuya Germs po talaga ang nagtuturo sa akin kung paano mag-ipon. Kung paano humawak ng pera," sabi pa ni Jake.

Dahil daw sa pag-iipon nila ni Kuya Germs, mayroon na siyang sariling kotse, may pinapagawang bahay at may pinapagawa ring computer shop na siyang magiging business niya sa labas ng showbiz.

"Hindi pa po siya gaanong kalakihan kasi ginagawa pa lang po. Pero kapag kumita o pag naging maganda ang kinalabasan, papalakihan ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Doon daw talaga siya nagko-concentrate sa ngayon, ang mag-ipon nang husto ng kanyang mga kinikita at ilagay sa bagay na pagkakakitaan pa niya.

"Ako po kasi ang breadwinner sa amin. Sinusuportahan ko po yung iba ko pang kapatid, yung mga iniwan sa akin ni Mama."

Namatay ang ina ni Jake nung nakaraang taon matapos ang pitong taong pakikipaglaban sa sakit na cancer.

CLICK HERE to watch related video.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN