Julie Anne San Jose and Elmo Magalona prepare for their first, big-screen kiss

Julie Anne San Jose and Elmo Magalona are shooting their launching film, Just One Summer, for GMA Films. The young stars have chemistry and are comfortable with each other. They also have a fan base since they started teaming up in the Sunday noontime show, Party Pilipinas. They have also appeared on the TV series Andres de Saya and Daldalita.


Excited na pareho sila Elmo Magalona at Anne Ann San Jose dahil nagsimula na ang shooting para sa launching film nila na Just One Summer sa ilalim ng GMA Films.

Naganap ang story conference ng movie noong nakaraang March 8 sa 17th floor ng GMA Network Building at nag-first shooting day sila kinabukasan (March 9) sa may Muñoz, Project 7, Quezon City.

Last year pa nga naisip ang istorya para kina Julie Anne at Elmo dahil sa sobrang lakas ng kanilang teamup na JuliElmo na laging inaabangan sa Party Pilipinas.

Second movie pa lang ito ni Elmo (una siyang na-introduce sa Tween Academy: Class of 2012) pero mas nakakaramdam siya ng kaba ngayon dahil this time ay bida sila ni Julie Anne.

Pinagdarasal nga niya na maging successful ito para magkaroon ng follow-up.

"I am really excited about what’s happening now.

"Kelan lang po I was just performing on television. Ngayon I’m doing a big movie," sabi ni Elmo sa aming interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa story conference ng Just One Summer.

"It’s happening so fast, pero I am enjoying it. I want to do good with what GMA-7 is giving me and my partner Julie Anne."

Wala na raw silang problema ni Julie Anne with regards to chemistry dahil gamay na nila ang isa’t isa.

Nakailang beses na rin silang nag-partner sa TV (Andres de Saya, Daldalita) kaya maganda na ang working relationship nila.

"Kami naman po ni Julie, we’ve worked [together] on TV so many times na and we know that the chemistry is there.

"We’re always supporting one another and every time naman na magkasama kami, we always give our best.

"Gusto po naming i-share ang talent namin with so many people, lalo na ang fans ng JuliElmo who are always there to cheer for us and really show their support," ngiti pa ni Elmo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WORKING WITH VETERANS. Para naman kay Julie Anne, first movie niya itong Just One Summer at natutuwa siya dahil bukod sa launching film nila ni Elmo, makakatrabaho pa nila ang mga mahuhusay na veteran stars ng local film industry at ididirek pa sila ni Mac Alejandre.

"It’s really an honor for us to be working with the likes of Ms. Gloria Romero, Ms. Cherry Pie Picache, Ms. Alice Dixson and Mr. Joel Torre.

"Parang ang ganda-ganda na po ng movie na ito sa kuwento pa lang nila Direk Mac Alejandre sa amin.

"Parang ang suwerte-suwerte naman po namin na makakatrabaho namin ang mga artistang ito and sobra ang suporta ng GMA-7 sa amin ni Elmo.

"Nakakatuwa rin kasi po hindi lang kami sa TV mapapanood ng mga JuliElmo fans, kundi sa big screen na rin.

"We’ve done different acting workshops na at nagkaroon na kami ng heart-to-heart talk with Direk Mac. Gusto niya kaming mag-succeed dahil naniniwala siya sa amin ni Elmo.

"Yun din naman po ang gusto namin ni Elmo talaga. We want to make a good impression sa mga taong nagtitiwala sa amin sa GMA-7.

"And we want our fans to love our movie as well," ang sabi ni Julie Anne.

At dahil isang love story ito, hindi maiwasan na may mga nakakakilig na mga eksena sila Julie Anne at Elmo.

Halos sabay ngang mag-turn 18 sila Julie Anne (on May 17) at Elmo (on April 27) sa taong ito kaya ready na raw silang dalawa sa anumang ipagawa sa kanila ni Direk Mac sa movie.

"Kailangan talaga maging ready po kami," mabilis na sagot ni Elmo.

"Magagamit naman namin ang lahat nang natutunan namin sa mga workshops.

"And hindi naman siguro kami basta bibigyan ng mga scenes na hindi namin kaya i-handle.

"We will have a great acting coach on the set, si Ms. Ana Feleo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya anything na parang bago sa amin ni Julie ay puwede naming i-consult with her," sabi ni Elmo.

BIG-SCREEN KISS. Ang hindi lang sigurado ni Julie Anne ay kung ready na siya sa first onscreen kiss niya with Elmo.

"Wala naman silang nababanggit pa about that, e!" sabay tawa ni Julie Anne.

"I don’t know po kung ready na ako. Si Elmo kasi, nagkaroon na siya ng screen kiss with Sam Pinto sa Tween Academy.

"Kaya siya ready na siya.

"Ako po, hindi pa. Pero bahala na po. May tiwala naman po ako sa ipapagawa sa amin ni Direk Mac."

Kasama rin sa pelikula ay sila Buboy Garovillo, Sheena Halili, Steven Silva, Diva Montelaba, Sef Cadayona, Lexi Fernandez at marami pang iba.

Sa May 9, 2012 na ang playdate ng Just One Summer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN