Gwen Zamora denies rumored romance with Boy2 Quizon

Gwen Zamora wants to play a female Budoy, a TV series about a mentally challenged young man.

"’Cause I feel it’s very challenging and then when you play a role like that, you see the world in a different angle. Yung parang everything is so happy yet so sad, yung instead of being a mataray person all the time or action, yung at least a different character," she says.


Nilinaw ni Gwen Zamora ang isyu na nagkaroon daw sila ng relasyon ni Boy2 Quizon na kasamahan niya sa gag show ng GMA na Bubble Gang.

Sa pagkakaalam niya, ni hindi nga nanligaw sa kanya si Boy2. Magkaibigan lang daw talaga sila.

"Me and Dos [Boy2], we get along kasi we’re both into music.

"’Cause my dad’s a musician. Parang iyon yung bonding time namin.

"So whenever we have time, pupunta kami sa mga underground music fest, mga ganun, but my dad is always there.

"It was more of parang kuya thing iyon, that’s how me and Dos are. Parang kuya, I call him Kuya Dos pero napipikon siya," ang natatawang sinabi ni Gwen.

"Pero until now, Kuya Dos pa rin."

Dalawang beses nakatrabaho ni Gwen si Vic Sotto sa Enteng Kabisote movies, pero hindi sila na-link. Hindi ba nagparamdam sa kanya si Vic?

"No. Merong sinasabing naging kami or something, during the movie lang, baka pang-hype lang yun, but no, never."

Kung may manliligaw sa kanya na medyo older guy, okay lang kay Gwen?

"I don’t mind. Young or old."

So kung nanligaw pala sa kanya noon si Vic, may chance ang komedyante?

"I don’t know, I really can’t answer."

ON SAM PINTO. May mga tao na pinagbabangga sina Gwen at Sam Pinto. Naapektuhan ba ang friendship nila?

"Rivals ba kami? Not really kasi me and Sam are very different.

"And she’s more of the, ’Wow, ang ganda ni Sam!’

"Ako yung parang lukaret, e. Kahit sa Bubble Gang ako yung parang may topak," at napatawa si Gwen.

"Alam mo yung sira-ulo?

"Si Sam yung pa-cute-cute, yung ganun, ako yung di ba sa [Boy] Pick-up, ako yung sigaw ng sigaw. We’re very different."

Nabanggit naman ng PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) kay Gwen ang tsismis at blind item na si Sam ay yung nakaka-ilang take sa mga eksena, samantalang si Gwen ay madalas take one lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Really? I don’t know.

"I don’t like take 2, take 3, take 4, napapraning ako.

"Feeling ko pag take 2, ’Ay, ano ba yung ginawa ko?!’ Napa-praning ako.

"Kasi if I do more than one take, I think back on what I did, ’Ay mali, mali!’

"May ganun ako, e. OC [obsessive-compulsive] ako sa ganun.

"Kaya sa Indonesia ang daming takes, kasi very meticulous yung director."

NEW MOVIE. Gwen is referring to her international movie, The Witness, a suspense-thiller directed by Muhammad Yusuf and shot in Indonesia.

Ipapalabas sa mga sinehan ito ng March 21. Produced by Skylar Pictures, released ito ng GMA Films.

"So yung mga first shooting days, hindi naman ako na-depress pero I kept on asking myself, ’What am I doing wrong?’

"Until one day sa sobrang na-frustrate ako, I went to the director, I asked him what he wanted para hindi rin ako mahirapan.

"’Let’s talk about what you want so we can help each other.’

"And I understood naman his point kasi ang galing talaga ng mata ng director, very meticulous.

"There’s this scene na paa ko lang ang kukunan, pero gusto niya yung may rhythm, may ano so..."

Ilan ang pinakarami niyang take sa The Witness?

"Mga 27! Kasi very meticulous yung director tapos very long yung scene.

"Ano siya, panning scene from the front door until upstairs.

"So ’Cut!’ then ’Cut!’ then ’Cut!’

"Kasi may mga issues sa handheld [camera], so pag kita yung shadow or masyadong gumalaw... So it’s not my fault.

"Pero nasanay ako after a while, na the more, the better kasi if you finally agreed, even though it’s 27 takes, it must mean that it is good."

FEMALE BUDOY. Gwen’s dream role...

"My dream role is a female version of Budoy."

So nanonood siya ng Budoy?

"Paminsan, nagi-glimpse ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit Budoy?

"’Cause I feel it’s very challenging and then when you play a role like that, you see the world in a different angle.

"Yung parang everything is so happy yet so sad, yung instead of being a mataray person all the time or action, yung at least a different character.

"Yung parang I Am Sam but female version. Kasi how come it’s always male? Walang babae."

Kung o-offer-an siyang maging sirena sa isang project pero may breast exposure, papayag ba siya?

"Oo, puwede! Breast exposure puwede kung wholesome pa rin yung dating."

Gwen’s crush in showbiz is Aljur Abrenica...

"Aljur, siyempre! It will never change, until now, I still tease him, ’Hi, Aljur!’

"Pag nagge-guest siya sa Bubble Gang, palagi kong tinutukso, ’Hi , Aljur! Can I sit next to you?’"

Ang reaksyon ni Aljur pag tinutukso niya...

"Wala, siya yung parang naiilang. Pero joke lang naman."

Ang nagustuhan niya kay Aljur...

"Kasi he’s fun to talk to, kalog siya."

Pero nilinaw ni Gwen na crush lang niya si Aljur; may non-showbiz guy na dine-date exclusively ang aktres.

Crushes din ni Gwen sina Zanjoe Marudo and male model Marvin Kieffer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN