Jericho Rosales on why he agreed to portray a villain on TV: "Hindi naman ako kontrabida na walang rason. In the end, may redeeming factor."

Jericho Rosales plays the role of a villain in the ABS-CBN teleserye, Dahil sa Pag-ibig. Also in the cast are Piolo Pascual, Cristine Reyes and Christopher de Leon.




Sa set ng bagong teleseryeng Dahil sa Pag-ibig ay masayang ikinuwento ni Jericho Rosales ang kakaibang excitement na nararamdaman niya.

"Kasabay ng excitement sa pag-e-air ng bagong teleserye namin, medyo kinakabahan ako sa schedule namin kasi nagkaroon ng demand na maipalabas ito agad," umpisang kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Kasi sa totoo lang, e, hindi ako sanay sa ganito.

"Pangako Sa ’Yo at yung Green Rose, tinatapos muna namin bago ipinalabas. Kaiba dito talaga," dugtong niya.

So, minamadali ito?

"Hindi naman minamadali. Kumbaga, yung airing lang namin.

"Sanay lang talaga ako na tinatapos muna bago ipapalabas. But maganda ito at exciting.

"Kasi kasama ko sina Sir Boyet [de Leon], Cristine [Reyes] and Maricar [Reyes] kaya masaya sa set namin."


Kontrabida ni Piolo Pascual ang role ni Jericho sa naturang teleserye. Bakit siya pumayag na gumanap na kontrabida?

"Well, parang bida-kontrabida at maganda ang reason kung bakit naging kontrabida ang role ko rito," ang sabi ni Echo.

"May mga bagay na hindi niya alam kung paano i-handle ang situation.

"Kumbaga, dumedepende siya sa emotions. So, parang ang sarap paglaruan at hindi boring ang role ko rito.

"Ang papel ko rito may side na he’s doing things for the wrong reason.

"Basta maganda at madali akong pumayag talaga, kasi after doing roles na medyo bida-bida...

"Basta hindi naman ako kontrabida na walang rason. In the end, may redeeming factor.

"Usually, hindi talaga ako tatanggap ng role sa TV na medyo bad ang character until the end kasi ayokong magalit sa akin ang mga bata.

"But this time, may rason kung bakit ganito ako. Wounded character ako rito," aniya.

WORKING WITH THE CAST. First time niyang makakasama si Piolo sa isang teleserye. Ano ang pakiramdam?

"Matagal na kaming nagkukuwentuhan na since nagpo-produce siya ng mga concerts, e, hindi malayong mangyayari na magkasama kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero this time, ABS-CBN na ang gumawa ng paraan na magkasama kami."

Kamusta naman ka-trabaho si Maricar Reyes?

"Masaya siyang ka-trabaho, very professional at may pagka-inosente.

"Very naïve ang approach niya which is good naman. Ang galing niya. Sana nakatrabaho ko na siya noon pa.

"I totally enjoyed working with Maricar, ’cause she’s a brilliant actress at masarap siyang kasama," aniya.

Kamusta naman si Cristine Reyes bilang isa sa mga leading ladies?

"Cristine is always ready sa mga eksena. Darating yan sa set handa na sa mga gagawin niya.

"Quiet ’yan, nasa isang tabi lang. Para sa akin isa siyang seryosong aktres," aniya.

ECHO’S LOVELIFE. Masaya raw ngayon ang takbo ng lovelife ni Echo.

"Napagdaanan ko na yung maraming relationship, dumating na ako sa point na medyo pagod na rin ako.

"Iba na ito ngayon. I’m proud to say na she’s a nice person, she is very supportive sa career ko, and she’s full of love.

"Parehong-pareho kami. Magkapareho kami ng ugali.

"Hindi ko naman siya itinatago. Everybody knows na may girlfriend ako.

"Hindi lang naman ako yung tipo na basta na lang ibibida ko lahat ng tungkol sa buhay mo," ang sabi ng magaling na aktor.

INDIE FILM. Bukod sa Dahil sa Pag-ibig, nakagawa na rin si Jericho ng isang indie film kung saan isa siya sa mga producer.

Silang dalawa ni Bugoy Cariño ang bida ng Alagwa at mag-ama raw ang ginampanan nila dito.

"This is my first time to co-produce an indie film.

"This is meant for showing dito sa Pilipinas and hopefully, we can go international.

"Istorya ito ng mag-ama na nagkahiwalay because of child trafficking.

"Naibenta ang anak niya and at hindi na niya ito nakita. Iba ang drama dito.

"Isa akong fire extinguisher salesman sa Binondo," sabi ni Echo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit pinasok na rin niya ang pagpo-produce ng pelikula?

"Kasi, matagal ko na ring plano ito. I love making movies.

"Pangarap ko rin namang maging director and producer.

"Naniniwala naman ako na in ten years time, hopefully, I will have my own production company.

"That is my dream talaga," aniya.

Binanggit na rin ni Echo na bilang co-producer ng pelikula ay tumutulong din daw siya sa pagbuo ng pelikula.

"Sobrang pasasalamat ko sa co-producer at director ko kasi pinabayaan nila ako to [contribute] my own inputs.

"Feeling ko magpo-produce ako ng maraming indie movies.

"Sabi nga sa akin ni Bugoy pagkatapos naming gawin ang pelikula, sana nga raw ako lagi ang producer niya," natatawang pagtatapos ni Jericho Rosales.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN