Sheena Halili’s message to the person sending her flowers: "Hindi naman sa natatakot ako, pero sana magpakilala naman siya."

Ayon kay Sheena Halili, mabuti nga raw at flowers ang pinapadala sa kanya. Kesa naman daw kung anu-ano ang biglang ipadala sa kanya na ikaloka niya.


May stalker nga ba si Sheen Halili?

Ito ang inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Kapuso young actress nang makapanayam namin siya sa story conference ng Just One Summer noong nakaraang Thursday, March 8.

May mga messages nga raw kasi si Sheena sa kanyang Facebook at Twitter account na nananawagan sa taong nagpapadala sa kanya parati ng bulaklak. Gusto raw niya itong makilala para mapasalamatan niya ito.

Madalas nga raw makatanggap ng mga roses si Sheena sa kanilang bahay sa Pampanga at maging sa condo unit niya sa Quezon City.

Noong una raw ay natutuwa si Sheena dahil baka raw fan lang ito na nahihiyang magpakilala. Pero ngayon ay medyo kinakabahan na siya dahil may mga nababasa siyang istorya ng ibang mga Hollywood stars na may mga fans na nagiging stalker sa bandang huli.

"Hindi naman sa natatakot ako, pero sana magpakilala naman siya.

"Ayoko namang isipin na stalker siya dahil wala namang ginagawang masama sa akin.

"Nakakatuwa noong una pero habang tumatagal na nagpapadala siya ng bulaklak tapos wala namang identity ang taong ito, siyempre kinakabahan ako.

"Okey naman akong kausapin, e. Miss Friendship nga ako, e. Lagi nga akong best friend sa TV, ’di ba?" sabay tawa pa niya.

Ayaw nga raw kasing mapraning ni Sheena sa kakaisip kung sino ang taong ito. Kung bata, matanda, lalake or babae ito.

"Habang hindi pa ako napapraning sa taong ito, please pakilala ka na.

"Super na-appreciate ko ang mga flowers na bigay niya.

"Kahit na hindi naman tayo kagandahan at umaapaw ang alindog, meron palang nag-aabala na padalhan tayo ng mga gifts.

"Pasok ’yon sa akin... Pero I need to know who you are para naman hindi ako kinakabahan at tinatakot ng mga kaibigan ko," ngiti pa ni Sheena.

Dagdag pa niya na mabuti nga raw at flowers ang pinapadala sa kanya. Kesa naman daw kung anu-ano ang biglang ipadala sa kanya na ikaloka niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okey nga yung flowers. May nagsabi nga sa akin na maging thankful ako na flowers yung iniiwan sa bahay, kesa naman daw na patay na [hayop]. Mas maloloka ako, ’di ba?" sabay tawa niya.

"Sana naman huwag nang umabot sa gano’ng eksena, ’di ba? Matakutin pa naman ako.

"Kaya please, magpakilala ka naman na. Hindi ako mahirap kaibiganin. Basta malinis ang intentions niya, magiging good friends kami," pagtatapos pa ni Sheena Halili

Kasama si Sheena sa cast ng Julie Ann San Jose at Elmo Magalona launching film na Just One Summer.

Special request nga raw siya ni Direk Mac Alejandre na makasama sa movie kahit na busy ito sa taping ng GMA-7 telefantasya na Alice Bungisngis and Her Wonder Walis at paminsan-minsan sa programang May Tamang Balita ng GMA News TV.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN