Piolo Pascual on working with Christopher de Leon in a teleserye: "Inspirasyon ko siya. I grew up watching his movies."

Piolo Pascual plays the role of a priest in the upcoming ABS-CBN teleserye, Dahil sa Pag-ibig. "It’s another different role. Siyempre, medyo nangangapa pa rin tayo but I’m excited dahil ibang dimension naman. Ang hirap lang ng conflict niya for him to give up the priesthood, tapos yung nag-ampon pa sa kanya, so mabigat ang burden niya," he says.



Subsob sa trabaho ngayon si Piolo Pascual.

Ayon kay Piolo nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa location taping ng Dahil sa Pag-ibig ng ABS-CBN ay halos araw-araw daw ay may trabaho siya.

Tuwing T-TH-S (Tuesday, Thursday and Saturday) ay nasa set siya ng pelikulang tinatapos niya kasama si Angelica Panganiban. Last year pa raw nila ito inumpisahan at sana ay maipalalabas na raw ito ng May.

Tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes naman ay nasa taping si Piolo ng Dahil sa Pag-ibig na ipapalabas na sa Lunes, March 12, sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Kasama niya sa teleserye si Christopher de Leon, Jericho Rosales, Cristine Reyes and Maricar Reyes.

Kamusta na si Piolo?

"Medyo ngarag. Kahapon, nasa shooting ako ng Every Breath You Take ng Star Cinema at ngayon dito naman sa Dahil sa Pag-ibig," aniya.


Isang pari ang ginampanan ni Piolo sa teleserye.

"Isa akong ampon nina Tito Boyet [de Leon]; ulila ako at a young age. Nakita niyo naman sa trailer, na may hindi magandang nangyari sa magulang ko, kaya inampon ako ng mga Valderama.

"Nagserminaryo ako for six years. But ever since we were kids, kami ni Cristine [Reyes] na anak ni Tito Boyet, andun na yung hidden interest namin sa isa’t isa.

"To make a long story short, dinala ako ng tatay ko sa Rome, we shot some scenes there and then pagbalik ko, nanaig pa rin ang feeling ko for Cristine at dun nagsimula ang conflict.

"Kung paano naman ang conflict namin ni Jericho, it will be revealed after maipalabas ang pilot," kwento ni Piolo.

FIRST TIME TO WORK WITH ECHO. First time niyang makatrabaho si Echo sa isang teleserye. Pero hindi pa raw nakukunan ang mga eksena nila.

"This is my first time na makasama sa isang soap si Jericho. Hindi pa kami nagka-eksena together, aside from what you saw sa trailer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It’s my first time also to work with Cristine Reyes," ang sabi ni Piolo.

Ilang beses nang naka-trabaho ni Piolo si Boyet de Leon. Ito ay sa pelikulang Dekada and Lovers in Paris.

May ilang eksena si Piolo na kinunan mismo sa Rome at sa Vatican City. Kamusta naman ang shooting duon?

"It was very cold. It was also the time na nag-shoot sina Coco Martin and Dawn Zulueta sa Walang Hanggan.

"We shot at the Vatican, sa cathedral and we shot all around Rome, kung saan andun ang mga pari," aniya.

FIRST TIME TO PLAY A PRIEST. Ngayon lang nabigyan ng pagkakataon si Piolo na gumanap bilang isang pari sa teleserye.

"It’s another different role. Siyempre, medyo nangangapa pa rin tayo but I’m excited dahil ibang dimension naman.

"Ang hirap lang ng conflict niya for him to give up the priesthood, tapos yung nag-ampon pa sa kanya, so mabigat ang burden niya.

"Kaya, mabigat din ang mga eksenang kinunan.

"Last Monday sa ospital kami, may nangyaring aksidente, nu’ng Wednesday sa burol kami, ngayon naman dito sa sementeryo, kaya mabigat.

"But all in all, it’s all about love, kung ano ang gagawin mo dahil sa pag-ibig," sabi ni Piolo.

Ang seryeng ito raw ang pinakamalaking produksiyon ng ABS-CBN sa taong ito. Pero para kay Piolo lahat naman daw ng mga ginagawang teleserye ng ABS-CBN ay hindi basta basta.

"When I was watching the plug of Walang Hanggan, sabi ko, ’Wow ang ganda!’

"You know, it’s an honor for me to work on a project like this. Siyempre, when we say soap, ang ABS talaga, pinapaganda at pinaghahandaan nang husto."

TITLE CHANGE. Hindi rin naman itinanggi ni Piolo na dating "Padre de Pamilya" ang titulo ng soap opera nilang ito. Katwiran niya, kaya raw pinalitan ay para maging akma sa mga manonood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mas pinalawak kasi ito and we added another member of the cast, Cristine Reyes," aniya.

Itinanggi din ni Piolo ang isyu na binago ang ginagampanan niyang role.

"Lahat ng mga eksena na ginawa na namin, yun pa rin naman at yun talaga ang character ko at walang pagbabago na ginawa.

"May mga dinagdag lang kaming character ni Cristine na lalong gumanda at mas buo ngayon ang kuwento," aniya.

Kamusta naman ang pagganap niya bilang pari sa teleseye?

"Well, nakakapanibago, lalo na nung nasa Rome ako. Suot ko yung damit ng pari pero pag naglalakad ako, e, pinahuhubad sa akin baka raw kasi may mangumpisal sa akin," napatawa pang kuwento ni Piolo.

"Nakalimutan ko kasi minsan, pero siyempre, artista tayo, and it’s a role lang naman pero pag suot ko na at pag nakahulubilo na kami sa mga pari, and I get to talk with them, e, tao rin naman sila kagaya natin," dagdag niya.

Sobrang nasiyahan daw si Piolo sa ilang oras na pagkakausap sa mga tunay na pari. Nagpapa-picture pa nga raw ang mga ito sa kanya at may isa pang binigyan daw siya ng mamahaling coat na gamit gamit din ng mga pari.

Isa na ba ito sa masasabi niyang challenging role?

"Well, I guess ang pinaka challenging sa akin dito, e, yung, you are trying to become somebody else.

"Because sa mga soap na ginagawa natin, you do a certain role for at least six months.

"So, to come up with a new character and persona is a challenge for me.

"It’s a bonus for me, working with brilliant actors and a good script. Tatrabahuhin mo talaga yung character mo," lahad pa rin niya.

WORKING WITH BOYET. Sa interview namin kay Cristopher de Leon ay puring-puri ng multi-awarded actor ang mga artistang kagaya ni Jericho Rosales at Piolo Pascual.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mahirap kasi ang competition ngayon, mahirap din ang nag-aagawan sa role kaya dapat lang you have to give your best.

"Hindi katulad kasi dati na kokonti lang sila," sabi ni Piolo.

"Kaya ngayon, pag nabigyan ka ng project, dapat lang give mo na ang best mo, na parang ito na ang last mo.

"Iba na kasi na talaga ang labanan ngayon. Pero si Tito Boyet, inspirasyon ko siya.

"I grew up watching his movies at naka-eksena ko rin naman siya...

"Kaya it’s a blessing for me na makasama ko ang kagaya niya na hanggang ngayon, he’s still there at the top," aniya.

Ano naman ang masasabi ni Piolo sa statement ni Boyet de Leon na hanggang ngayon daw ay kabado pa rin daw ito sa tuwing makaka-eksena si Piolo.

"Naku hindi naman," dagling banggit agad ni Piolo.

"Ako pa rin ang kinakabahan tuwing ka eksena ko siya.

"Kasi bukod dun sa challenge na ka-eksena ko siya sa isang drama, e, isang Cristopher de Leon ’yan na nakakatakot talagang ka-eksena sa drama."

EVERY SOAP IS A MILESTONE. Ano ang kaibahan ng Dahil sa Pag-ibig sa mga teleseryeng nagawa na niya?

"Well, every teleserye na ginagawa ko, e, binibigyan ko lahat ng importansiya, yun.

"Hindi naman pare-pareho ang mga soap na ginagawa dito. Sa akin, iba-iba ang nakukuha kong kunsepto, kaya, nag-eenjoy ako. Every soap for me is a milestone.

"And every project for me is a dream project," seryosong banggit niya.

Aminado si Piolo na nagagandahan daw siya sa role ni Jericho sa teleseryeng ito. Kaya nga raw nakapagbiro siya na sana ay palit na lang sila ng role ni Jericho.

"Echo’s role here is very challenging. Kaya sabi ko nga, ang ganda paglaruan.

"Kasi ang role ko bilang pari, iyak ka na lang, mabait ka lang di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero siyempre, natuwa naman ako sa creative team dahil ginawa nilang maganda ang character ko.

"Kumbaga, hindi rin naman siya typical na seminarista na nakaupo lang. Kaya nagustuhan ko na rin naman siya.

"Pero yung role ni Echo... I find it really very nice. Hindi naman sa di ko gusto ang role ko; I love my role," ang paglilinaw ni Piolo.

Inamin ng aktor na isa raw sa mga ambisyon niya dati ay ang maging pari.

"I really wanted to be a priest. Nung nag-apply ako UST, sabi ko pag hindi ako pumasa, seminary ako. E, pumasa ako.

"I had only two choices then, UST or seminaryo."

FAITH, HOPE & LOVE FOR PIOLO. Ano naman ang pag-ibig para kay Piolo?

"Well, ang pag-ibig ang siyang bumubuhay sa isang tao.

"Kung wala kang pagmamahal even as an actor, hindi ka makaka-deliver.

"Kung wala kang pagmamahal hindi ka makakapili ng mga bagay-bagay sa mundo.

"Love is kailangan natin, there is faith, there is hope and there is love na siyang pinaka-importante sa lahat," pagtatapos ni Piolo Pascual.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN