Arci Muñoz defers plan to join Binibining Pilipinas, says she’s busy with TV projects

Kamag-anak ni Arci Muñoz ang mga Duavit ng GMA-7. Bakit hindi siya nabigyan ng bonggang project nuong nasa Kapuso network siya?

"E, ako kasi ayokong mag-depend sa kanila e, di ba? Gusto ko kung kikilos ako or may maaabot man akong kung ano, dahil sa akin," she says.


Ipinagtataka ni Arci Muñoz ang palaging napapabalitang pagsali niya sa Binibining Pilipinas. Kasama ba talaga sa plano niya ang sumali sa mga beauty pageants?

"Hindi ko pa alam, hindi ko pa alam.

"Oo nga e, pati nga ako nagugulat sa mga ganung balita.

"Hindi, hindi pa talaga kasi ngayon, meron akong Felina, ang daming pumapasok sa akin na projects, nanghihinayang naman ako na ma-miss din yun, di ba?

"May kontrata ako sa TV5, at responsibilidad ko na gampanan yung mga roles na bibigay nila sa akin at lahat ng mga projects na ibibigay nila sa akin, so iyon, hindi na muna siguro ngayon.

"Pero siyempre ako, gusto ko talaga din yun. Pero hindi na muna siguro ngayon," pahayag ni Arci.

Ano ang pumipigil sa kanya? Sa tingin ba niya ay hindi pa siya ready? Or nate-threaten siya sa mga naririnig niyang mga pangalan ng mga female stars na nagbabalak ding sumali?

"Hindi naman. Never pumasok sa isip ko yun kasi siyempre kaya nga ako sasali kasi makikipag-compete ako kasi it’s a competition, di ba?

"Pero iyon lang talaga yung nagho-hold back sa akin e, yung Felina, trabaho, di ba?

"And siyempre bago ko gawin ang mga desisyon ko kinokunsulta ko muna yung mga taong malapit sa akin na alam kong mas nakakaalam kung anong tama, like my mom, my dad and my sister and also Tita Annabelle my manager, and si boss Vic [del Rosario of Viva Entertainment].

"And sabi nila Boss Vic huwag muna, kasi sayang, lalo na ngayon na hina-handle na ako ni boss Vic."

NOT AFFECTED BY ANNABELLE’S CASES. Kapag may mga awayan o eskandalong kinasasangkutan ang manager niya, naaapektuhan ba si Arci?

"Ako personally, hindi ako naaapektuhan pero siyempre bilang manager namin si Tita Annabelle dahil halos everyday siya nasa court nababawasan yung time niya for us, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dun yung naaapektuhan na side, trabaho pero sa personal siyempre hindi kami makikialam, problema nila yun, e."

Ang reaksyon ni Arci sa mga issues tulad ng pinapa-attend diumano sila sa mga parties. Hindi siya apektado?

"No! Hindi naman siguro, kasi nasa tao yun, e.

"How you handle yourself, how you carry yourself, papaano ipiprisinta yung sarili mo sa harap ng mga tao. So hindi naman naging problema sa akin iyon.

"Si Tita Annabelle naman, hindi naman... di ba, hindi ako naniniwala sa term na ganun, yung term na ginagamit nila kay Tita, na bugaw. Walang ganun."

Si Leandro Muñoz ang partner ni Arci sa Felina ng TV5, kasama si Ahron Villena.

Hindi raw siya tinry na ligawan ni Leandro or ni Ahron...

"Ako? Hindi, noh! Parang kapatid ko lang yang mga yan.

"Si Leandro, magka-apelyido pa kami. Si Ahron makulit, para kaming magkakapatid kasi one of the boys ako e, so pag nasa set kami sobrang kulit lang namin, as in laugh trip, tawa kami nang tawa.

"Si Li [Leandro] may ibang love interest yan, di ba?"

Very open naman sina Leandro at Iwa Moto sa kanilang espesyal na relasyon.

LOVELIFE. Si Arci raw ay loveless.

"Nakikipag-date ako, pero hindi showbiz."

Hindi raw totoong nanligaw sa kanya si Willie Revillame.

"Hindi noh, hindi yan totoo! Hindi yan totoo, hindi siya nanligaw sa akin. Hindi po."

Pero inamin ni Arci na gusto niyang maging host ng Wil Time Big Time.

"Sana naman tanggapin niya ako, gusto ko nga, e. Ako siyempre kung ibibigay sa akin di ba, sana naman tanggapin ako.

"Kung sakali lang, gusto ko lang i-try maging host."

Napapanood every day mula Lunes hanggang Biyernes, 3 p.m. ang Felina.

CATWOMAN. Kung magiging taong pusa si Arci sa tunay na buhay, sinong artista ang gusto niyang maging daga?

"Daga talaga? Kakainin ko? Wala," at tumawa si Arci.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

First lead role ni Arci ang Felina.

"Siyempre nagpapasalamat ako sa TV5, di ba? Napakalaking oportunidad ang ibinigay nila sa akin, napakalaking responsibilidad dahil ako yung unang afternoon teleserye nila."

So siya ang afternoon princess ng Kapatid network...

"Wow!"

DUAVIT CONNECTION. So tinataasan na ba niya ng kilay ngayon ang GMA-7 na pinanggalingan niyang TV station dahil bida na siya sa Singko?

"Hoy hindi naman, hindi naman!

"Walang ganun. Uncle ko si [Gilberto] Duavit e, so walang ganun."

Kamag-anak pala niya ang mga Duavit ng GMA; bakit hindi siya nabigyan ng bonggang project sa Kapuso network?

"E, ako kasi ayokong mag-depend sa kanila e, di ba? Gusto ko kung kikilos ako or may maaabot man akong kung ano, dahil sa akin."

Kamag-anak niya ang mga Duavit dahil...

"First cousin siya ni Papa, yung daddy ni Jimmy, si Gilberto.

"So walang ganun, kasi nga di ba nung nag-StarStruck ako, ayaw talaga akong mag-artista ng parents ko so tumakas lang ako para mag-StarStruck.

"Ayaw nila akong mag-artista."

Kaibigan pa rin niya ang mga kapwa niya StarStruck alumni...

"Si Iwa, si Chuck [Allie], ka-batch ko yang lahat."

Parehong nasa TV5 na sina Iwa at Chuck, si Iwa bilang artista at si Chuck bilang isa sa mga PR heads ng Kapatid network.

Kahit raw yung mga nasa GMA pa rin ay kaibigan pa rin ni Arci.

"Si Vaness del Moral. Si Jackie [Rice], yung mga StarStruck na batchmates ko.

"Sila Gian [Carlo], si Janna [Roxas], although meron na silang kanya-kanyang mga pamilya di ba and I’m really happy for them kung yun ang pinili nilang path."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN