Enzo Pineda willing to play a gay character: "Kung maganda yung movie and mapapakita namin yung lalim ng pag-arte."

Enzo Pineda told rumored gilfriend Louise delos Reyes about his one-minute butt exposure scene in the movie, My Kontrabida Girl. Her reaction?

"Excited siyang makita," says Enzo with a laugh.


Hindi raw nahirapan si Enzo Pineda na gawin ang butt exposure niya sa isang eksena sa pelikulang My Kontrabida Girl ng GMA Films.

"Siguro for me naging mas magaan sa akin na gawin yung eksena dahil magkakasama kami nina Sef [Cadayona], Kevin [Santos], at Ken [Chan], apat kami," umpisang pahayag ni Enzo sa recent interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Paano siya nakumbinsi?

"Siguro dahil para sa akin depende naman sa role, sa character and for this movie, it’s for the love of the movie.

"Hindi kasi siya malaswa or pangit tingnan, more on pang-comedy talaga, nakakatawa."

Ikinuwento ni Enzo ang naturang eksena...

"Parang si Rhian [Ramos], lolokohin kami na ’Uy punta tayo sa batis, mag-photo shoot tayo!’

"Siyempre pose-pose kami sa batis, tapos sasabihin ni Rhian, ’O topless naman’, so topless kami, tapos... ako kasi yung maloko sa grupo, ako yung magko-convince sa grupo na magtanggal ng briefs so kaya nagkaroon kami ng butt exposure."

Sa simula raw ng eksena ay kumpleto ang suot nila na T-shirt, pants at underwear.

"Tapos isa-isa naming tinatanggal."

Ilang minuto ipinakita ang puwet nila?

"Siguro mga one minute po."

May preparation ba siyang ginawa para sa big screen debut ng puwet niya?

"Siguro iningatan ko lang na mabuti, iningatan ko, I made sure na wholesome yung puwet ko," tumatawang sinabi ni Enzo.

Iningatan rin niya na walang ibang private part na makikita sa kanya.

Sa direksyon ni Jade Castro, showing ngayong March 14 sa mga sinehan ang My Kontrabida Girl na pinagbibidahan nina Rhian Ramos at Aljur Abrenica.

At bukod kina Sef Cadayona, Kevin Santos, Ken Chan at Enzo ay kasama rin sa cast sina Bea Binene, Jhake Vargas, Chariz Solomon, Moymoy Palaboy, Bela Padilla, Gwen Zamora, Sabina Santiago, at ang mga kontrabidang sina Gladys Reyes, Maritoni Fernandez, Bella Flores, Odette Khan, at si Miss Cherie Gil.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpaalam ba si Enzo sa rumored girlfriend niyang si Louise delos Reyes na may butt exposure siya sa My Kontrabida Girl?

"Hindi naman siguro kailangang magpaalam, pero sinabi ko lang sa kanya.

"Kasi alam naman niya na nasa tamang edad na ako and I know what I’m doing and basta hindi makaka-pull down sa career ko."

At ang reaksyon ni Louise...

"Excited siyang makita," at tumawang muli si Enzo.

MIND THE GAP. Speaking of Louise, recently ay may kumalat na balitang may gap si Louise at ang ina ng young actress.

"Aware po ako dun pero for me, yung kung anuman yung misunderstanding nila, maayos na yun.

"Kasi normal naman talaga nagkakaroon ka ng misunderstanding with your family, with your friends, so I’m just happy na maayos na lahat yun ngayon and ako naman nandito lagi ako para kay Louise and also sa family niya para tulungan din sila.

"Pero right now, since everything is going great, mas focused kami ngayon sa trabaho. Kasi sayang e, eto na, ang daming trabaho na dumadating."

Tumulong ba siya para maayos ang anumang gusot sa pagitan ng mag-ina?

"Lagi naman po akong tumutulong so hindi naman nawawala yung pagke-care ko sa kanya."

THE COMPETITION. Matatanggap ba ni Enzo ang obserbasyon ng iba na tila nalampasan na siya ni Rocco Nacino in terms of popularity at sa dami ng mga proyekto?

"For me, I don’t compare myself with other people especially with my co-StarStruck finalists and also mga batchmates namin, kasi kaming lahat, meron naman kaming sariling path na tini-take.

"Si Rocco I’m happy for him, he’s doing great, napapanood ko siya and magaling siyang umarte.

"Ako naman simula pa lang ng career ko, yung maturity sa career ko.

"Kasi dati, medyo pambagets pa ako, ngayon medyo sa mature roles na ako, more on heavy drama na yung kukunin ko ngayon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Handa na rin ba siya if ever may project na ire-require siya na magkaroon ng frontal nudity?

"Siguro hindi. Siguro hanggang doon lang yung limitations ko."

Paano kung gay role?

"For me, gay role okay naman siya basta kailangan i-review muna yung script and yung story.

"Kung maganda yung script and story tapos mapapansin talaga ako sa movie and mapapakita ko yung lalim ko, yung lalim ng pag-arte ko, definitely game ako dun."

Kahit may kissing scene sa kapwa niya artistang lalaki?

"Siguro kailangan ko muna pag-usapan with GMA."

Halimbawang payag naman ang GMA Artist Center, na siyang namamahala ng career niya?

"Kung papayag sila, siguro let’s see. Tingnan natin, tingnan natin.

"Basta iyon nga, dapat makita ko muna yung script and kung maganda yung movie and mapapakita namin yung lalim ng pag-arte."

Aware si Enzo sa gender issues tungkol sa kanya; ano ang nagiging reaksyon niya kapag natsitsismis siyang bading?

"Para sa akin kasi I’ve been in the business for two years na so medyo marami na rin akong natutunan, and yung mga tsismis na ganyan, yung regarding my gender.

"So for me comfortable ako sa gender ko and kilala ko yung sarili ko so...

"Common naman yun sa artistang lalaki na mapapagtsismisan na iba yung gender, so nasa tao yun, e.

"Basta ako, for me ang importante, I know myself, I’m comfortable with my gender and happy ako sa trabaho ko and everything," pagtatapos pang sinabi ni Enzo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN