Edu Manzano hosts noontime game show on TV5, hopes to tap into new audience

Edu Manzano on Game ’N’ Go: "Nakita ko talaga yung commitment ng Channel 5 na magbigay ng sabihin nating ’top of the line entertainment’ sa lahat ng kanilang manunood."


Malapit na ngang mabago ang noontime habit ng mga Pinoy sa pagpasok sa early lunchtime slot ng Game ’N’ Go ng TV5 simula ngayong Sabado, March 17, 2012.

Ito ay isang game show at hindi variety show na maghahatid ng iba’t-ibang klaseng palaro sa tanghali.

Kahapon, sa Paparazzi Showbiz Exposed, nagbigay ng patikim sa mga manunood ang pinaka-main host ng show na si Edu Manzano. In-explain niya kung ano ba talaga ang maasahan ng mga Pilipino sa naturang game show.

Bungad ng pinakabagong Kapatid star na si Edu, "Puwede mong sabihin na binago yung konsepto ng game show, kasi ito pang-primetime.

"This is the first time na kinuha ang ilang game shows, pinagdikit-dikit at ipapalabas ng tanghali na hindi pa nagagawa before."

May kanya-kanyang game segments sina Edu at mga co-hosts niya na sina Gelli de Belen, Arnell Ignacio, Tuesday Vargas, Pretty Trizsa, at Councilor Shalani Soledad-Romulo.

Hindi na bago para kay Edu ang noontime show hosting. Nag-take over siya noon sa Game Ka Na Ba? ni Kris Aquino sa ABS-CBN at napanatili niya ang mataas na ratings nito.

Matapos nito, nagbalik Kapuso naman si Edu sa pamamagitan ng early noontime game show, Asar Talo Lahat Panalo.

Ngayon, natsa-challenge daw si Edu kasi panibagong hamon sa kanyang karera ang ipinagkatiwala sa kanya ng Kapatid Network. More than the challenge, excited si Edu sa pagsisimula ng Game ’N’ Go.

Dagdag pa niyang kuwento sa Paparazzi, "Puwede mong sabihin na exciting dahil nacha-challenge ka ulit pero at the same time nandoon, mataas yung expectations mo sa sarili mo.

"Nandoon yung expectations mo sa programa, dahil gusto mo talagang pumalo sa audience."

"And we’re hoping na sa pamamagitan ng paglabas ng primetime game shows sa lunchtime ay makapag-draw-out din tayo ng panibagong audience.

"So yun ang maganda, yung mayroon kang nakukuhang ibang audience na dati rati ay hindi talaga nagbubukas ng telebisyon pag tanghali."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malaki din ang pasasalamat ni Edu sa sobrang suporta ng TV5 management sa kanya at sa kanyang mga kasamahan.

Saad niya, "Nakita ko talaga yung commitment ng Channel 5 na magbigay ng sabihin nating ’top of the line entertainment’ sa lahat ng kanilang manunood."

Sa ngayon, halos pulidong pulido na ang pagka-renovate ng Delta Theater sa Quezon City kung saan ito ang magsisilbing tahanan ng show simula March 17.

Looking forward naman si Edu na lalo pang tumibay ang samahan nila ng kanyang mga co-hosts dahil ang ilan sa kanila ay nakasama na rin niya dati.

Aniya, "Minsan kahit kumuha ka ng dalawang magaling na artista pag pinagsama mo, hindi ganoon kaganda yung kanilang relationship.

"But in this case, kilala ko yung mga makakatrabaho ko, with the exception of Mrs. Shalani Soledad-Romulo.

"I look forward to working with Shalani Romulo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN