Cristalle Henares on Hayden Kho Jr: "I appreciate what he has done to make [my mom, Vicki Belo] happy but...he didn’t have to put her through this."

Cristalle Henares says she tries to be there for her mom, Dra. Vicki Belo, after the cosmetic surgeon’s very public breakup with Hayden Kho Jr.:

"You know it’s not easy to break up with someone you’ve been with for five years. And in fairness to the guy, napasaya niya talaga si Mommy. All I can do is to be there for her. I give her love, I hug her, gumagawa kami ng mga activities, magta-travel kami—that’s my way of bei



Inasahan ng media na sa launching ni Vice Ganda bilang Belo endorser nuong Miyerkules, March 7, sa Annabel’s ay haharap at makaka-usap nila si Dra. Vicki Belo.

Gusto sana nila ma-interview at mahingan ng pahayag ang cosmetic surgeon to the stars pagkatapos ng kontrobersyal na breakup nila ni Hayden Kho.

Nabigo ang lahat dahil ang anak nitong si Cristalle Henares ang humarap sa press at pormal na nagpakilala kay Vice bilang bagong kapamilya ng Belo.

"My mom is currently in Germany. Meron siyang kasama sa Germany for stem cell research and yung VIP na kasama niya is only available at this stage.

"E, noon pa dapat may presscon si Vice pero minove naman; ayaw namin na i-move uli so sabi niya, ’Cristalle kaya mo na ’yan.’"

Kinumusta namin kay Cristalle ang ina at ang suporta na binibigay niya dito ngayong mabigat ang pinagdaraanan nito after her breakup with Hayden Kho Jr.

"Bilang anak I’m just here for her. Siyempre lahat ng tao tinatanong sa akin, maligaya ka na ba [na hiwalay na si Hayden at Dra. Vicki]?

"Siyempre hindi naman ako maligaya na nakikita ko yung Mommy ko umiiyak.

"Siyempre nasasaktan siya, miss pa rin niya and I can understand that.

"You know it’s not easy to break up with someone you’ve been with for five years.

"And in fairness to the guy, napasaya niya talaga si Mommy. All I can do is to be there for her.

"I give her love, I hug her, gumagawa kami ng mga activities, magta-travel kami—that’s my way of being there for her."

Deretsahang tinanong namin si Cristalle kung wala ba siyang sama ng loob kay Hayden. Sobra daw nitong nasaktan ang ina na hanggang ngayon ay iniinda pa rin nito.

"Ako, I just want my Mom to be respected.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Of course, I appreciate what he has done to make her happy but at the same time, I really feel that he didn’t have to put her through this.

"Pero natutuwa ako na nakikita ko yung strength ni Mommy and I think talagang pinaninindigan na niya and I think nagmo-move on na sila with their own lives."

Paano raw kaya kung sa huli ay magkabalikan ang dalawa?

"Okay na yun, ang dami ko nang nasagot," iwas na pahayag sa amin ni Cristalle.

BOYFRIENDS-IN-WAITING? Pinabigyang linaw din namin kay Cristalle ang pagkaka-link ng ina sa yoga instructor na si Al Galang at sa model-actor na si Edward Mendez.

"Si Al nakakatawa kasi kabarkada namin si Al; he’s a yoga teacher.

"Si Edward naman, he works for us sa Fitness Solution; he’s our fitness consultant.

"Nagsasaluhan kami, ’O ikaw naman, you take Mommy to the movie. Tara dinner tayong lahat.’

"So napagkamalan lang ng tao na may nangyayari between them."

Sa interview ni Al Galang sa iba’t-ibang shows ay nabanggit nito na attracted siya kay Dra. Vicki at bukas siya sa posibilidad na ligawan ito.

Tututol din kaya si Cristalle kung saka-sakaling si Al ang susunod na boyfriend ng ina?

"Before, talagang nakikialam ako sa mga relationships niya, I’m very protective [of my Mom].

"Now nakikita ko na her love for someone else doesn’t affect her love for me. I’m able to separate it.

"Noon kasi medyo jealous ako na she spends more time with that someone.

"Pero kasi hindi naman [kumukonti] yung pagmamahal niya sa akin kung nagmamahal siya ng iba.

"So whoever respects her and makes her happy, yun na yung bottomline."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN