Jennylyn Mercado clarifies electrocution incident in Abra hotel

"Hindi ko naman alam na lalabas ng ganito at lalaki siya ng ganito kalaki. Na dahil lang dun sa napakaliit na bagay na yun. Well, siyempre, dapat siguro ang kasiguraduhan, di ba, kung mag-iimbita ng artista, siyempre dapat, kumbaga, comfortable ang place, maayos naman, at hindi ka madidisgrasya," says Jennylyn Mercado about her electrocution in a hotel in Abra.


Noong Martes, March 6, ay kumalat ang balitang nakuryente diumano si Jennylyn Mercado habang naka-check in sa isang hotel sa Bangued, Abra.

Umakyat sa Abra ang Kapuso star para sa isang show noong March 5.

Naganap daw ang aksidente kinabukasan ng umaga nang maligo si Jennylyn at gumamit ng portable water heater sa nasabing hotel.

Ayon sa mga naunang reports, na kumalat sa tabloids, nang maganap raw ang insidente ay "nangamoy sunog daw si Jennylyn, nahilo, at nagsuka!"

Agad naman itong pinabulaanan ng president and chief operating officer ng Oval Era Hotel na si Mr. Oscar Bingboy Valera.

"Allow me to apologize in behalf of Oval Era Hotel, for Jennylyn Mercado had this unfortunate incident na na-ground.

"Hindi naman siya nakuryente. Kung sana nakuryente siya, we would have gladly brought her to the hospital.

"She was even jolly when she left the hotel.

"Yung tubig, nabasa na siya and then parang hinawakan yung tubig, siyempre may kuryente yung tubig," sabi ni Valera sa taped interview sa kanya ng Showbiz Central.

Nagpasalamat din ito sa naturang showbiz talk show sa pagkuha ng kanyang panig tungkol sa naganap.

Agad ding humingi ng dispensa ang alkalde ng Bangued, Abra na si Mayor Ryan Luna dahil sa insidenteng ito.

JENNYLYN SPEAKS UP. Nakapagsalita na ang kabilang panig, kaya naman si Jennylyn mismo ang naglahad ng kanyang naranasan sa hotel sa live interview sa kanya ng mga co-host niya sa Showbiz Central kahapon, March 11.

Ayon sa actress/singer/host, "Gusto ko lang linawin, kasi ako naman, pagkalabas ko ng hotel at pagkauwi ko, wala akong sinabi na kahit ano, wala akong in-inform sa Twitter, wala sa Facebook, wala kahit saan, hindi ako nagsalita. Tahimik lang ako.

"Sinabi ko lang, of course, kailangan malaman ng manager ko [Becky Aguila], at ng mga magulang ko. Iyon lang ang importante sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko naman alam na lalabas ng ganito at lalaki siya ng ganito kalaki. Na dahil lang dun sa napakaliit na bagay na yun.

"Well, siyempre, dapat siguro ang kasiguraduhan, di ba, kung mag-iimbita ng artista, siyempre dapat, kumbaga, comfortable ang place, maayos naman, at hindi ka madidisgrasya."

Ano naman ang naging reaksiyon ng kanyang special someone na si Luis Manzano sa nangyari?

Kuwento ni Jennylyn, "Sinabi ko agad sa kanya, actually siya yung unang-una kong sinabihan.

"Nag-alala siyempre dahil may mga naramdaman din ako pagkatapos.

"Sumuka ako ’tapos ginising ako ng madaling-araw nang nag-palpitate ako, ganyan.

"So, tinawagan ko agad yung cardiologist ko. Sabi ko, ’Doc, normal ba ito?’

"Sabi niya, ’Hindi, within 24 hours kung nararamdaman mo ’yan na tuluy-tuloy puwede kang... possible na ma-cardiac arrest ka,’ ganyan.

"So siyempre, nag-worry din ako at ang pamilya ko, di ba, baka mamaya bigla na lang akong mawala."

Tinest daw ni Jennylyn ang water heater sa hotel kung saan siya tumuloy.

Aniya, "Puwede talagang i-test yun, siguro nagkaroon lang ng problema sa wiring."

Baka may open wire lang?

"Oo, so ganun talaga, nangyayari talaga yung mga ganung bagay.

"So, para sa akin... hindi ko na nga... hindi na nga ako nag-inform ng kahit sino.

"Basta ang in-inform ko lang ang manager ko, si Luis, at ang mga magulang ko. Iyon lang.

"Hindi ko naman ine-expect na lalabas ng ganito at lalaki ng ganito.

"So, nakakahiya din naman sa mga taong naabala."

At ang pasasalamat ni Jennylyn...

"Thank you God for saving me. At hindi ko pa talaga oras, dahil maliit pa si Jazz, nakupo, ayokong isipin!" sabi ng single mom.

Nagpasalamat din si Jennylyn sa mga fans niya na nag-alala nang husto sa nangyari sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN