Aljur Abrenica’s family stopped him from doing butt exposure on My Kontrabida Girl

Aljur Abrenica on his supposed butt exposure on My Kontrabida Girl: "Nag-alangan ako, pero pumapayag na ako, pumayag na ako nun. Pero hindi ko pa rin binalewala yung family ko. Tinanong ko yung dad ko, yung mom ko, yung mga kapatid ko, kung is it time? Tama lang ba o okay lang ba na ipakita dito [sa movie] yung behind ko? E, sila yung tumanggi, sila yung nagsabi na huwag na muna. So, siyempre, parents yun and minsan kailangan na... minsan


Ang Kapuso hunk na si Aljur Abrenica ang sumalang sa "Don’t Lie To Me" segment ng Showbiz Central kahapon, March 11.

Ang unang tanong kay Aljur ng host ng naturang segment na si John "Sweet" Lapus ay kung posible bang magkagusto siya sa isang babaeng mas matanda sa kanya?

"Yes" ang sagot ni Aljur at "Truth" ang naging resulta nito sa truth-verifier machine.

Sabi ni Aljur, "Ang age naman, numbers lang ’yan, e.

"’Pag ang feelings mo ayan na, wala ka nang magagawa kahit mas bata pa ’yan o mas matanda.

"And yung past relationship ko is may mas matanda sa akin."

BUTT EXPOSURE. Isa sa inaabangang eksena sa pelikulang My Kontrabida Girl—na pinagbibidahan nina Aljur at Rhian Ramos—ay ang butt exposure nina Enzo Pineda, Kevin Santos, Ken Chan, at Sef Cadayona.

Totoo bang dapat ay kasama siya sa eksenang iyon at magpapakita rin ng puwet pero tumanggi siya?

"Yes" ang sagot ni Aljur at "Truth" muli ang naging resulta ng kanyang sagot.

Paliwanag ni Aljur tungkol dito, "Actually, sa totoo lang... sa una, nahiya ako kasi nung sinabi sa akin yun, na magkakaroon ng butt exposure, nag-alangan ako.

"Kumbaga, yung instinct ko, pinakiramdaman ko.

"Nag-alangan ako, pero pumapayag na ako, pumayag na ako nun.

"Pero hindi ko pa rin binalewala yung family ko. Tinanong ko yung dad ko, yung mom ko, yung mga kapatid ko, kung is it time?

"Tama lang ba o okay lang ba na ipakita dito [sa movie] yung behind ko?

"E, sila yung tumanggi, sila yung nagsabi na huwag na muna.

"So, siyempre, parents yun and minsan kailangan na... minsan tama talaga sila."

ALJUR’S LOVELIFE, Ang pangatlong tanong kay Aljur ay kung may lovelife ba siya ngayon.

"No" ang sagot ni Aljur. Pero sa pagkakataong ito ay "Lie" na ang naging resulta ng kanyang sagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi ni Sweet na baka naman may crushes lang o inspirasyon si Aljur ngayon.

Ayon kay Aljur, "Siyempre hindi naman mawawala yung may mga crush din ako ’tsaka may inspirasyon ngayon.

"Siyempre hindi po mawawala ’yon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN