Joy Viado confirms MNL 143 will continue despite disqualification from Cinemalaya

Joy Viado relates her beginnings as an actress: "In 1993, the whole year, nag-theater ako... Teatro. Para ma-fulfill ko lang yung dreams ko sa sarili ko.’Tapos nun, 1994, sabi ko, ’Kaya ko na ’to. Gusto ko nang umarte sa pelikula, sa telebisyon. After that, nagti-theater pa rin ako, naisisingit ko ba..."


Kung pagbabasehan ang mga naka-post sa Facebook account ni Joy Viado, tungkol sa estado ng pelikulang MNL 143, na nauna nang ma-disqualify sa 8th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival and Competition, kumpirmadong matutuloy ang pagsasapelikula ng indie film na ito ni Emerson Reyes.

Sa Facebook account ni Joy ay naka-post ang isang larawan ng mukha ng dalawang bida ng kontrobersiyal na indie film na sina Alan Paule at Joy Viado na animong nag-uusap.

Nai- share ito ng producer ng MNL 143 na si Nestor Abrogena:

Alan: Hindi raw tayo bagay, Joy... walang kalayaan ang CINEMALAYA, Joy, wala!

Joy: CINEMALAYA? Di ba, PESTEbal ’yon? Ahahahaha... Ahahaha!

Sa isa pang bahagi ng FB account ni Joy ay mababasa ang greeting ni Alan: "Joy Viado. I love you... - tito Alan"

Na-post naman ito ni Emerson, na may ng maikling video clip, na nagsasaad ng: "Hi. Tuloy ang biyahe. 143."

Ang kumpirmasyong ito ay nakarating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang mag-text mismo si Joy noong Huwebes, March 8.

"Matutuloy na po!" maikling mensahe ng aktres.

Maliban dito, the actress-comedienne kept mum on certain issues na sangkot ang kanyang pangalan.

Sa huling pakikipag-usap ng PEP kay Joy, isang linggo bago pumutok ang ulat-kontrobersiya, wari’y "palaban" din siya kapag nahaharap naman sa mga maiinit na sitwasyon ng kanyang career.

"Ako pa?! Ayoko ng tsina-challenge ako!" sabi ni Joy hinggil sa ugali niyang palaban, game, at go-getter.

THE REAL JOY. Sa isang "getting-to-know" session with the real Joy Viado, naging madetalye ang paglalahad ng actress-comedienne hinggil sa pagsisimula at pagpapatuloy ng kanyang career—bilang isang singer at character actress and comedienne.

That was one cool evening sa Music Box along Timog Ave., Quezon City.

Sa pagkakaalam ng PEP, noong 2000, mayroon nang regular stint si Joy sa television bilang mainstay ng weekly horror series ng ABS-CBN, ang original series Oka Tokat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo naman. Kami ang original nun.Ako ang tiyahin.

"Kami nina Agot [Isidro], Ricky Davao, sina Giselle Sanchez, Carmina [Villarroel] ang magkakasama.

"Sa mga bagets, sina Rica [Peralejo], Bojo [Molina], si Echo [Jericho Rosales], nandun din.

"Si Michael de Mesa pa ang nagdidirek noon.

"Suplada ba ako noon? Supladang tiyahin lang ako! Tienes-tienes lang yun!" natatawang sabi ni Joy.

Sa Music Box ay madalas siyang nakiki-jamming sa mga mahuhusay na gay performers.

"Akala nga nila, bakla na din ako!" natawa si Joy.

"Singer muna ako bago ako nag-artista.

"Dito, sa mga bars, mga lounges, dito sa Quezon City at kung saan-saan."

Paano nagsimula sa showbiz si Joy?

"Nanalo muna ako sa [pa-contest ng] OPM nung 1992.

"Meron silang ginawang contest para sa mga members nila. Ako yung ika-5th na nanalo.

"Sa Music Hall pa yun... yung kay Wyngard Tracy [yumaong talent manager]. Ang dami-dami nilang judges.

"So, in 1992, nanalo ako dun.

"Greatest achievement ko yun—as a singer!"

THEATER STINTS. Patuloy niya, "’Tapos, after that, in 1993, the whole year, nag-theater ako... teatro.

"Para ma-fulfill ko lang yung dreams ko sa sarili ko.

"’Tapos nun, 1994, sabi ko, ’Kaya ko na ’to. Gusto ko nang umarte sa pelikula, sa telebisyon.

"After that, nagti-theater pa rin ako... naisisingit ko ba."

Between ’93 and ’94, Joy was a regular in theater, appearing in major stage plays.

"Ang unang-una kong ginawa, Once On This Island ni Bernardo Bernardo, sa Maynila [lounge] ng Manila Hotel.

"Ginawa ko rin yung Magsimula Ka, Larawan [Nick Joaquin’s A Portrait of the Artist As Filipino].

"Pero straight play yung Larawan with Gina Alajar and Malu de Guzman, sa UP [Dulaang UP].

"Ako dun si Susan... yung kasama ni Violet—sina Susan at Violet, yung mga pokpok!" natatawang pagbabalik-tanaw pa ni Joy.

"Alam mo, yung original pala no’n na Larawan, na si Lino Brocka ang nagdirek [para sa PETA in 1978]. Ang gumanap pala na Susan was Mitch Valdez! Yun yung Lino Brocka [version].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ito naman, ang gumawa naman ng aming play, si Anton Juan," paglilinaw ni Joy.

MAINSTREAM MOVIES. By 1994, sumabak na si Joy sa mga pelikulang mainstream.

"Oo, ako ang gumanap na Lolit Solis [character] dun sa Alfredo Lim Story!" natatawang pagbabalik-tanaw uli ng masayahing komedyana.

Eddie Garcia-starrer ang isa sa mga unang pelikulang tinampukan ni Joy.

"Pinasadsad ko talaga ang buhok ko para maging Lolit Solis ako! At alam ni Lolit ’yon!"

Ano ang unang pelikulang ginawa ni Joy?

"Ang TV (The Movie)," aniya.

"’Tapos, gumawa pa ako ng pelikula sa M-Zet, yung Isang Kahig, Tatlong Tuka. Si Bossing [Vic Sotto] ang bida!

SINGLE PARENT. This year, Joy is celebrating her 20th Anniversary in show business, mula nang manalo siya sa OPM singing contest, kaya masayang-masaya siya sa paggunitang ito.

Happy ba si Joy Viado sa nakaraang dalawang dekada ng pagiging singer-actress-comedienne?

"Always happy!" tugon niya.

"Ang mga anak ko... happy ako sa mga anak ko! Dalawa. Babae’t lalake."

Ang kanyang panganay, si Marie Joy, ay 30 years old. Ang bunso, si Joseph Christopher, ay 26 years old.

"Yeah, they’re both professionals," pagmamalaki rin ni Mommy Joy, na bilang single parent ay napagtapos ng pag-aaral ang dalawang anak.

Hinggil sa estado ng kanyang mga anak ay nag-share din si Joy ng impormasyon sa PEP.

"Wala pa silang... [legal spouses], may anak lang... may apo na ako kay Marie Joy.

"’Tapos, kay Joseph, magkakaroon na rin ako ng apo. Six months on the way na yung girlfriend.

"Wala pa muna daw [balak magpakasal]. Okay lang, kasi may mga plano."

LOVELIFE. Masaya rin ba ang "lovelife" ni Joy, kung mayroon man?

"Hindi naman kailangang magkaroon ng lovelife para maging masaya," sabi niya.

"Kahit walang lovelife, kung masaya ka..."

Importante raw na may magagandang memories o alaala ng past loves.

"Oo naman. At least, i-share ko sa mga tao ang memories ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Any regrets, so far?

"Wala," mabilis niyang sagot.

"Magre-regret ka ba, e, happy ka naman nung ginagawa mo yung mga ’yon?"

How about a new life partner for herself?

"Hindi na... hindi na kailangan!

"Parang sa panahon ngayon, happy ako sa mga anak ko, sa trabaho ko.

"Parang ’pag sinamahan ko pa ng ganun, baka gumulo lang ang mundo ko!" tawa niya.

Dagdag pa ni Joy, "Minsan kasi, may ganun, e.

"Minsan, masaya ang career mo, hindi naman masaya ang lovelife mo.

"Minsan, okey ang lovelife mo, magsa-suffer naman ang career mo.

"Kaya, ’eto, maganda naman ang career kaya, yeah!" napabulalas bigla siya.

"I always count my blessings and just thank the Lord for all the blessings!" aniya pa.

LUV U. Bagay ngang kasama ngayon si Joy sa bagong weekly teen-oriented series ng Kapamilya network, ang LUV U.

Punung-puno kasi ng "love" o "pagmamahal" ang isipan at damdamin niya these days.

"Yes! Lamberto Uy Villarama University. ’Yan ang ibig sabihin ng LUV U," pagtukoy ni Joy.

"Yung mga nag-graduate sa Goin’ Bulilit [ang mga artista sa LUV U]; kay Bobot Mortiz ’yan.

"Ako ang lola ng tatlong babae—si Miles, Angel, at Kiray.

"Si Lola Paula Abdul Jabbar!" natatawang pag-introduce pa ni Joy sa character niya.

"Okey naman, enjoy ako," banggit ni Joy hinggil sa pakikipagtrabaho sa mga bagong bagets stars ng ABS-CBN.

"Okey, kasi mga bata, okey katrabaho lahat ng ’yon."

MORON 5. Meanwhile, bahagi rin si Joy Viado ng cast ng bagong comedy movie, ang Moron 5 And The Crying Lady.

"Ginagawa ko sa Viva. Parang... alam mo yung mga sira-ulong mga lalake? Ito ’yun! Viva’s Moron 5. Kay Wenn Deramas [director]," dagdag ni Joy.

"Tiyahin naman ako doon ni Marvin [Agustin]."

TYPECAST IN COMEDY. After twenty years in showbiz, na-typecast na nga si Joy sa comedy roles o bilang babaeng komedyante ang pagkakakilala sa kanya ng publiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya gusto kong ma-try ang drama," asam ni Joy.

"Sabi nga, ang mga komedyante ang magagaling mag-drama.

"Kaya lang daw, hindi bagay sa mukha ko!"

Nais din ba niyang subukang maging out-and-out kontrabida?

"Puwede rin! Why not? Puwede ring i-try!"

O kaya maging other woman sa isang love triangle romance-drama?

"Ikaw na ’yan!" bulalas pa ng pagsang-ayon ni Joy.

ON WORKING WITH NORA AUNOR. Sa mini-series na pinagbidahan ni Nora Aunor last year, ang Sa Ngalan Ng Ina, marami ring magagandang memories si Joy ng naging pakikipagtrabaho niya with the Superstar.

Balitang nagkasundo sila at naging magkaibigan sa maikling panahon, kaya Ate Guy is considering Joy na makasama uli sa gagawing bagong teleserye nito sa TV5.

"Yeah.Kasi Ms. Nora Aunor and Joy Viado are so close!" birong-totoo ni Joy.

"We love each other!"

Natuwa at naging magiliw raw sa kanya ang Superstar kaya naman pinahahalagahan at tine-treasure daw ni Joy hanggang ngayon.

"’Yun nga ang ipinagpapasalamat ko... natuwa siya sa akin."

Si Nora raw ang tipong hindi niya mahihindian o lagi siyang magiging available sa anumang offer na makakasama ito.

"Superstar na siya, aayawan mo pa? Diyos ko, ako pa?

"Yung gano’ng kaliit, ang taas ng tingin ko sa kanya. Gano’n.

"Superstar na ’yan, nirerespeto ko talaga siya!"

Bago magpaalaman sa interview ay nagbiro uli si Joy: "Abangan n’yo ang concert namin ni Ate Guy!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN