Part 1. Rocco Nacino buffs up for his title role in Lam-Ang movie; finally gets a leading lady

Rocco Nacino on buffing up for his role in Lam-Ang movie: "Peg si Aljur [Abrenica]! Ang hirap ma-achieve no’ng katawan niya. Kaya kapag nakikita ko siya, sinasabi ko, kailangang makuha ko ’yong gano’n kagandang katawan!"


Overworked daw si Rocco Nacino nitong mga nakaraang araw.

Medyo hirap nga siyang magsalita dahil sa kanyang sipon nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa studio ng Party Pilipinas kahapon, March 11.

Kuwento nga niya, "Bukas [March 12], taping na ulit namin for The Good Daughter. Three times a week ako mag-taping para rito.

"’Tapos ’pag Tuesday, Thursday, and Saturday, may training naman ako ng arnis para sa Lam-Ang.

"Seven hours ang training ko kada araw, e."

Ang Lam-Ang ang Ilocano epic movie na pagbibidahan ng StarStruck V alumnus.

ISABELLE DAZA. Nabanggit ni Rocco noon na sa pagkakaalam niya ay si Isabelle Daza ang unang kinunsidera para maging leading lady niya sa Lam-Ang.

Hindi ito natuloy dahil hindi raw pumuwede ang TV host.

Pero nang matanong naman ng PEP si Isabelle noong nakaraang linggo tungkol dito, nagulat ang anak ni dating Miss Universe na si Gloria Diaz.

Wala raw siyang alam tungkol sa nasabing project. Wala rin daw anumang offer sa kanya.

(CLICK HERE to read related story.)

Ano ang masasabi ni Rocco dito?

"A, talaga? Iyon kasi ang nasabi sa akin.

"From what I know, siya po talaga, e.

"Ewan ko lang po.

"Basta iyon po ang sinabi sa akin... na siya raw po talaga.

"’Tapos, hindi nga raw po siya pumuwede," sagot ng young actor.

Dahil dito, nagkakaroon tuloy ng intriga na baka naman daw ayaw lang siyang makapareha ni Isabelle.

Pero kinontra ito agad ni Rocco.

Aniya, "Hindi naman.

"Kasi kung ayaw niya akong makasama sa trabaho, dapat ayaw niya akong kaibiganin.

"E, okey naman kami dito sa Party Pilipinas, e.

"Magkakilala naman kami. Nagkakausap kami minsan."

Sayang nga kung tutuusin dahil mukhang bagay silang maging magkapareha ni Isabelle sa Lam-Ang.

"Yeah, pero ang nakuhang ipi-pair sa akin, si Rochelle Pangilinan," pagbabalita ni Rocco.

"So, okey naman. Kahit sino namang i-pair sa akin, okey naman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento pa niya, "Dapat kasama ko nang nagti-training ng arnis si Rochelle.

"Pero hindi pa siya makapag-start kasi may conflict pa yata sa schedule niya.

"Supposed to be, March 31 na ang start ng shooting namin. Kaso na-move siya to April 20.

"Kasi hindi pa tapos ’yong construction ng set namin sa Ilocos, e."

BIG BUDGET. Mukhang malaki ang budget ng Lam-Ang kahit indie film lang ito. Magastos at hindi biro ang pagpapagawa ng sariling set ng pelikula.

"Oo nga po," nangiting pagsang-ayon ni Rocco.

So, malaki rin ba ang talent fee niya being the lead actor of this epic film?

"Secret! Hindi ko puwedeng sabihin!" natatawang sagot ng Kapuso hunk.

"Basta... compensating naman ’yong TF ko. And importante po sa akin ’yong experience at saka ’yong role, e.

"Just to bag the title role, okey na po ako, e."

Twenty days daw ang itatagal ng shooting ng Lam-Ang.

Medyo matagal din magpapabalik-balik ng biyahe si Rocco mula Manila papuntang Ilocos and vice versa.

"Sa pagkakaalam ko, magsu-shoot kami sa Vigan at sa Tagudin.

"Ang layo ng biyahe from Manila to Ilocos. Good luck!" sabay tawa muli ng batang aktor.

ROCHELLE PANGILINAN. Excited na rin si Rocco na makatrabaho si Rochelle Pangilinan bilang kanyang leading lady sa Lam-Ang.

Kampante naman daw siya na magiging maganda ang working relationship nila.

"Yeah! Kasi magkasama kami sa ’Sayaw Pilipinas,’ e," pagtukoy ni Rocco sa segment nila ni Rochelle sa Party Pilipinas.

Meron ba silang kissing scene ni Rochelle sa pelikula?

"Hindi ko pa po alam, e," sagot niya.

"Ang sinabi kasi na kailangang paghandaan talaga namin... ’yong mga fight scenes.

"At saka ’yong pagbigkas ng mga salita na kailangan may accent [ng Ilocano dialect].

"Kaya lahat-lahat ng mga linya ko, kailangan kong paghandaan."

Kapansin-pansin na tila mas gumuwapo si Rocco ngayon. Bumagay sa kanya ang pagiging bigotilyo niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gumaganda rin ang built ng kanyang katawan sa regular niyang pagdyi-gym bilang paghahanda sa role niya sa Lam-Ang.

"Peg si Aljur [Abrenica]!

"Ang hirap ma-achieve no’ng katawan niya.

"Kaya kapag nakikita ko siya, sinasabi ko, kailangang makuha ko ’yong gano’n kagandang katawan!" tawa ni Rocco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN