Part 2 Rocco Nacino gets back-to-back acting nominations from Star Awards and Golden Screen Awards for his debut film

Rocco Nacino on brewing rivalry with Alden Richards: "Rivalry never helps. Although minsan sa network, nakakatulong din ang rivalry. Siguro, I’ll just go with the flow. Pero I won’t take it too seriously."


Ang Cinemalaya entry last year na Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa ang unang pelikula ni Rocco Nacino.

Dito ay napansin kaagad ang potensiyal niya bilang isang mahusay na aktor.

Dahil sa kanyang pagganap sa naturang pelikula, nominado siya sa kategoryang New Movie Actor of the Year sa Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC) at Breakthrough Performance by An Actor sa Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society (EnPress)

"Masaya ako at thankful na na-appreciate ako ng PMPC Star Awards at ng Enpress. So hopefully... sana manalo," sabi ni Rocco sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ano ang kanyang pinaghuhugutan sa mga role na ibinibigay sa kanya?

"Do’n po pumapasok ’yong ano... workshops.

"Kung paano mo ibi-build up ’yong character mo at saka ang iyong paniniwala.

"Do’n ako nakakakuha ng techniques," sagot ni Rocco.

RIVALRY? Sa hanay ng mga nominado sa parehong kategorya at award-giving body ay sinasabing si Rocco at ang kapwa niya Kapuso star na si Alden Richards ang mahigpit na magkalaban.

Si Alden ay nominado naman sa pagganap nito sa horror-suspense movie na The Road.

May nagsasabi rin na sa hanay ng bagong Kapuso male stars ay sina Rocco at Alden ang talagang angat, dahil bukod sa guwapo na ay may ibubuga rin pagdating sa pag-arte.

Ano ang reaksiyon dito ni Rocco?

"I appreciate it siyempre," sambit niya.

"And mas excityed ako para sa aming dalawa [ni Alden].

"Kasi sa mga nominees, kaming dalawa ang taga-GMA, e.

"Uhm... I wish the best for both of us."

Hindi naman daw nararamdaman ni Rocco na may umuusbong na ngayong rivalry sa pagitan nila ni Alden. Pero paano kung magkaroon nga?

"I’ll just laugh at it," mabilis niyang tugon.

"Rivalry never helps.

"Although minsan sa network, nakakatulong din ang rivalry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro, I’ll just go with the flow. Pero I won’t take it too seriously."

INSPIRED. Mukha masaya at kuntento si Rocco sa mga nangyayari ngayon sa kanya. What inspires him these days?

"’Yong family ko at saka ’yong pace ng trabaho ko ngayon," sagot niya.

Ang rumored girlfriend niyang si Sheena Halili, hindi ba niya inspirasyon?

"Siyempre kasama siya sa mga nagiging inspirasyon ko," nangiting sabi ni Rocco.

Nag-usap na ba sila ni Sheena na dahil mas magiging busy siya, baka mawalan muna siya ng time for her?

"Napag-uusapan namin ang tungkol do’n. Pero siya rin naman, busy rin siya, e."

Ano ang agreement nila kaugnay nito?

"Wala namang agreement, basta we’ll just go with the flow."

Pero may usapan ba sila na kailangang magkaroon sila ng oras para sa isa’t isa bawat linggo?

"As much as possible nga na sana, I get to spend time with her kapag may libreng oras.

"Pero lately, wala kaming time masyado, e. Puro trabaho.

"Kaya nabawasan nga ’yong time namin para sa isa’t isa.

"But ang importante naman, nando’n ’yong communication.

"Kapag nagkakasama kami, we have deep conversations.

"At masaya kaming napag-uusapan how our day went, kung kumusta na siya, and... anything na we can talk about under the sun."

Wala pa ring pormal na pag-amin na naririnig mula sa kanila ni Sheena tungkol sa hinihinala ngang relasyon nila—kahit marami ang naniniwalang sila na nga.

"Sila po ’yong nag-iisip ng gano’n!" nangiting reaksiyon ni Rocco.

"Basta... we’re going steady.

"Nasa dating phase pa rin kami. We’re exclusively dating."

Baka naman pinagbabawalan lang silang umamin dahil makaapekto sa kani-kanilang career ang kung anumang meron sila ngayon?

"Hindi naman. Wala naman pong gano’n.

"Very, very special sa akin si Sheena—’yon na lang ang masasabi ko," diin ni Rocco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN