Part 2 Grace Ibuna on accusation that she’s only after the wealth of Iggy Arroyo: "I’ve swallowed everything for Iggy’s love."

"Hindi naman ako sa magyayabang. Hindi kami mga Ayala o mga Zobel o Gokongwei, Sy, or Tan but I have working parents. Lumaki kami nang maayos at hindi rin naman kami, you know, mahirap. But you know, we live a comfortable life. We are all working. We are all entrepreneurs. Mabait ang Diyos sa amin," says Grace Ibuna when asked if she’s just after the late congressman’s money.


Sa taped interview ni Boy Abunda kay Grace Ibuna kahapon, March 11, sa The Buzz, sinagot nito ang mga paratang tungkol sa kanya kaugnay sa namayapang Congressman Iggy Arroyo at ng sinasabing legal na asawa nitong si Aleli Arroyo.

AFTER IGGY’S WEALTH? May nagsasabi na pera lang daw ni Iggy ang habol niya?

Ayon kay Grace, "Hindi naman ako sa magyayabang.

"Hindi kami mga Ayala o mga Zobel o Gokongwei, Sy or Tan, but I have working parents.

"Lumaki kami nang maayos at hindi rin naman kami, you know, mahirap.

"But you know, we live a comfortable life.

"We are all working. We are all entrepreneurs. Mabait ang Diyos sa amin."

Yung tungkol sa last will and testament, ano ang kaya niyang sabihin tungkol dito?

"I hope you can understand that I can’t speak about it, but there might be legal consequences," sabi niya.

Sinasabing inagaw raw niya ang atensiyon at tiwala ng mga anak ni Iggy para kumampi sa kanya. Ang posibleng tinutukoy rito ay sina Bianca at Dina.

"Boy, matatanda na sila. You know what I mean? Bianca is 36 and Dina is 28.

"Sa palagay mo mabi-brainwash mo pa ang dalawang matalinong batang yun? Don’t underestimate them.

"Ako, ang tingin ko Boy, ang pagmamahal, sinusuklian ng pagmamahal."

Kumusta ang relasyon niya kina Bianca at Dina?

"Very well. I made it a point that we would spend time together.

"I respect their time for their father and, without much elaboration, in as far as his youngest daughter is concerned... I think, siya naman ang... lumabas sa bibig niya na ang pinagsisihan niya.

"She didn’t spent enough time with her father."

Napanood sa telebisyon noong nasa Bacolod sila nang yakapin ni Grace ang pinakabatang anak nina Iggy at Aleli na si Alelu.

Ayon kay Grace, "That was from the heart, Boy. Magkaakbay kami ni Dina, lumapit siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And she stared at me, I looked at her, I said, ’For your father’s sake, can we set aside all our pains for this moment? And let’s all be one to give your dad’s peace."

"And I embraced her with all my heart and that’s for Iggy.

"Matutuwa siya na ginawa ko yun."

Diumano, Grace breached some agreement when it comes to the arrangement of Iggy’s wake and burial.

Pero ayon kay Grace, "Boy, I think, pinakita ko sa ’yo yung medical part of Iggy’s will.

"Ako ang number one na inatasan niya for his last wish on how he would like to go.

"Ina rin ako. Pinagbigyan ko sila kahit ayaw ni Iggy.

"Again, lumapit ako kay Iggy, nag-sorry ako sa kanya.

"Sabi ko, ’Sorry Babes, pagbibigyan ko na lang sila.’ And anak naman nila yun."

Ang medical will ba ay binding?

"It is, Boy. Mananalo ba ako sa U. K. court kung hindi binding yun?" sagot ni Grace.

May magsasabing batas yun ng U.K. at hindi batas sa Pilipinas?

"That’s not true because for us, my lawyer said na kapag walang contradiction dito sa batas sa Pilipinas, it is then accepted."

EUTHANASIA? Isa pa sa mga isyung ibinabato kay Grace ay ang diumano’y pagtanggal niya ng life support ni Iggy.

Ayon naman kay Grace, "Boy, there’s no such thing.

"I have documents to show that the rules of London is very different.

"It is not the call of any family member when to stop the medication or to unplug.

"In fact, there’s no plug. It happened so fast.

"Halos lumuhod ako sa doctor para pakiusapan sila na gawin lahat, but they said they did everything."

HUNGRY FOR ATTENTION? Isa pang akusasyon sa kanya ay diumano’y mahilig siyang umeksena. Na gusto niya ng atensiyon ng media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May isang pagkakataon pa raw na sa Congress ay nag-wave siya ng kamay niya at pagkatapos ay nag-walk out?

Depensa ni Grace, "Ako, gusto kong umeksena? Sino ba ang nag-umpisang magsalita?

"Kulang na lang pati pagpasok nila ng banyo, pakunan nila.

"May narinig kayo sa akin? Wala, di ba?

"Araw-araw sila nasa media. Lahat na lang yata ng channel nilabasan nila.

"Kulang na lang pati Nickelodeon, labasan nila. Pero ako ba sumagot? Hindi.

"That’s the fact.

"Gusto kong mag-media attention, e, di sana nag-artista na lang ako. Baka mas malaki pa ang kita.

"I lived a quiet life basically until she [Aleli] came out."

Yung sa Congress na nag-wave daw siya at pagkatapos ay nag-walk out?

Paliwanag ni Grace, "Nilagay na nga nila ako sa ibang upuan, hindi na nga ako kumibo.

"I just wanted to thank all our friends in Congress na pumunta at nakiramay at nag-text sa akin when Iggy passed.

"Kung kumaway ako, dahil kinawayan ako. Hindi naman ako bastos."

Yung walk out?

"Masama bang umalis? Pumunta ako sa Medical Clinic. Bumalik ako. Walk out ba yun?"

Ano naman ang naramdaman niya na yung lugar niya sa Kongreso ay malayo sa kabaong?

"Pinikit ko na lang ang mata ko at inisip ko, nasa puso ko naman siya.

"So, okay na lang."

Ayon kay Boy, nabasa raw niya sa mga newspaper na hindi siya dapat naroroon?

Ang sagot naman ni Grace: "That’s what they said.

"At saka Boy, marunong akong maglagay kung saan dapat ako.

"As I’ve said, I’ve swallowed everything for Iggy’s love."

May isa pang isyu na diumano’y ni-represent niya ang sarili bilang Mrs. Arroyo?

"Kung meron silang papel na hawak na sinulat ko na Mrs. Arroyo, pakita nila.

"But I have document that it was Iggy’s handwriting that he placed my name next to him and my name there was ’Mary Grace Ibuna.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko kailangang mag-pretend to be Mrs. Arroyo when I know, I am not.

"Aanhin mo ang pangalan kung hindi mo naman... or you don’t live up to that?"

HELLO POLITICS? Siya raw ang sinasabing isa sa pinagpipilian na papalit sa puwesto ni Iggy bilang Congressman ng Negros Occidental. Papasukin niya nga ba ang pulitika?

"Buhay pa si Iggy, siya ang may sabi, pero I answered him, ’I’ll pray for it.’

"Hindi ako nag-iisip sa pulitika ngayon because I am still grieving.

"Hindi ko nga alam kung ano ang susunod kong hakbang, e.

"Kasi, ang buong buhay ko, nakaplano with Conressman Iggy.

"Boy, ano pa ang susunod kong iisipin? Mga anak ko na lang ang iniisip ko muna ngayon."

THANK YOU. May nais ba siyang sabihin kay Iggy?

"Why too soon? I’ll miss you every day of my life. And thank you.

"Thank you sa lahat-lahat. Salamat for giving me the best years of my life... and I was blessed and I thank God for it."

Kung magdarasal siya ngayon, ano ang laman ng dasal niya?

"Teach me how to accept His will with no condition or hurt. I know He’s a merciful God. I know he’s a forgiving God."

Ano ang nais niyang sabihin sa mga tao?

"Alam n’yo, kung sa ibang tao kasalanan yung ginawa ko, yung magmahal, sorry.

"Pero hindi ko pinagsisihan because yung pagkakamali na yun brought me joy."

Ano ang sinasabi niya sa sarili?

Sa puntong ito, hindi na napigilan ni Grace na maging emosyunal at mapaluha.

"To be strong for my children and to be strong for Iggy.

"It’s hard. It’s hard, especially kung nami-miss mo yung tao.

"Mahirap makahanap ng ganoong pagmamahal. Mahirap talaga.

"Mahirap makahanap ng soulmate at best friend at the same time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iggy was my best friend."

Kung isang araw, papasok siya sa pintuan ng langit at tinanong siya ng Diyos, ’My daughter, what was the best thing you did?’

"That I lived my life and followed my destiny and I intend to..."

Nakapagpatawad na ba siya?

"As I’ve said, I carry no grudge. Ipinagpapasa-Diyos ko na lang silang lahat," sagot ni Grace.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN