Kim Chiu on entering into a relationship two years after breakup with Gerald Anderson: "Parang puwede na."

"Kasi siyempre, two years na rin ang nakalipas. Kaya ayun, kailangan na rin ng inspirasyon," says Kim Chiu when asked about having a boyfriend again after splitting up with Gerald Anderson.


Wala pang bagong serye ang young actress na si Kim Chiu sa ABS-CBN pagkatapos mamaalam sa ere ang seryeng pinagbidahan niya na My Binondo Girl.

Abala muna si Kim sa shooting ng horror film na The Healing, kung saan gumaganap siya bilang anak ng Star for All Seasons na si Vilma Santos.

First time ni Kim na gumawa ng isang horror film kaya aminado siyang nahirapan.

"Medyo mahirap lang kasi horror ’tapos may mga effects-effects, kaya ayun, nakakapanibago,"sabi ni Kim nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, March 11, pagkatapos ng ASAP 2012.

Aminado si Kim na noong una ay medyo nahihiya siya sa mga eksena nila ni Ate Vi, pero ngayon ay wala na raw siyang ilang na nararamdaman dito.

"Mabait naman kasi talaga siya, e," pagtukoy niya sa Batangas governor.

"’Pag na-meet mo siya, close na kayo agad. Parang ganoon. Ganoon ang personality niya."


Si Chito Roño ang director ng The Healing. Kamusta namang katrabaho si Direk Chito?

"Maayos naman siyang magdirek. Nakakatakot, pero at least, matututo ka," sabi ni Kim.

XIAN LIM. Nali-link ngayon si Kim sa dati niyang kapareha sa My Binondo Girl na si Xian Lim.

Kumusta na sila ni Xian matapos ang pinagsamahan nilang serye? Tuloy ba ang panliligaw ng binata sa kanya?

"Ayoko namang sabihin na ano... ayoko namang magsabi na ganoon!" natatawang sagot ni Kim.

"Pero ano... lagi niya akong kinukumusta, then text, ’tapos nagtatawagan kami.

"Kung minsan nagkikita kami,"

Saan sila pumupunta kapag nagkikita sila?

"Minsan nagdi-dinner kami kasama yung mga friends ko."


READY TO FALL IN LOVE AGAIN? Handa na ba siyang pumasok ulit sa isang relasyon?

"Hindi naman ano... yung kailangang-kailangan ko. Parang puwede na.

"Kasi siyempre, two years na rin ang nakalipas.

"Kaya ayun, kailangan na rin ng inspirasyon."

Ang ibig sabihin ni Kim dito ay dalawang taon na ang nakalipas mula nang mabalitang naghiwalay sila ni Gerald Anderson.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Posible ba na si Xian na ang susunod niyang maging boyfriend?

"Ay, ayoko namang sabihin kasi nakakahiya. Basta!" tawa ni Kim

KIMERALD. Kahit hiwalay na sina Kim at Gerald ay may mga fans pa rin sila na umaasa, lalo na ang Kimeralds, na sila pa rin ang magkakatuluyan sa bandang huli.

Anong masasabi ni Kim tungkol dito?

"Siguro sa mga fans, siyempre natural lang naman sa kanila yun bilang Kimeralds sila. Siyempre may hope pa rin sila.

"Pero ganun naman talaga yung mga fans, e.

"Nagpapasalamat kami kasi kahit iba na yung partners namin ni Gerald, e, nandiyan pa rin sila para sa amin," sabi ng young actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN