Rochelle Pangilinan bags leading-lady role in Lam-Ang movie

Rochelle Pangilinan on getting the leading lady role opposite Rocco Nacino in Lam-ang: "Masaya ako kasi parang... wow! Ang ganda-ganda ni Isabelle [Daza], di ba? ’Tapos ako ang naging kapalit niya."


"Yes!" nakangiting bungad ni Rochelle nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng Party Pilipinas sa GMA-7 noong Linggo, March 11.

Siya kasi ang napili na maging leading lady ni Rocco Nacino sa pelikulang Lam-Ang, na base sa isang epic Ilocano poem.

"Nagpapasalamat po talaga ako. Ay naku, sobrang ang saya ko no’ng nalaman ko.

"Kasi, iba naman naman ’to. Bago na naman ’to.

"At wala talaga akong masabi kundi ’thank you Lord!’" bulalas ng dating miyembro ng SexBomb Girls.

Nag-audition pa ba siya o basta kinuha na lang siya para sa naturang role?

"Actually, pinapunta ako doon ng manager ko [Perry Lansigan]. Para na ring audition.

"Akala ko kasi, ’yong direktor, titingnan lang ako. ’Yon pala, titingnan niya ako sa camera.

"’Tapos ayun, arnis-arnis ako do’n. Mabuti na lang may background ako dati sa arnis sa Daisy Siete.

"So, nakatulong siya nang bonggang-bongga!" natawang kuwento pa niya.

ISABELLE DAZA. Hindi pala alam ni Rochelle na si Isabelle Daza ang first choice sana para maging leading lady ni Rocco sa pagsasapelikula ng Lam-Ang.

"Talaga? Well, at least, sa akin napunta. Thank you, Lord!

"Di ba, wala akong nasabi?" tawa niya ulit.

Dagdag ni Rochelle, "At masaya ako kasi parang... Wow! Ang ganda-ganda ni Isabelle, di ba? ’Tapos ako ang naging kapalit niya."

ROCCO NACINO. Excited daw si Rochelle na makatrabaho si Rocco.

Kuwento niya, "Lagi ko siyang kasama sa sayawan sa ’Sayaw Pilipinas’ [Party Pilipinas segment].

"Pero ngayon, sa isang ganitong project, gaya ng Lam-Ang, first time.

"Hindi pa po nakakarating sa akin ’yong script, pero narinig ko Tagalog na Tagalog daw ’yong mga lines.

"E, sa Amaya kasi, nagustuhan ko ’yong mga dialogue do’n na talagang purong salita natin.

"Actually, kahit kay Arthur [Solinap, her boyfriend], wala na sa akin ’yong ’I Love you’ kundi ’Mahal na mahal kita’ ang sinasabi ko sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Di ba, mas nakakakilig? Kasi sobrang ang Tagalog natin, napakaganda talaga at ang sarap niyang sabihin.

"Kaya I’m sure mag-e-enjoy ako dito sa Lam-Ang.

"At ang pinakaaabangan ko siguro ay ’yong fight scenes ko rito. Kasi gustung-gusto ko ’yon, e.

"Magti-training ako ng arnis.

"At nalalaman ko kay Rocco na nasusugatan daw siya sa training niya ng arnis.

"So ako, okay na ako do’n. Inihanda ko na ang sarili ko—na iyon din ang mangyayari sa akin.

"Kasi nakikita ko ’yong kamay niya [Rocco], ipinapakita niya, sugat-sugat."

Dagdag pa ni Rochelle, "Magsu-shoot kami sa Vigan at sa Tagudin. At ang maganda pa, ipapakita namin ang ganda ng Ilocos.

"Di ba, kesa nagsu-shoot tayo sa ibang bansa, ipakita natin ang ganda ng Pilipinas.

"T-Th-S [Tuesday, Thursday, and Saturday] ang shooting namin.

"Nagpaalam lang kami sa Broken Vow [afternoon series niya sa GMA-7] para ma-adjust ’yong taping schedule ko.

"Kasi hanggang May pa ang Broken Vow," na ang ibig niyang tukuyin ay masasabay ang shooting ng Lam-ang.

Sabi pa ni Rochelle, "Thankful ako na may trabaho ako hanggang sa mag-birthday ako sa May.

"Sabi nga sa akin ni Direk Mac Alejandre, ’Mas maganda na naiinitan kang nagtatrabaho sa set kesa nasa malamig kang kuwarto natutulog na tengga ang buhay mo.’

"Mas maganda nga na napapagod ako at pinagpapawisan dahil sa trabaho. Mas maganda na ’yong gano’n."

THANK YOU, GOD! Natutuwa nga rin daw ang boyfriend ni Rochelle na si Arthur Solinap sa nakuha niyang role sa Lam-Ang.

"Siyempre bago na naman ito para sa akin, e.

"Sabi nga niya, ’Ang galing, a! Parang ’yong blessings mo, sobrang dire-diretso.’

"At lagi rin niyang sinasabi na, ’Mag-church tayo lagi para dire-diretso lang.’

"Do’n niya ako inilapit. Siya ang naglapit sa akin kay Lord."

Matagal na rin silang magkarelasyon ni Arthur. Wala pa ba silang plano to settle down?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang plano namin sa ngayon, mag-ipon. Kailangang mag-ipon nang husto.

"Kasi kapag nagkapamilya ka na, mahirap magpaaral ng anak!" sabay tawa ni Rochelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN