Alden Richards on Golden Screen and Star Awards nominations: "Thank you kung manalo ako. Pero kung hindi naman, better luck next time!"

"Actually, ’yong nomination po is a big deal na for me, e. Kasi being noticed ng isang award-giving body, parang malaking honor na iyon, e. Na talagang super blessing na lang kung makuha mo pa ’yong award," says Alden Richards when asked about his nominations from Star Awards and Golden Screen Awards.


Nagmarka ang mahusay na performance ni Alden Richards sa critically-acclaimed horror movie ng GMA Films na The Road.

Dahil sa kanyang pagganap dito ay nominated siya sa kategoryang Breakthrough Performance by an Actor sa Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society (EnPress) at New Movie Actor of the Year sa Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC), na gaganapin bukas, March 14, sa Meralco Theater.

Sa dalawang nabanggit na kategorya, balitang sila lang daw ng kapwa niya Kapuso star na si Rocco Nacino—na nominado naman para sa indie film na Ang Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa—ang mahigpit na magkalaban among the nominees.

"Thankful po ako na, at least, kahit papa’no napansin po ’yong acting ko sa The Road," masayang bungad ni Alden nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng Party Pilipinas noong Linggo, March 11.

"Actually, I’m not expecting naman po anything na makuha ko.

"I’m just proud na napasama ako sa list ng nominees.

"And come what may po.

"Thank you kung manalo ako. Pero kung hindi naman, better luck next time!"

Baguhan pa lang si Alden, pero nakatutuwa ngang kaagad ay nare-recognize na ang kanyang galing sa pag-arte.

Aniya, "Parang unti-unti na pong natutupad ’yong dream ko na kahit ma-nominate man lang sana na ganito.

"Actually, ’yong nomination po is a big deal na for me, e.

"Kasi being noticed ng isang award-giving body, parang malaking honor na iyon, e.

"Na talagang super blessing na lang kung makuha mo pa ’yong award.

"So, thankful po ako sa mga nakakapansin sa akin.

"Thanks to PMPC at saka sa EnPress."

HIS MOTIVATION? Noon bang ginagawa nila ang The Road ay naisip niyang kailangang pagbutihin niya para mapansin siya ng critics o magkaroon ng award?

"Hindi po," sagot ni Alden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang iniisip ko, kailangan kong galingan para magustuhan po ng mga manonood.

"Isa na rin po sigurong factor ’yon na mapansin sana ako ng critics o ng mga award-giving bodies.

"Pero mas more po ako do’n sa factor na, first horror movie ko po ito and medyo heavy ’yong role.

"Kaya ’yong motivation ko is magampanan nang mabuti.

"Para at least ay hindi naman po tayo mapahiya sa Filipino audience.

"So, iyon po."

Sa The Road ay ginampanan ni Alden ang papel ng isang psycho.

FIRST TRIP IN THE STATES. Bukod sa nomination na nakuha niya para sa The Road, excited na rin daw si Alden sa nalalapit na pagpunta nila sa Amerika kaugnay ng pagpapalabas doon ng nabanggit na pelikula.

"First time ko pong bibiyahe abroad," aniya.

"So, excited po ako talaga kasi dream ko rin pong makapunta sa States.

"And ang dami pong mga nagyayaring first time mula no’ng makapasok ako sa showbiz, e.

"Kaya sobrang thankful na po ako sa Diyos at saka sa GMA Network."

Pinaghahandaan na raw niya ang paglakad sa red-carpet premiere ng The Road sa Amerika.

Hihiram daw siya sa designer na kanyang sponsor ng mga isusuot niyang suits sa mga pupuntahan nilang events sa U.S. kaugnay ng pagpapalabas ng The Road doon.

"Kasi gusto ko, kahit nandoon kami sa States, Filipino clothing line pa rin po ang suot ko.

"Pinoy ang movie na ipapalabas, so dapat Pinoy lahat pati suot ko.

"Proud to be Pinoy dapat!" sabay ngiti ulit ng binata.

LOVELESS? Isa si Alden sa mga baguhan sa showbiz na sinasabing may pinakaguwapong mukha.

Ang nakapagtataka, walang napapabalita na girlfriend o nililigawan man lang niya.

"Oo nga po, e," nangiti ulit ang young actor.

"Kasi hindi ko muna po focus ang lovelife sa ngayon. Kasi, masyado pa pong maaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SAM PINTO. Maingay na napag-usapan last year ang pagkakaroon niya ng crush kay Sam Pinto.

Nagkaroon pa nga sila ng chance na mag-date sa isang yate na nai-cover pa at ipinalabas sa Showbiz Central at dito mismo sa PEP.

Pero hindi ito nagtuluy-tuloy sa inaasahang totohanang ligawan na.

Na-intimidate ba siya kay Sam?

"No’ng first time ko siyang na-meet, opo, na-intimidate po ako.

"Hindi ko po alam kung ano ang gagawin ko kasi first time ko pong makipag-date sa isang celebrity.

"Pero ginawa naman po ni Sam na okay ’yong date.

"Naging comfortable po ako sa company niya. So, naging close po kami after no’n," sabi ni Alden.

Natorpe siya?

"A, hindi naman po siguro!" natawang reaksiyon ni Alden.

"Siguro, talaga lang pong maraming mas dapat na unahin kesa lovelife.

"And hindi naman po sa ayaw ko pang magka-girlfriend.

"Wala pa po, e. Hindi ko pa rin lang siguro nakikita ’yong right one."

ULTIMATE CRUSH. May inamin naman si Alden bago matapos ang interview.

Ayon sa kanya, si Rhian Ramos pa rin daw ang nag-iisang "ultimate crush" niya hanggang ngayon.

"Ever since po talaga, siya ang pinaka-crush ko sa lahat ng female celebrities natin," sabi niya.

Magkasama silang bibiyahe sa U.S. kaugnay ng pagpapalabas doon ng pelikula nilang The Road.

Baka ito na ang pagkakataon na makaporma siya sa aktres?

"For work lang naman po ’yong pagpunta namin sa States," sabay ngiti ulit ni Alden.

Masasabing nasa proseso pa rin ng paggamot ng pusong nasugatan si Rhian. Malay niya, baka ito ang perfect timing para sa kanya na maiparamdam sa aktres ang matinding paghangang nadarama niya?

"Hindi po natin alam!" natawang sabi na lang ng binata.

LOUISE DE LOS REYES. Sa primetime series naman ng GMA-7 na My Beloved, sinasabing unti-unti nang nagkakaroon ng kilig ang pagiging magkapareha nina Alden at Louise delos Reyes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sambit nga ng young actor, "I’m thankful sa mga nagiging magagandang feeback sa aming dalawa.

"Kasi kahit papa’no may chemistry pala kami on-cam, eventhough off-cam, we’re just friends.

"Ipagpapatuloy lang iyon namin. Masaya naman pong katrabaho si Louise."

Kahit nababalitang may Enzo Pineda na si Louise sa totoong buhay, hindi ito nakakaapekto sa tandem nila.

Ano ba ang ang sikreto ng magandang chemistry nila bilang magkapareha?

"Siguro po ’yong pagiging ano lang... pagiging natural.

"’Yong hindi namin masyadong siniseryoso kung ano kami as loveteam. Hindi namin pinipilit.

"Kung ano ’yong nire-require ng eksena, mas nagiging natural sa aming dalawa kung hindi namin iniisip na kailangang isipin ng tao na kami rin off-cam.

"Wala. Cool lang kami ni Louise.

"Kaya siguro gano’n ang nagiging outcome."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN