Ruffa Gutierrez fears her problems with ex-hubby Yilmaz Bektas are not yet over

Ruffa Gutierrez reveals her fears about what’s in store for her after annulment of marriage to Yilmaz Bektas: "Hindi ko pa sure. Kasi you know naman, we go through seasons... sometimes it’s rainy seasons na [kapag] hindi kami okey, na masungit siya or wala siya sa mood. There are times naman na nasa mood siya, happy siya, and summertime, nagkukuwentuhan kami, walang problema. I guess, depende sa seasons."


Photo by Noel Orsal


Hindi sigurado si Ruffa Gutierrez kung mananahimik na ang kanyang buhay ngayong annulled na ang kasal nila ng Turkish businessman na si Yilmaz Bektas.

Baka raw kasi guluhin na naman siya ni Yilmaz at pagbantaan na naman ng kung anu-ano.

"Hindi ko pa sure," sagot ni Ruffa sa tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung matatahimik na ang buhay niya.

Nakausap namin ang actress-TV host matapos ang live telecast ng Paparazzi sa Broadway studio ng TV5 noong Sabado, March 10.

Paliwanag pa ni Ruffa, "Kasi you know naman, we go through seasons.

"Sometimes, it’s rainy seasons na hindi kami okey, na masungit siya, or wala siya sa mood.

"There are times naman na nasa mood siya, happy siya.

"And summertime, nagkukuwentuhan kami, walang problema.

"I guess depende sa seasons."

Umaasa si Ruffa na makakapag-move on na si Yilmaz ngayong may kanya-kanya na silang buhay.

Bagamat hindi pa raw nakakausap nang pormal ni Ruffa ang dating asawa, alam niyang matututunan din nitong tanggapin ang tuluyan nilang paghihiwalay.

STAGE MOTHER. Pagdating naman sa kanyang mga anak, masayang ibinida ni Ruffa ang paglabas-labas nina Lorin at Venice sa TV shows.

Nauna na nga ang dance number ng dalawa sa ASAP 2012 dalawang linggo na ang nakararaan.

At noong Linggo, March 12, ay nag-guest naman ang dalawang bata sa Showbiz Central, kunsaan isa sa mga host ang tito nilang si Raymond Gutierrez.

"Naku, may trending sila worldwide!" proud na sabi ni Ruffa.

Nangangahulugan ba itong pinapayagan na niyang pasukin ng mga anak ang showbiz?

"If you remember, nung nag-guest sila sa ASAP, stressed ako.

"Kasi yung mga batang ’yan, may sarili na silang pag-iisip dahil ayaw nilang isuot yung mga pinapasuot ko sa kanila," nangingiti pero may tonong reklamo na sabi niya.

"Gusto ko yung mga girlie-girlie sila, mga ruffles, mga tutu skirts, ayaw nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto nila yung mga mga rockers sila. Iba na ang mga style ng mga bata ngayon.

"So, even when I buy them clothes, gusto nila kasama na sila sa shopping.

"Kasi hindi na nila susuutin kung ano ang gusto naming mga nanay na isuot nila, yung naka-ribbon sila. Ayaw na nila.

"Kaya nga nai-stress ako. Sabi ko sa kanila, ’Hay naku! Last guesting na ninyo ito sa ASAP never—ever!’

"Siyempre, hindi pumayag yung mga bagets! Gusto raw nila mag-summer workshop sa G-Force or with Regine Tolentino."

SHOWBIZ KIDS. Hindi na bago kay Ruffa ang pagkahilig ng mga anak sa showbiz.

Kuwento niya, "Alam mo, dati na silang nagkakaroon ng workshop.

"Nag-Repertory Philippines na sila, nag-Trumpets na rin sila.

"Pero they usually do it summer breaks. Nag-Goin’ Bulilit na rin sila before.

"So, as long as hindi nila pabayaan yung pag-aaral nila, they can do yung mga one-time, one-time guesting nila.

"Pero para pasukin yung show business nila at mag-taping... no way!" diin ni Ruffa.

Payag si Ruffa na muling lumabas sa mga TV shows ang mga anak kapag summer break o class break nila.

"Ang summer naman nila June pa. Yun, puwede ko silang payagan para naman may ibang pinagkakaabalahan yung mga bata."

RECONCILIATION. Malaking tuwa naman ni Ruffa sa pagkakasundo finally ng kanyang inang si Annabelle Rama at ng nagretirong GMA-7 executive na si Ms. Wilma Galvante.

(CLICK HERE to read related story.)

Aniya, "Maraming salamat kay Mother Lily [Monteverde] at siya ang naging bridge na nagkabati sila.

"It was very awkward kasi nga hindi namin alam kung kelan sila magbabati.

"Siyempre, ’pag nagkikita kami ni Ms. Wilma, binabati ko pa rin siya, nag-i-smile pa rin ako sa kanya.

"It’s so difficult dahil kami ang nalalagay sa alanganin.

"But like they said, there’s no permanent enemies in show business, it’s only permanent friends and interest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nalaman ko na lang after nung mangyari.

"Happy naman ako. Life is so short and our business is so small.

"So, especially with someone na parang as busy as my mom and someone as respected as Tita Wilma, talagang magkikita at magkikita, magku-krus ang landas nila."

RIFT WITH NADIA MONTENEGRO. Tinanong ng PEP si Ruffa kung bakit nagawa niyang batiin at pansinin ang isang taong nakasamaan ng loob ng kanyang ina na umabot pa sa demandahan, gaya ni Ma’am Wilma, pero hindi ang isang taong kaaway ngayon ng ina?

"Sino ba?" pakunwaring nagtatakang tanong ni Ruffa.

Binalikan namin si Ruffa ng "You know who..." At nakuha niya na ang tinutukoy namin ay si Nadia Montenegro.

"Naku, huwag na nating pag-usapan ’yan, ’no!" iwas niyang bulalas.

Pero bakit kay Ma’am Wilma ay puwede at kay Nadia ay hindi puwede?

"Si Tita Wilma naman kasi is someone that really helped my brothers in their careers.

"She was also my boss in GMA before. There was a time na nasa That’s Entertainment ako, nag-GMA Supershow ako.

"Silang dalawa ni Bobby Barreiro ang boss ko sa GMA-7.

"Bilang nakakatanda sa akin, kailangan pakitaan ko pa rin sila ng respeto," sabi ni Ruffa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN