Aljur Abrenica gets new nickname from Kylie Padilla—"Bumblebee"

Aljur Abrenica compares Kylie Padilla to an orchid: "Kasi siya yung tipong kailangang alagaan talaga, e. Mamahaling halaman na hindi basta-basta tumutubo kahit saan. Rare lang ang orchids, di ba? At saka hindi siya nabubuhay kapag hindi mo inaalagaan."


Medyo na-late si Aljur Abrenica sa press screening ng pinagbibidahan nilang pelikula ni Rhian Ramos, ang My Kontrabida Girl under GMA Films, na ginanap kagabi, Marso 12, sa Cinema 3 ng SM The Block.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Aljur ay nagpaliwanag naman siya kung bakit siya late.

"Actually, kaya ngayon lang po ako nakarating kasi galing ako sa Batangas at may nangyari na hindi ko ine-expect. Sobrang traffic pa," sabi niya.

Sa kabila ng kaunting aberya, pinilit pa rin Aljur na makapunta sa press screening dahil importante raw sa kanya ang feedback na makukuha niya sa mga press tungkol sa kanilang pelikula.

"Siyempre, para sa akin, napakahalaga ng araw na ito kasi ito po yung unang-unang [pagkakataon] ipalalabas namin yung My Kontrabida Girl sa press preview.

"So, lahat kami, sobrang excited.

"Kagabi, nag-usap-usap pa kami.

"And we’re just so glad na ’eto na, dumating na yung time na ipalalabas na siya and magaganda naman yung mga feedback."

RHIAN NO SHOW. Bukod kay Aljur, dumalo rin sa press screening ang iba pang cast ng pelikula na sina Enzo Pineda, Sef Cadayona, at Kevin Santos.

Hindi naman naka-attend si Rhian.

Bakit wala si Rhian?

"Nagkaroon siguro ng conflict sa schedule," sagot ni Aljur.

"Actually, okay lang naman kasi hindi naman ito kumbaga yung premiere night namin. Press preview namin ito.

"Bukas [Marso 13] pa lang talaga yung premiere night namin.

"Siguro si Rhian may schedule. Hindi lang ako sure."

FEELING THE PRESSURE. Aminado si Aljur na nakakaramdam din siya ng pressure sa pagpapalabas ng My Kontrabida Girl, na showing na sa mga sinehan sa Miyerkules, Marso 14.

"Sa totoo lang, nape-pressure din kami.

"Pero sa totoo lang, mas excitement yung nararamdaman ko, mas excited ako.

"Kung sinasabi na nakasalalay sa amin ni Rhian ang pelikulang ito, ang mahalaga po sa amin ay nagtrabaho kami nang maayos, pinaghirapan po talaga namin ito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KYLIE CALLS HIM BUMBLEBEE. Samantala, hindi pa rin maiwasang itanong kay Aljur ang nali-link sa kanya na si Kylie Padilla.

Pagkatapos kasi siyang bansagang "bubuyog" ng ama ni Kylie na si Robin Padilla, dahil sa pag-aligid sa anak niya na isa naman daw bulaklak, si Kylie naman ay may bagong tawag kay Aljur—"Bumblebee."

Nasabi raw ito ng aktres nang ma-interview siya ng ilang press.

Nasabi na ba ni Kylie ito sa kanya?

"Hindi, ngayon ko pa lang narinig," nakangiting sabi ng Kapuso hunk.

Ano naman ang reaksiyon niya rito?

"Natatawa lang ako. At least, mas cute ngayon.

"Siguro nagbibiro lang si Kylie."

Kung isa ngang bulaklak si Kylie, anong klaseng bulaklak ang young actress para sa kanya?

"Siguro orchids," sagot ng binata.

"Kasi siya yung tipong kailangang alagaan talaga, e.

"Mamahaling halaman na hindi basta-basta tumutubo kahit saan.

"Rare lang ang orchids, di ba? At saka hindi siya nabubuhay kapag hindi mo inaalagaan."

WANTS TO MEET BB GANDANGHARI. Sabi raw ni Kylie, gusto niyang ipakilala ang tito-tita niyang si BB Gandanghari kay Aljur.

Willing ba si Aljur na ma-meet si BB?

"Oo naman," tugon niya.

"Kahit sino namang miyembro ng pamilya niya, gusto kong makilala.

"Yun nga lang, si Mr. Rustom... si BB, hindi ko pa nakikita sa personal."

Si BB ay dating kilala bilang ang aktor na si Rustom Padilla.

BIRTHDAY PARTY. Invited daw si Kylie sa birthday party ni Aljur sa Batangas sa March 24. Pero hindi pa sigurado kung makararating ang aktres dahil busy raw ito sa taping ng pinagbibidahan niyang afternoon soap sa GMA-7, ang The Good Daughter.

So, ibig sabihin, wala siyang ka-date sa birthday niya?

"Hindi ko na iniisip na magkaroon ng date kasi malaking selebrasyon po yun, e.

"So, mas magko-concentrate na lang po ako sa pagpe-prepare ng birthday ko."

Inimbita na rin daw niya ang lahat ng mga taong malalapit sa kanya, kabilang na ang naging leading ladies niya na sina Rhian Ramos at Kris Bernal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta inimbita ko na lahat ng mga taong malalapit sa akin.

"Yung iba, nag-commit sa akin. Yung iba, hindi sigurado.

"Well, sa akin, kung makakarating sila o hindi, salamat pa rin.

"Basta kung dadating sila, mas salamat, mas maganda," sabi ni Aljur.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN