Rhian Ramos on lessons learned after the controversies: "Kung hindi pa naman ako natuto, ewan ko na lang!"

Rhian Ramos on confronting issues about her: "The most confrontation na ginagawa ko ngayon, talagang kahit mahirap, hinaharap ko pa rin. And it’s difficult to go to court for example... hassle siya, pero kailangang gawin. Ano, e, parang alam ko kung ano yung dapat bigyan ko ng importansiya at hindi. Talagang I’m moving on. Saka ang dami ulit na nangyayari na maganda, so doon ko inilalagay ang atensiyon ko."


Hindi naiwasan na hindi naungkat ang pagsubok na pinagdaanan ni Rhian Ramos nang humarap siya kahapon, March 12, sa entertainment press para pag-usapan ang My Kontrabida Girl, ang pelikula na pinagbibidahan nila ni Aljur Abrenica na ipalalabas sa mga sinehan simula bukas.

Imbes na umiwas, sinagot ni Rhian ang lahat ng mga tanong.

Nagpasalamat din siya sa lahat ng mga sumuporta sa kanya.

Unang pinasalamatan ni Rhian ang kanyang pamilya na hindi umalis sa tabi niya, ang fans na nagpadala ng inspiring messages at mga pagkain, ang GMA-7 management na naintindihan ang sitwasyon.

Inamin ni Rhian na maraming aral ang kanyang natutunan sa naging karanasan niya.

Aniya, "Siguro ganoon lang talaga ang buhay parang may balance, may compensation.

"Hindi puwedeng laging lahat pangit, hindi puwedeng laging lahat maganda. May balance lang.

"Masaya ako sa 2012 ko kasi parang sa short amount of time, parang ang daming nangyari.

"Yung GMA, thankful ako dahil pinayagan nila ako na magbakasyon.

"Malaking bagay ’yon sa akin. Ang laking tulong..."

Ang tinutukoy ni Rhian ay ang pamamahinga niya pagkatapos pumutok ng kontrobersiya dulot ng breakup nila ng radio-TV host na si DJ Mo Twister.

ON LEAVING MY BELOVED. Napag-usapan din ang tungkol sa hindi pagkakatuloy ni Rhian sa primetime series ng GMA-7 na My Beloved.

Nakapagsimula nang mag-taping si Rhian noon para sa seryeng ito na pagtatambalan sana nila ni Dingdong Dantes, pero nagdesisyon siyang umalis na lang dito dahil nga sa kontrobersiyang pinagdadaanan niya noon.

Pinalitan si Rhian ng real-life girlfriend ni Dingdong na si Marian Rivera.

Sabi ni Rhian tungkol dito, "Parang kalahating nakakapanghinayang, ’tapos kalahating hindi, kasi alam ko naman kung bakit ko kailangang magbakasyon.

"At saka nakatulong talaga sa akin yung bakasyon ko.

"And then, on the other hand, kapag napapanood ko sa TV [yung My Beloved], ang ganda lang talaga na project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakikita ko siya kung gaano kaganda kaya napi-picture ko minsan yung mga eksena, lalo na yung mga nagawa ko na.

"One month din ako nag-tape noon. Siguro, mga three weeks na yung na-canned.

"Pero looking back, hindi ko rin naman nire-regret kasi kinailangan ko rin yung bakasyon na ’yon."

LESSONS LEARNED. Ano ang mga natutunan niya sa mga pinagdaanan niyang ito?

"Ang dami kong natutunan... kung ano yung importante. Kung ano yung pina-prioritize, lalo na sa point na ito sa buhay ko.

"At saka ano, parang feeling ko, sinadya na ginawa ni Lord ’yon para...

"Siguro para... paano ko ba ito sasabihin? Siguro God wants me to be in the right place, be with the right people, yung ganoon.

"So, kapag hindi tama, inilalayo Niya ako.

"Kung hindi pa naman ako natuto, ewan ko na lang!

"Oo naman... madami. Madami akong natutunan."

NO LONGER AFRAID OF DJ MO TWISTER. Ayon pa kay Rhian, hindi na siya natatakot ngayon sa dati niyang kasintahan na si Mo Twister.

"Siguro hindi na," sambit ng young actress.

"Dati oo... ngayon, parang malayo naman siya. Nandito naman ako [sa Pilipinas]."

Nagbabasa pa ba siya ng mga artikulo tungkol kay Mo?

"Nagbabasa? Ay, hindi na, pero binabalitaan ako ng mga tao... may mga nagkukuwento, pero wala.

"Ako pa ba ang magpa-bad trip sa sarili ko?" sabi niya.



READY TO CONFRONT THE ISSUE. Handa na raw si Rhian na harapin ang mga isyung kinasasangkutan niya.

Saad niya, "The most confrontation na ginagawa ko ngayon, talagang kahit mahirap, hinaharap ko pa rin.

"And it’s difficult to go to court for example... hassle siya, pero kailangang gawin.

"Ano, e, parang alam ko kung ano yung dapat bigyan ko ng importansiya at hindi.

"Talagang I’m moving on.

"Saka ang dami ulit na nangyayari na maganda, so doon ko inilalagay ang atensiyon ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



RUMORS LINKING HER TO KC MONTERO AND JERIC LACSON. Pinabulaanan naman ni Rhian ang balitang nagli-link sa kanya sa radio-TV host na si KC Montero at sa anak ni Senator Ping Lacson na si Jeric Lacson.

"Saan kaya nagsisimula ’yon? Saan kaya nanggagaling ’yon in the first place?" balik-tanong ni Rhian.

"Wala akong idine-date ngayon para lang klaro.

"At saka gusto ko na rin mag-sorry kay KC at saka kay Jec [Jeric] kasi hindi naman sila dapat isinasali pa sa mga ganoong klase ng hassle.

"Pero kahit pinag-uusapan sila o kami, mananatili pa rin sila na mga kaibigan ko. So thankful din ako doon."

Dagdag pa niya, "Di ba minsan, mahirap... kunwari, lalo na si Jec, hindi naman siya showbiz, kawawa naman siya.

"Sa dami ng ginagawang tsismis tungkol sa kanya, surprise ako na nandoon pa rin siya.

"Sinusuportahan niya ako saka kaibigan ko pa rin siya.

"Hindi naman sa tagal yung sukatan ng friendship namin, pero mabuti kasi siyang tao. Ka-church ko siya.

"Na-meet ko siya kasi kaibigan siya nina Maxene [Magalona].

"Naging barkada ko sila at one point, so kapag lumalabas kami, grupo kami.

"Medyo may nag-single out lang sa kanya. Unfair sa kanya."

Matatandaang sa isang panayam ay kinumpirma mismo ni Senator Lacson ang sinasabing relasyon nina Rhian at Jeric.

(CLICK HERE to read related story.)

MEAN PERSON. Kontrabida ang role ni Rhian sa My Kontrabida Girl kaya tinanong siya kung naranasan na niya na maka-encounter ng isang mean person sa tunay na buhay.

"Malala pa... malala pa...

"Blind item pa ba ito? Hindi pa ba halata?" ang natatawang sagot ni Rhian, na kahit minsan ay hindi binanggit ang pangalan ng tao na kanyang tinutukoy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN