Jose Manalo categorically denies accusations made by wife Anna Lyn

"Mariing pinabubulaanan ni Jose ang pahayag ni Anna Lyn na siya ay may ibang ka-relasyon. Ito ay kanyang sasagutin sa wastong paraan at sa tamang panahon. Mariin ding pinabubulaanan ni Jose ang anumang alegasyon ng pagpapabaya, mapa-pinansyal o iba pa, sa kanyang mga anak kay Anna Lyn. Ang katotohanan ay si Jose ang nagbibigay ng nasabing suporta at patuloy na magbibigay ng suporta sa kanyan


Photo by Melo Balingit


Naglabas na ng official statement ang kampo ni Jose Manalo kaugnay ng mga paratang ng asawa niyang si Anna Lyn.

Matatandaang sinabi ni Anna Lyn, sa taped interview sa kanya ng The Buzz noong March 4, na inabandona ni Jose ang kanyang pamilya at mayroon daw itong ibang babae.

(CLICK HERE to read related story.)

Sinampahan din ni Anna Lyn si Jose ng paglabag sa R.A. (Republic Act) 9262 o Anti-Violence Against Women and Children noong February 27 sa Office of the Prosecutor sa San Juan City.

(CLICK HERE to read related story.)

Ayon sa official statement ni Jose, na ipinadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng e-mail ngayong hapon, March 13, hinaharap daw ng Eat Bulaga! mainstay ang "ilang pagsubok sa kanilang relasyon ni Anna Lyn."

Ikinalulungkot din daw ng komedyante ang desisyon ng asawa na magpa-interview sa media, gayong alam daw nito na "makahahadlang lamang ito sa maayos at payapang paglutas ng kanilang mga suliranin."

Diin pa ng kampo ni Jose, hindi raw ito makakabuti sa kapakanan ng kanilang mga anak.

Natanggap na rin daw ni Jose ang kopya ng complaint-affidavit ni Anna Lyn laban sa kanya.

Naisangguni na raw ng komedyante ang bagay na ito sa kanyang mga abugado "para sa karampatang aksyon."

Pinayuhan daw si Jose ng kanyang mga abugado na "pansamantalang huwag magbigay ng anumang pahayag patungkol sa nabanggit na akusasyon."

Bukod sa kasong naisampa na ni Anna Lyn, wala na raw nalalaman si Jose na iba pang kaso na isasampa laban sa kanya ng asawa.

THE ACCUSATIONS. Kaugnay naman ng akusasyon ni Anna Lyn na mayroon siyang ibang babae, mariin itong pinabulaanan ni Jose.

Sasagutin daw niya ang paratang na ito sa "wastong paraan at sa tamang panahon."

Ayon pa sa kampo ng komedyante, "Mariin ding pinabubulaanan ni Jose ang anumang alegasyon ng pagpapabaya, mapa-pinansyal o iba pa, sa kanyang mga anak kay Anna Lyn."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang totoo raw ay si Jose ang "nagbibigay ng nasabing suporta at patuloy na magbibigay ng suporta sa kanyang mga anak sa abot ng kanyang makakaya."

Nakasaad din sa official statement: "Alang-alang kay Anna Lyn at sa kanilang mga anak, pilit na iniiwasan ni Jose na gumawa ng mga legal na hakbang laban kay Anna Lyn kaugnay ng iba’t ibang mga insidenteng kinasasangkutan nito at iba pang mga gawain ni Anna Lyn na nakapinsala pati sa mismong mga magulang ni Jose."

Matatandaang nasangkot si Anna Lyn sa multi-million jewelry scam noong 2009.

Sa huli, nakikiusap si Jose sa media na bigyan sila ng "pagkakataong maresolba ang mga pagsubok na ito sa pribado at matahimik na paraan."

OFFICIAL STATEMENT. Narito ang kabuuang pahayag ng kampo ni Jose sa wikang Tagalog:

"Kasalukuyang hinaharap ni Jose ang ilang pagsubok sa kanilang relasyon ni Anna Lyn. Lubos niyang kinalulungkot ang desisyon ni Anna Lyn na makipag-panayam sa media gayong alam ni Anna Lyn na makahahadlang lamang ito sa maayos at payapang paglutas ng kanilang mga suliranin. Higit sa lahat, hindi ito makabubuti sa kapakanan ng kanilang mga anak.

"Nakatanggap si Jose ng kopya ng Complaint-Affidavit ni Anna Lyn ukol sa diumano’y paglabag ni Jose sa Republic Act No. 9262. Naisangguni na ito ni Jose sa kanyang mga abugado para sa karampatang aksyon. Pinayuhan si Jose na pansamantalang huwag magbigay ng anumang pahayag patungkol sa nabanggit na akusasyon. Bukod sa nasabing demanda, walang nalalaman pang ibang kaso si Jose na isinampa laban sa kanya ni Anna Lyn.

"Mariing pinabubulaanan ni Jose ang pahayag ni Anna Lyn na siya ay may ibang ka-relasyon. Ito ay kanyang sasagutin sa wastong paraan at sa tamang panahon. Mariin ding pinabubulaanan ni Jose ang anumang alegasyon ng pagpapabaya, mapa-pinansyal o iba pa, sa kanyang mga anak kay Anna Lyn. Ang katotohanan ay si Jose ang nagbibigay ng nasabing suporta at patuloy na magbibigay ng suporta sa kanyang mga anak sa abot ng kanyang makakaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alang-alang kay Anna Lyn at sa kanilang mga anak, pilit na iniiwasan ni Jose na gumawa ng mga legal na hakbang laban kay Anna Lyn kaugnay ng iba’t ibang mga insidenteng kinasasangkutan nito at iba pang mga gawain ni Anna Lyn na naka-pinsala pati sa mismong mga magulang ni Jose. Dahil patuloy na naaapektuhan ang kanyang pamilya sa usaping ito, nakikiusap si Jose sa media na bigyan sila ni Anna Lyn ng pagkakataong ma-resolba ang mga pagsubok na ito sa pribado at matahimik na paraan."

Narito naman ang pahayag ng kampo ni Jose sa wikang Ingles:

"Jose is currently encountering difficult challenges in his relationship with Anna Lyn. He is, thus, deeply saddened by Anna Lyn’s decision to resort to media interviews when she is fully aware that such decision shall compromise their efforts at a mutually-acceptable resolution of their differences and, more importantly, shall not be in the best interests of their children.

"Jose has received a copy of Anna Lyn’s Complaint-Affidavit for violation of Republic Act No. 9262 and has referred the same to his lawyers for proper action. He has been advised by his lawyers to refrain from commenting thereon in the meantime. Jose has not been advised of any other action filed by Anna Lyn against him.

"Jose categorically denies Anna Lyn’s unfounded statements regarding an alleged extra-marital affair and shall address the same at the proper forum at the appropriate time.

Jose likewise categorically denies any allegation of neglect, financial or otherwise, as regards his children with Anna Lyn, the truth being that he is providing, and will continue to provide his children, such support to the best of his ability.

"At present, Jose, in loving consideration of Anna Lyn and their children, is exerting his best efforts to refrain from resorting to any legal action against Anna Lyn in connection with various incidents involving him and other acts where even his own parents were offended and prejudiced by Anna Lyn. As the matter ultimately involves his family, Jose requests the media to allow him and Anna Lyn some measure of privacy in order that they may be able to resolve the same out of the public eye."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN