Filipino rock icon Karl Roy succumbs to cardiac arrest at age 43

Pinoy Rock icon Karl Roy, who fronted bands such as Advent Call, P.O.T., and Kapatid, died this morning at the age of 43 from cardiac arrest.


Kaninang umaga, March 13, ginulantang ang local rock scene ng balita ng pagpanaw ng isa sa itinuturing na Filipino "rock icon"—si Karl Roy.

Sa Facebook ng kapatid ni Karl na si Kathryn, inanunsiyo nito ang malungkot na balita.

"It is with deepest sadness that I share the news of Karl’s passing. He was called Home today at 1:01 a.m. Manila time (Tuesday, March 13th), surrounded by those who loved him most - mommy, Keith, Kevin, Krys, his daughter Arianna, and our cousin Jack (Roy-Duavit).



"Please continue to pray for Karl. He brought so much joy to others but, unfortunately, did not have enough of it in this life. He’s in a better place now, with Lolo Pepe, Lola Conching and Daddy.



"Thank you for your kind words and your prayers.



"God bless!"

Ayon sa manager ni Karl na si Pam Lunar, na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa telepono ngayong hapon, cardiac arrest ang sanhi ng pagkamatay ng rock singer sa edad na 43.

"He’ll be celebrating his birthday on May. He’s actually turning 44," sabi pa ni Pam.

FRONT MAN. Unang nakilala si Karl bilang front man ng 1990s alternative rock band na Advent Call.

Unang napansin ng mas maraming Pinoy rock fans si Karl at ang Advent Call nang mag-front act sila para sa American heavy metal band na Metallica nung 1993 sa University of Life Stadium sa Pasig City.

Kasama pa ng Advent Call na mag-front act ang banda naman ng kapatid ni Karl na si Kevin, ang Razorback.

Bukod sa maharot na paggalaw at pagkanta, kilala rin si Karl bilang "the human canvass" dahil sa dami ng tattoo nito.

Ilan sa mga nakilalang awitin ni Karl, kasama ang Advent Call, ang "Puting Ilaw" at ang sarili nilang version ng "Ala-ala Ay Ikaw" ni Eddie Peregrina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nung mag-disband ang Advent Call ay binuo naman ni Karl ang bandang P.O.T. nung 1997, kasama ang dating Rivermaya bassist na si Nathan Azarcon, Introvoys at Passage guitarist Ira Cruz, at ang drummer ng Kjwan na si J-Hoon Balbuena.

Kabilang sa mga pinasikat na kanta ng P.O.T. ang "Yugyugan Na," na unang pinasikat ng bandang The Advisors, at "Pagbabalik ng Kuwago" na pinasikat naman nung 1970s ng bandang Anak Bayan.

Bandang 2003 naman nang buuin nina Karl, J-Hoon, Ira, Nathan, at Louie Talan ng Razorback, ang bandang Kapatid na pinasikat ang kantang "Luha" sa mga mahihilig noon sa Pinoy rock.

STROKE. Nung 2008, matapos na ma-stroke si Karl ay nagkaroon ng benefit concert sa Music Museum ang iba’t ibang bandang Pinoy ’tulad ng Razorback, Kwjan, Sandwich, Sugarfree, at Itchyworms.

Sumailalim na rin ng heart bypass operation si Karl ilang taon pa bago muling atakihin ng stroke nitong March 12, Lunes, at ma-confine sa isang ospital, kunsaan tuluyan na siyang binawian ng buhay.

Naging trending topic sa Twitter ngayong araw ang pagkamatay ni Karl.

Kabilang sa celebrities na nag-tweet ng kanilang pakikiramay sina Kean Cipriano, Divine Lee, Jake Cuenca, at Iza Calzado.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN