Christian Bautista and girlfriend Carla Dunareanu celebrate their first monthsary today, March 14; Christian promises a surprise for Carla

"I consider her a blessing," says Christian Bautista when asked if he considers girlfriend Carla Dunareanu his lucky charm during MYX Music Awards 2012.


Photo by Monching Jaramillo


Dumating sa MYX Music Awards 2012 sa Music Museum kagabi, March 13, si Christian Bautista kasama ang girlfriend niyang half-Chinese, half-Romanian at Singapore-based na si Carla Dunareanu.

Hindi man pinalad na makapag-uwi ng anumang tropeyo, nakakuha naman si Christian ng maraming nominations ’tulad ng Favorite Artist, Favorite Male Artist, Favorite Remake, at Favorite Media Soundtrack.

Nagpasalamat din si Christian sa nakuhang niyang nominations.

"I’d like to thank MYX. I’d like to thank the fans who made this nomination possible. Without them, I won’t be here," pahayag niya.

Ayon kay Christian, nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) bago magsimula ang MYX Music Awards 2012, wala raw siyang inilalagay sa isipan niya na anumang expectation ukol sa kanyang mga nominasyon.

"I’m just here to perform. Meet my friends. I’m not expecting anything.

"If I’ll get something, great. If I don’t get something, then the music goes on," sabi niya.

FIRST MONTHSARY. Magkasabay na kinausap ng PEP sina Christian at Carla kagabi.

Sa tanong kung "lucky charm" ba ang turing ni Christian sa date niyang si Carla, "I consider her a blessing," ang tugon ng binata.

Sunod na kinumusta naman ng PEP si Carla na unang nakilala at nakasama ni Christian sa kanilang Pan-Asian TV series na The Kitchen Musical sa Singapore.

Ayon sa dalawa, noong February 14, Valentine’s Day, mismo naging opisyal ang kanilang relasyon.

Ayon kay Carla, "The relationship’s going great.

"I mean, coming here to the Philippines so many times just to see him.

"I think just to strengthen also our relationship and spend more time together.

"There’s only so much you can do when you’re overseas.

"So, we kind of spend time together as much as we can."

Dumating daw muli sa bansa si Carla noong Lunes, March 12, at sa Biyernes, March 16, ay babalik na rin itong muli sa Singapore.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin itinanggi ni Carla ang naging pahayag noon ni Christian na kung mahahanapan niya ng trabaho ang girlfriend dito sa bansa, maaaring mas madalas itong mag-stay rito.

Ayon pa kay Carla, "Definitely nothing’s concrete yet but we’re looking for options.

"Hopefully in the near future, if everything goes well, I might be here."

Kumusta naman si Christian bilang boyfriend?

"Christian as a boyfriend, I think he has so much love for me.

"And very humbling to know how he looks up to me and how he looks up for my well-being," sagot ni Carla.

HIS FAMILY? Wala rin daw problema sa parehong pamilya nila ukol sa kanilang relasyon.

Ayon pa kay Carla," With his family, I love his family!

"I came from family that are all girls. So, meeting his family that’s all boys, except for his mom... his cool mom, with four boys in the house, it’s great.

"I love his family. They are very welcoming.

"Since the beginning, they are taking me in and make me feel me like I was part of the family.

"And likewise, my mom is sincerely getting along with him.

"I think because they see how well he takes care of me. And they like that."

LONG-DISTANCE RELATIONSHIP. Hindi naniniwala noong una si Christian na magwu-work ang long-distance relationship sa isang relasyon. Pero nabago raw yun sa sitwasyon nila ni Carla ngayon.

Ayon kay Christian, "Well, somehow I think we’re a testament that it can work pala with the right heart, feelings, and emotion—right love.

"So, before, I did not use to believe on it but love just takes over and we can do anything."

Nagulat pareho sina Christian at Carla nang ipaalala namin sa kanila na ngayong araw na ito ang first monthsary nila.

"I didn’t realized that! Yeah, that’s right!" natatawang sabi ni Christian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tila clueless naman si Carla sa "monthsary" kaya ipinaliwanag ito ni Christian sa kanya.

"We celebrate that here every month," paliwanag ng Filipino singer sa katipan.

Ayon kay Carla, sa kanila raw ay hindi naman nila sine-celebrate ang monthsary.

Pero tila natuwa ito na may ganoon dito sa Pilipinas kaya humirit ito kay Christian na, "So, it’s a celebration here in the Philippines? Okay, go!

"What are you gonna do to me tomorrow, huh?"

"It’s a surprise!" ang natatawang sagot naman ni Christian.

Nakangiting sabi naman ni Carla, "I’ll take your words on that."

PROUD OF CHRISTIAN. Halatang may pagmamalaki si Carla sa mga natamong tagumpay ni Christian sa kanyang karera bilang singer at aktor.

Ayon kay Carla, "I think receiving an award doesn’t necessarily matter in a time like this because it’s already his 10th year.

"And the fact that he was able to sustain his career that long in the industry... goes along his dedication and his love to the craft itself, I think, that already says a lot.

"If he wins an award, I think that would be amazing. If not, I think it’s not necessary.

"I’m already really proud of him. And to be here, to invite me, to share this night with me is really special."

Paano naman ang career ni Carla sa Singapore ngayong pabalik-balik siya doon at dito sa Pilipinas?

Aniya, "My career in Singapore is okay. That’s the reason why I have to fly back and forth.

"I’m here for a while and I have to fly back there for work.

"If all goes well and I get a job here, we’ll see."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN