Geoff Eigenmann admits relationship with Carla Abellana went through some challenges lately

"Marami kaming pinagdaanan these past months na nakatulong talaga sa amin and really made us stronger. Hindi naman yung relationship namin per se. But we’re tested as individuals and as a couple dahil nga sa mga pinagdadaanan namin. Little things lang but everything’s good. We’re happy and the relationship is pretty much going strong," says Geoff Eigenmannabout the status of his relationship with girlfriend Carla Abellana.


Photo by Monching Jaramillo


May ilang taon ding naging MYX VJ si Geoff Eigenmann kaya kahit nasa pangangalaga na ng Kapuso network ang young actor, hindi niya matanggihan ang imbitasyon ng music channel ng Kapamilya network para maging presenter sa MYX Music Awards 2012 kagabi, March 13, sa Music Museum.

Dumating din kagabi si Heart Evangelista, na ’tulad ni Geoff ay malaking bahagi ang pagsisimula ng kanyang karera sa pagiging MYX VJ.

Masayang kuwento nga ni Geoff, "I started with MYX noong 2004.

"Eksakto na yun din ang nag-start ako sa ABS. Yung mainstream showbiz talaga.

"I was part of MYX for three years.

"Sobrang saya! Actually, majority ng mga party sa MYX, halos wala akong maalala kasi lasing ako!" natatawa niyang sabi.

Dagdag pa ng Legacy actor, "Pero masaya. It’s always fun.

"Aside from all the artists being here, libre. It’s a free concert, free show.

"So, masaya talaga lalo na dito na nag-e-enjoy ang mga tao.

"Lalo na kapag MYX Mo kasi thousand and thousands of people are having fun, all enjoying," banggit niya sa mga pakonsiyerto ng MYX.

Naaalala pa ni Geoff na hindi raw niya inaasahan noon na magiging VJ siya.

Sabi pa niya tungkol sa naging karanasan, "It’s actually the last thing on my mind basically.

"Noong ano na kasi... when I started in ABS... since I was new, ginawa nila akong MYX celebrity VJ.

"And then, that was my first time doing a VJ stint.

"Nag-enjoy ako and then, in one of their shows, humirit ako na sobrang nag-e-enjoy ako dito sa MYX. Sobrang saya.

"Not only what I was doing in front of the camera... also behind. Nagparinig ako basically na sana tuluy-tuloy na ’to.

"Yun, kinuha nila ako and I was lucky enough to be part of MYX for a while."

Dugtong pa niya, "I’m thankful they invited me now as presenter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It’s good to be back and it’s nice to see everyone again. Kasi, welcome pa rin naman lahat."

HEART AND LOVI. Masaya rin si Geoff na ang gaganda raw ng natatanggap niyang feedback sa primetime series nila na Legacy sa GMA-7.

Bukod sa mataas na rating nito ay magagandang feedback din ang nakakarating sa kanya pagdating sa kanilang performances.

Ayon kay Geoff, "I’m very happy, very happy.

"Kasi, malaki ang ine-expect ng management, especially when it comes to the show.

"Kasi, mga artista pa lang, sobrang big names and it’s a reunion of me and Heart.

"Masaya kasi nasundan na naman ang tandem namin after such a long time.

"At saka matagal kaming hindi nagsama at inabangan pa rin ng tao.

"At saka hinahanap pa rin nila and it’s good na, up to now, it’s still accepted.

"May kilig pa kumbaga, may chemistry."

Ano naman ang reaksiyon niya sa mga positibong feedback sa acting niya?

Nakangiting sabi ni Geoff, "Actually, marami akong naririnig na ganoon.

"Even few directors I’ve worked with in the past, kahit hindi ko pa nakakatrabaho, minsan kapag nakikita ko sila, tinatawag nila ako sa corner.

"Like si Direk Lore Reyes, I saw him at my dad’s [Michael de Mesa] play at tinawag niya ako sa isang tabi.

"Sabi niya, he just wanted to congratulate me raw kasi ang laki na raw ng improvement ko—acting-wise.

"So, nakakatuwa na napapansin na rin after all these years in the business."

Silang dalawa ni Heart, ano ang pagkakaiba ng team-up nila ngayon?

"Wow! Marami... of course, you can say we’re more mature.

"Mas marami nang pinagdaanan. Mas malalim na.

"But working with her, pareho pa rin, e. Siya pa rin ang Heart na nakasama ko dati.

"We’re still comfortable with each other. Kahit ano napag-uusapan pa rin namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit na matagal kaming hindi nagsama, parang walang nangyari.

"Ano kami, it’s fun! Nag-e-enjoy ako."

Sabi pa ni Geoff, "Si Heart kasi, I can consider her as one of my favorite leading ladies."

Bukod kay Heart, si Lovi Poe ay love interest din ni Geoff sa Legacy. Kumusta naman sila?

Ayon kay Geoff, "Masaya rin. Si Lovi, never pa kaming nagkatrabaho.

"Pero okay kasi very first few scenes pa lang namin, kumportable na kami sa isa’t isa.

"Lalo na yung mga eksena namin, mga torrid kissing scenes talaga and all that.

"Okay naman, she’s very good, easy to work with. Napag-uusapan namin ang mga gagawin sa eksena.

"May mga suggestions kami. May mga napag-uusapan kami na good for our characters.

"At maganda kasi walang conflict. Friends sila ni Carla [Abellana, his girlfriend] and all that."

CARLA ABELLANA. Masaya ba siya na muling pumirma ang girlfriend niyang si Carla Abellana sa GMA-7 bilang isang Kapuso? Napabalita kasi noon na baka lumipat ang dalaga sa ibang network.

Sabi ni Geoff, "I’m very happy for her kasi natapos na yung problemang yun.

"For few months, for a while, medyo ano talaga siya... hindi niya alam.

"Hindi siya decided. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari.

"Hindi niya alam kung gusto siyang i-keep ng GMA o kung lilipat siya.

"At least ngayon, settled na yun. She’s at peace now.

"I’m happy that she’s with GMA kasi may chance na magkasama pa rin kami.

"And yes, I’m very happy for her."


DECIDED TO STAY A KAPUSO? Si kaso naman ni Geoff, ngayong buwan na ito mag-e-expire ang kontrata niya sa GMA-7.

Sa ngayon, wala pa raw final na napag-uusapan, pero malamang naman daw na Kapuso pa rin siya.

May plano na ba kung muli silang pagtatambalin ni Carla?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, kakasimula pa lang ng Legacy. Hanggang May pa kami, and there’s a possibility na mag-extend.

"Ngayon pa lang pinag-uusapan kung mag-e-extend."

Sila naman daw ni Carla ay masasabi niyang mas matatag ang relasyon nila habang tumatagal.

Ayon pa kay Geoff, "Marami kaming pinagdaanan these past months na nakatulong talaga sa amin and really made us stronger.

"Hindi naman yung relationship namin per se. But we’re tested as individuals and as a couple dahil nga sa mga pinagdadaanan namin.

"Little things lang but everything’s good.

"We’re happy and the relationship is pretty much going strong."

GINA AND MICHAEL. Ang mga magulang naman ni Geoff na sina Gina Alajar at Michael de Mesa ay masasabing magkaibigan na kumpara noon na civil lang ang mga ito matapos nilang maghiwalay.

Kasalukuyang nasa bansa si Michael habang nagti-taping para sa Valiente ng TV5.

"Good, di ba?" sambit ni Geoff.

"As any child naman, siyempre mas gugustuhin nila na buo ang pamilya nila.

"But it’s good seeing them talking already. Minsan nagdi-dinner together.

"My dad stays with my brother, si Ryan [Eigenmann].

"And my mom, madalas na nasa bahay rin ng kapatid ko kasi binibisita si Catalina," pagtukoy ni Geoff sa pamangkin na unang apo nina Michael at Gina sa anak na si Ryan at asawa nitong si Cathy Bordolba.

Dagdag pa niya, "We talk about basically everyday stuff.

"We’re back to Eigenmann’s family.

"It’s good kahit na, of course, temporary lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN