Zia Quizon wins Favorite New Artist at MYX Music Awards; dismisses comparison with half-sister Karylle

Zia Quizon on dad Dolphy’s condition: "Well, I guess, as far as I can say, I should reassure people that we’re taking good care of him naman. Whenever there is a pick up with his health, we get a check, we spare always on expenses for his health, because we wanna keep him as useful and exuberate as his spirit is. So, you know, his mind... his mind is so youthful. He’s the same old Dolphy. So, everyone should be reassured for that.&quo


Masayang-masaya si Zia Quizon sa natanggap niya na karangalan sa MYX Music Awards 2012 kagabi, Marso 13, na ginanap sa Music Museum.

Siya ang nanalo sa kategoryang Favorite New Artist, kung saan nakalaban niya sina Angeline Quinto, Ebe Dancel, Solenn Heussaff, at Somedaydream.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press si Zia kaninang tanghali, Marso 14, sa Rockville Restaurant sa Timog Avenue, Quezon City.

"One, really grateful na na-acknowledge ako in that way," sagot ni Zia nang tanungin namin kung ano ang reaksiyon niya sa kanyang pagkapanalo.

"I’m just really happy.

"Kasi, like I said, I grew up watching MYX Awards, so it’s just surreal to be part of this world.

"So, it’s really a good feeling."

Ang parangal na ito’y magsisilbing inspirasyon daw para sa dalaga, na gumawa ng mga bagong OPM songs, lalo pa raw at naging maganda ang pagtanggap ng mga tao sa kanyang debut album.

Ayon kay Zia, "I was really hesitant to enter showbiz, kasi hindi naman ako gano’n ka-showbiz as a person. ’Yong personality ko, hindi gano’n ka-outgoing or anything.

"So, I promised myself na if the album didn’t do well, hindi ko na ipu-force.

"If they don’t want to hear what I have to say, okay lang.

"So, it’s nice to know that people like what they hear from me.

"It’s very encouraging to keep doing good music."

BETTER THAN KARYLLE? Simula nang pumasok sa music industry si Zia ay hindi maiwasang ikumpara siya sa half-sister niyang si Karylle, na anak ni Zsa Zsa sa dati nitong asawa na si Dr. Modesto Tatlonghari.

Marami ang nagsasabi na mas gusto nila ang boses ni Zia kaysa sa nakatatandang kapatid nito.

"A, I don’t think so naman," pagtanggi ng 20-year-old singer nang tanungin kung tingin ba niya’y mas mahusay siyang kumanta kaysa kay Karylle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It’s just that, you know, we’re very different—we have different voices, I guess.

"My influences are more mas rock, RnB, and soul, and jazz.

"They are more of mga pop, ’yong mga birit na kanta, which is a different interpretation."

PROUD DOLPHY. Samantala, inalam din ng PEP kung nagkausap na sila ng kanyang ama na si Dolphy tungkol sa tagumpay na natanggap niya sa MYX Music Awards.

"He’s really happy for me," nakangiting sagot ni Zia.

"Well, alam naman niya ang feeling ng magka-award.

"Talagang I’m sure he knows, kasi ’yong isa kong award, piece lang ’yon sa lahat ng mga award niya.

"Pero he’s also very happy for me because he knows how hard... well, not just me, but my mom and my management, we all worked so hard.

"Especially we wanted to change the landscape of how people are accepting music nowadays."

DOLPHY’S HEALTH CONDITION. Kinamusta rin ng PEP kay Zia ang lagay ng kanyang ama na napapabalitang mahina na.

"Well, I guess, as far as I can say, I should reassure people that we’re taking good care of him naman.

"Whenever there is a pick up with his health, we get a check, we spare always on expenses for his health, because we wanna keep him as useful and exuberate as his spirit is.

"So, you know, his mind... his mind is so youthful.

"He’s the same old Dolphy.

"So, everyone should be reassured for that."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN