Piolo Pascual: "I don’t think there’s a reason para umalis ng Star Magic."

"Ayaw kong isipin at hindi naman siguro dapat isipin. I don’t think there’s a reason for that, para umalis ng Star Magic, kaya hindi ko po iniisip ’yon," says Piolo Pascual about past rumor that he’s transferring to another network.


Photo by Noel Orsal

Muling natanong ang matinee idol na si Piolo Pascual tungkol sa paglipat ng network sa ginanap na press conference para sa 20th anniversary ng Star Magic kahapon, Marso 14.

Ang Star Magic ay ang talent arm ng ABS-CBN, na matagal nang namamahala sa showbiz career ni Piolo.

Katulad ng dati, sinabi ni Piolo na wala siyang dahilan para maisip na lumipat sa ibang TV network.

(CLICK HERE to read related article.)

Aniya, "Ayaw kong isipin at hindi naman siguro dapat isipin.

"I don’t think there’s a reason for that, para umalis ng Star Magic, kaya hindi ko po iniisip ’yon."

Sa katunayan, kung puwede lang daw, sabi ni Piolo, "Sana dito na ako tumanda.

"Sobrang sakit siguro kapag dumating ang panahon na kailangan mong umalis.

"Pero sobra kasi dito ’yong family, e. Hindi na trabaho, e.

"It’s really personal na ang relationship mo, from Mr. M to Tita Mariole, down the line to the [road managers] to the handlers."

Sina Mr. M o Johnny Manahan at Mariole Alberto ang mga kilalang namumuno sa Star Magic.

Sa tinagal-tagal na ni Piolo sa Star Magic, malaki na raw ang tiwala niya sa mga taong namamahala nito.

Aniya, "I don’t see any reason why I should doubt that."

BEING A STAR MAGIC TALENT. Samantala, sa halos mahigit na 300 talents ng Star Magic, maituturing na isa sa mga pinakasikat na artista nito si Piolo Pascual.

Bagamat malaking pangalan na sa industriya si Piolo, sinabi niya na wala namang special treatment na ibinibigay sa kanya ang Kapamilya talent arm.

"Hindi naman ako na-pamper," sabi ni Piolo.

"Mayroon din pagre-rebuke, mayroon ding pagdidisiplina kasi parte ’yon ng growing up.

"Hindi ka naman magiging humble, hindi ka naman matututo kung hindi ka mapapagalitan, kung hindi ka natututo sa mga lesson na pinagdadaanan mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung puro pampering, lalaki ang ulo mo, hindi ka matututo.

"So, sa akin, what’s good about Star Magic is hindi ka nila tino-tolerate din.

"Hindi nila ito-tolerate ang paglaki ng ulo mo at they’ll keep you grounded.

"That’s what I like about our family, hindi siya showbiz."

Bukod sa pagiging humble, ipinapakita rin daw ng Star Magic ang pagiging displinado.

"The most important thing [you’ll learn] in Star Magic is discipline and humility.

"This is the more you’ll realize you’re not alone, you’re not isolated.

"More than having brothers and sisters, you have a family, you have a mom, you have a dad, and you have [road managers] and handlers who look after you and take care of you through thick and thin.

"Talagang makikita mo ’yong support group mo nandito.

"Para everything you ask for, hindi lang sa career mo kundi pati sa personal life mo, nandoon na," saad ni Piolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN