Arnold Clavio apologizes for using inappropriate words on his opinion about sexual harassment complaint against Azkals

"Nakakalungkot na may negatibong reaksyon ang naging pahayag ko tungkol sa Philippine Azkals kaugnay ng sexual harassment complaint ni Ms. Cristy Ramos. Wala po akong ganoong intensyon. Ang isyu po rito ay sexual harassment at kung may nagamit man po akong mga salita na hindi angkop, nagpapakumbaba po ako at humihingi ng pang-unawa," says GMA News anchor Arnold Clavio in a statement.


Naglabas ng maikling pahayag ang GMA News anchor na si Arnold Clavio kaugnay ng naging pahayag niya sa Unang Hirit kahapon, Marso 13, tungkol sa kinasasangkutang sexual harassment issue ng dalawang miyembro ng Philippine football team na Azkals.

May ilan kasing naging negatibo ang reaksiyon sa opinyon ni Arnold kaugnay ng isyung ito.

Kabilang ang aktres na si Angel Locsin sa nagbigay ng negatibong reaksiyon sa mga naging pahayag ni Arnold. Si Angel ay nababalitang kasintahan ng Azkals member na si Phil Younghusband.

(CLICK HERE to read related story.)

Humingi ng paunawa ang Saksi anchor kung may nagamit man daw siyang "hindi angkop" na mga salita sa paglalahad niya ng kanyang opinyon sa sexual harassment complaint ni Cristy Ramos laban kina Lexton Moy at Angel Guirado ng Azkals.

Pero binigyang-diin din ni Arnold na naninindigan siya laban sa sexual harassment dahil isa raw itong isyu na "dapat bantayan."

Narito ang kabuuang pahayag ni Arnold Clavio kaugnay ng isyung kinasasangkutan ng Azkals:

"Mga igan, nakakalungkot na may negatibong reaksyon ang naging pahayag ko tungkol sa Philippine Azkals kaugnay ng sexual harassment complaint ni Ms. Cristy Ramos. Wala po akong ganoong intensyon. Ang isyu po rito ay sexual harassment at kung may nagamit man po akong mga salita na hindi angkop, nagpapakumbaba po ako at humihingi ng pang-unawa. Dun naman po sa mga kasama kong nanindigan laban sa sexual harassment, maraming salamat po. Seryoso pong isyu ito na dapat bantayan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN