Rhian Ramos on her showbiz comeback: "Mas marami na akong maipapakita sa kanila ngayon."

Rhian Ramos says fans can expect a "new Rhian" in her showbiz comeback: "Bago. Mas marami na akong maipapakita sa kanila ngayon, and if they allow me, I just want to do... I want to do my best sa pinaka-passion ko which is acting. At saka ’yon, ’yon ang gusto ko ibigay sa kanila after...especially ’yong mga fans ko na sinuportahan ako throughout the time na nawala ako. ’Yon ang gusto ko ibigay sa kanila bilang pasasalamat ko—&a


Isang masaya at masiglang Rhian Ramos ang nakapanayam kagabi ng entertainment press.

Dumalo kasi siya sa event ng Selecta, kung saan pinakilala nila ang bagong ice cream product nila na "Magnum," at ang mga brand ambassadors nitong sina Tessa Prieto Valdes, Liz Uy, Raymond Gutierrez, Erwan Heussaff, at Solenn Heussaff.

Nagpaunlak si Rhian ng maikiling interview sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press na nandoon sa Whitespace, sa Chino Roces Avenue, Makati City.

Una niyang nabanggit na masaya siya sa mainit na pagtanggap ng mga tao sa pelikulang pinagbibidahan nila ni Aljur Abrenica, ang My Kontrabida Girl.

"Hindi namin in-expect na magiging gano’n ang reaction ng tao sa amin," masayang pahayag ng Kapuso actress.

"Kasi nag-partner na rin kami before, pero hindi siya katulad ng pagtanggap before na...wala, grabe talaga!"

Bukod pa rito, naging mas malapit din daw siya kay Aljur na itinuturing niya ngayong "good friend."

"Masaya," sagot niya nang tanungin namin kung kamusta katrabaho si Aljur.

"Especially during this movie, mas lalo kaming naging close. Kasi we had a teleserye before, pero during this movie parang wala, ibang klase closeness namin.

"He’s really a good friend now.

"Ngayon, mayro’n kaming voice application sa phone, tapos parang halos everyday na nga nagbo-voice application kami.

"It’s really fun!"

THE NEW RHIAN. Samantala, matatandaan na matapos ang kontrobersiyang kinasangkutan niya’y humingi si Rhian ng "a few weeks break" mula sa kanyang home station.

Ito’y kaugnay sa alegasyon ng kanyang ex-boyfriend na si Mo Twister, na diumanoy ipina-abort niya ang kanilang anak.

(CLICK HERE for related article)

Pero isang malaking pagbabalik ang ginawa ni Rhian sa showbiz.

Bukod sa kanyang pelikulang My Kontrbida Girl, nakabalik na rin siya sa kanyang regular shows na Manny Many Prizes, at Party Pilipinas.

Gagawa rin daw siya ng ilang episode sa Spooky Nights, at magsisimula siya ng isang pelikula sa Indonesia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masayang-masaya raw si Rhian na kahit matagal siyang nawala ay mainit pa rin ang pagtanggap ng mga tao sa kanya.

Kaya naman sa kanyang comeback sa showbiz, ano ang "Rhian" na aasahan ng kanyang mga tagahanga?

"Bago," nakangiting bulalas niya.

"Mas marami na akong maipapakita sa kanila ngayon, and if they allow me, I just want to do...I want to do my best sa pinaka-passion ko which is acting.

"At saka ’yon, ’yon ang gusto ko ibigay sa kanila after...especially ’yong mga fans ko na sinuportahan ako throughout the time na nawala ako.

"’Yon ang gusto ko ibigay sa kanila bilang pasasalamat ko—’yong pinaka best ko lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN