Ogie Alcasid backs wife Regine Velasquez’s reaction on negative comments about their son Nate on Twitter

Ogie Alcasid and Regine Velasquez are upset over undesirable comments about their baby Nate on Twitter. Ogie says, "I don’t understand why someone can say something like that about our son, ’di ba? Baby nga yun, e. Kami puwede niyo naman kaming sabihan ng kung anu-ano, huwag naman yung baby. Kawawa naman, walang kamuwang-muwang yun, e."


Photo by Noel Orsal

Ipinagtanggol ni Ogie Alcasid ang asawa niyang si Regine Velasquez na nag-react sa isang hater na nanlait sa kanilang anak na si baby Nate.

Sa presscon ng OPM2Go na ginanap sa Imperial Palace Suites sa Quezon City nitong Miyerkules, March 14, naikuwento ni Ogie na kahapon ng umaga lang daw niya nalaman na nasaktan nga si Regine sa nagkomento ng ’di maganda sa kanilang anak nang nag-post ang kanyang misis ng instagram ng kanilang baby.

Ito ang ilan sa mga tweets ni Regine; "Tiningnan ko yung instagram ko kanina, may nag comment ng, ’Pangit mo’ sa picture ni Nate. Sana para sa ’kin yun.

"Okay lang sa ’kin na laitin niyo ’ko, sabihin niyo pangit, mataba, baboy, baka at kung anu-ano pa.

"Okay lang ’yan sa ’kin pero ’wag naman si Nate.

"Kung pangit ang paningin niyo sa kanya okay lang din yun, pero sana ’wag niyo na ilathala pa.

"Alam niyo, marami naman ang namimintas sa ’kin.

"Hindi ako pumapatol kaya lang no’ng si Nate na, parang ang hirap naman palampasin.

"Bilang nanay siyempre proud ako picture...picturan yung anak ko. Feeling ko ang guwapo, siyempre anak ko, e."

Bandang huli ay parang huminahon na rin ang Asia’s Songbird (bansag kay Regine) at nag-tweet ito para humingi ng paumanhin sa mga binitiwang pahayag at nagpaliwanag kung bakit ito naging emosyonal at nag-react nang ganun.

Ayon pa rin sa tweet ni Regine, "Pasensiya na kayo naglabas lang ng sama ng loob.

"Gayunpaman God bless pa rin sa ’yo. Sana maging masaya ka sa buhay mo. Yun lang. ;-)

"Mga friends okay na. Super okay na ’ko. Thank you sa inyong lahat.

"At least ngayon alam ko nang marunong pala akong lumaban basta para sa family ko," ayon pa rin kay Regine sa kanyang Twitter account.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

OGIE’S SIDE. Naunawaan ni Ogie ang kanyang asawa dahil bilang ama ay ganun din daw ang kanyang naramdaman.

"You know my wife, her dedication to Nate...ibang klase," pakli ng singer-songwriter.

"Halos hindi na natutulog yun," patungkol niya kay Regine.

"Yung sensitivity niya as a mom and as my wife, is very high.

"And I understand where she’s coming from.

"And I don’t understand why someone can say something like that about our son, di ba? Baby nga yun, e.

"Kami puwede n’yo naman kaming sabihan ng kung anu-ano, huwag naman yung baby.

"Kawawa naman, walang kamuwang-muwang yun, e."

IGNORE THEM. Pinayuhan na lang daw niya si Regine na huwag na lang itong patulan.

"Sabi ko sa asawa ko, ’Alam mo ’pag ganyan, ang hirap ’pag papatol ka, e.’

"But, I think her sensitivity medyo lumamang yun. Naintindihan ko naman siya dun.

"Ang prinsipyo ko kasi, once pansinin mo ’yan, lumalaki lang, e.

"Ang sa akin, kaya yung ending ng misis ko, nilagyan niya ng, ’God bless you,’ which is good.

"I think gusto lang niya pangaralan yung tao at i-bless niya.

"Kasi yung ganyang mga tao, yung mga haters kulang ng pagmamahal, e, sa buhay nila. Tayo ’di naman dapat natin sila kamuhian.

"Dapat ipagdasal natin sila, para matutunan nila.

"Hindi yung makikipag-away ka rin, hindi tama yun.

"But then again, naintindihan ko ang misis ko dahil na-hurt siya talaga," saad nito.

MESSAGE TO HATERS? Gusto na ring iparating ni Ogie na magpaka-positive na lang at huwag nang intindihin ang mga negatibong komento laban sa kanila.

"Sa mga haters, mga bashers, siguro gaya ng sinabi ko, palagay ko mero’n lang silang mga problema sa buhay...sa sarili nila kaya sila ganun.

"I think it’s proven that most of the people who say negative things about other people think negatively about themselves.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, I’d like to say a little prayer for them, na sana let’s think of positive things.

"Hindi yung imbes na mang-away, mas gusto ko positive tayo lahat.

"Banggitin natin yun mga maganda. Alam mo yung epekto nun sa buong sambayanan, ang ganda!" nakangiting pahayag ni Ogie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN