Ken Chan admits to being starstruck working with Rhian Ramos; wants to follow footsteps of Aljur Abrenica, Dingdong Dantes and Dennis Trillo

Ken Chan (above) appreciates concern of Aljur Abrenica for other young stars: "Si Aljur po, sinasabihan po niya kami nina Jake Vargas, Enzo [Pineda] at Sef [Cadayona] na alagaan po namin ang katawan namin. Hindi kami dapat magpabaya. Work-out at tamang pagkain lang ang kailangan. Magkaroon daw ng disiplina sa sarili...Importante po raw kasi na alagaan namin ang aming katawan at hitsura dahil, sabi po niya, artista kami at dapat lang na tama yung nakikita sa amin ng mga kabataan


First movie ni Ken Chan ang My Kontrabida Girl ng GMA Films na kabubukas lang sa mga sinehan noong March 14. Nakatrabaho niya dito ang kanyang ultimate crush na si Rhian Ramos.

Aminado si Ken na na-starstruck siya noong makasama na niya sa ilang eksena si Rhian.

"Nahiya nga po ako sa kanya. Kasi ang ganda-ganda niya!"

Mangha pa si Ken nang ma-interview namin ito sa VIP screening ng My Kontrabida Girl sa Newport Cinema ng Resorts World Manila.

CRUSH ON RHIAN. "Wala pa ako sa showbiz, crush na crush ko na po si Rhian.

"Never ko na namang naisip na sa pagpasok ko sa showbiz, makakasama ko siya agad sa movie.

"Before, nakikita ko lang siya sa studio kapag nagge-guest siya noon sa Walang Tulugan With The Master Showman.

"Siyempre po, nakakahiyang lapitan siya.

"Noong mag-shooting na nga kami for My Kontrabida Girl, nakilala ko na siya nang husto.

"Yun nga lang po, sobrang starstruck ako!"

Maayos naman daw ang pakikipagtrabaho nila kay Rhian kahit na alam nilang meron itong pinagdaraanang problema. Very professional daw ang aktres pagdating sa kanyang trabaho.

"Kung may pinagdadaanan man po siya during the time na ginagawa namin yung movie, hindi po namin nakita ’yon, e.

"Cool sa set and she’s very nice to everyone.

"Nakikipagkuwentuhan siya sa amin at nakikipagbiruan pa.

"Makulit nga po sIya, e. Lagi naman po siyang masaya.

"Di po namin nakita na malungkot siya noong nagsu-shooting kami."

FUN WITH ALJUR. Kinatuwa rin ni Ken ang makatrabaho si Aljur Abrenica. Gumanap na siya bilang isa sa mga barkada ni Aljur together with Enzo Pineda, Kevin Santos at Sef Cadayona.

"Si Aljur po, sinasabihan po niya kami nina Jake Vargas, Enzo at Sef na alagaan po namin ang katawan namin.

"Hindi kami dapat magpabaya. Work-out at tamang pagkain lang ang kailangan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Magkaroon daw ng disiplina sa sarili.

"Nagbibigay po siya ng tips sa amin para sa pag-alaga at para gumanda lalo ang katawan namin.

"Tingnan n’yo naman po si Aljur, ang ganda ng katawan niya, alaga kasi.

"At grabe ang disiplina niya sa katawan! Pati po sa pagkain, ingat po siya.

"Importante po raw kasi na alagaan namin ang aming katawan at hitsura dahil, sabi po niya, artista kami at dapat lang na tama yung nakikita sa amin ng mga kabataan ngayon.

"Maganda raw yung maging role model kami sa mga kabataan."

BUSY ACTOR. Busy si Ken bilang isa sa mga tween stars ng GMA-7. Kasali siya sa Biritera, Walang Tulugan With The Master Showman at Reel Love Presents Tween Hearts.

Nakasama rin si Ken sa danserye na Time Of My Life last year.

Bukod nga kay Aljur, dream din ni Ken na masundan ang yapak ng mga idolo niyang sila Dingdong Dantes at Dennis Trillo.

"Si Kuya Dennis, katrabaho ko na ngayon sa Biritera.

"Isa siya sa mga idol ko noon pa. Mabait po siya at lagi naming nakakakuwentuhan sa set.

"Nakikita ko rin po na very serious si Kuya Dennis sa trabaho niya.

"Minsan nasa isang lugar lang siya at nagbabasa ng script.

"Kapag nag-take na, doon mo makikita ang husay niya. Mabilis niyang nakukuha ang hinihingi ng eksena.

"Parang, ’Wow! Ang galing naman!’ Nakakabilib siya!"

IDOLIZES DINGDONG. Sana naman daw ay susunod niyang makasama sa isang TV series or pelikula ay si Dingdong Dantes.

"Si Mr. Dingdong Dantes naman sana ang sunod kong makatrabaho.

"Nakakabilib ang mga achievements niya—hindi lang siya artista kundi marunong din siyang magkawang-gawa.

"One of the best role models siya talaga.

"Sana po makatrabaho ko siya soon," pagtatapos pa ni Ken Chan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN