Andi Eigenmann says she won’t stop her daughter from meeting her biological father

Andi Eigenmann on bringing up baby Ellie: "In the beginning, ’kala ko medyo mahirap pero siyempre enjoy na enjoy ako having Elle, kahit first time ko and I really, really want it. Gustung-gusto ko talagang gawin yung best ko for her, kahit yung effort ko, hindi ko iniisip na ganun kahirap. Excited din ako at siyempre gusto ko yung ginagawa ko and maybe that is the best way to make the job easy as a mother-that you don’t consider it as a chore."


Naging kontrobersiyal ang 21-year-old aktres na si Andi Eigenmann dahil sa maaga nitong pagbubuntis. Buong tapang niyang hinarap lahat ng akusasyon ng tao tungkol sa kanya at nairaos nang maayos ang kanyang mga pinagdaanan.

Ngayon, balik trabaho na uli ang batang aktres matapos niyang ipanganak ang kanyang firstborn daughter na pinangalanan niyang Adrianna "Ellie" Gabriellie.


Isa si Andi sa mga dumalo sa March 14 event ng Selecta Ice Cream na pinamagatang "The Magnum VIP Party" na ginanap sa Whitespace, Chino Roces Ave, Makati City.

Kitang-kitang na blooming at sexy si Andi Eigenmann, suot ang isang pink long gown nang rumampa ito sa red carpet.

Matapos ang event ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang press na makapanayam si Andi tungkol sa kanyang pagbabalik telebisyon at ito ang kanyang ilang pahayag:

Kamusta ang pagiging single mom mo?


"In the beginning, ’kala ko medyo mahirap pero siyempre enjoy na enjoy ako having Ellie, kahit first time ko and I really, really want it.

"Gustung-gusto ko talagang gawin yung best ko for her, kahit yung effort ko, hindi ko iniisip na ganun kahirap.

"Excited din ako at siyempre gusto ko yung ginagawa ko and maybe that is the best way to make the job easy as a mother—that you don’t consider it as a chore.

"Masayang-masaya ako ngayon, sobrang exciting, kasi girl pa siya, excited na excited ako to dress her up, sa mga party, di ba?

"Kahit minsan mahirap, dahil puyat and everything, kahit nakaka-stress dahil baby pa siya. Nag ko-concentrate ako sa fun part ng pagiging ina, hindi ko na lang iniisip na mahirap siya."

May pinagsisihan ka ba sa nangyari?


"Honestly, wala na po.

"Kasi if not for anything that happened in the past, I wouldn’t be where I am now.

"I’m really happy, very, very happy being with Elle and being given a second chance in my career, being seen in a different light, being heard a different way, being known as I really am.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masaya ako, I mean wala na akong regrets. Walang dahilan paramagkaroon ng sama ng loob, kasi masaya naman ako ngayon, e.

"And I believe now kung bakit hindi siya nangyari—because he is not for me."

So, wala ka na talagang contact sa father ni Ellie?


"Deadma! Masaya ako, hindi ko na siya kailangan, kumpletong-kumpleto na ako ngayon. Sorry!"

Bumalik na ang pagiging sexy mo. Ano ang sikreto at mabilis mong naibalik ang figure mo after giving birth?


"Siyempre hard work, sobrang dini-discipline ko yung sarili ko, para naman, to make sure na I am better [compared to what] I looked like before, para in some way, maipakita ko na deserve ko na bumalik sa career ko.

"Gusto ko ipakita na masaya ako at pagbubutihin ko yung pagbibigay nila sa akin ng second chance. Ipapakita ko na hindi sila dapat magsisi doon."

Ano yung best lesson na natutunan mo sa nangyari sa ’yo?

"Para sa ’kin, kung ano sa tingin mo yung tama, yun yung gawin mo, hindi mo dapat iisipin kung ano yung sasabihin sa ’yo ng iba.

"Dapat maging totoo ka lang and because of that, because I did something that I believe was right, everything fell into place and I am happier.

"I’m really, really happy. I wouldn’t have my life any other way."

Ano yung kakaibang Andi na aabangan ng mga fans sa pagbabalik-teleserye or sa movie mo?


"Siguro ngayon mas disciplined na ako, mas mature, siguro mas maipakikita ko na magko-concentrate na ako sa pagmo-mold ng sarili kong craft, mas maipakikita ko sa tao na hindi lang ako basta mukha sa telebisyon, pero meron din akong talent na tulad ng sa mga magulang ko."

Sinabi ng mom mo na si Jaclyn Jose na magkakaroon kayo ng project together.


"I don’t really know what to say kasi wala pang storycon, nag-meeting pa lang kami. Siguro yun pa lang masabi ko: na I’ll be doing a teleserye with her coming soon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

How does it feel working with your mom?


"I don’t know. Siyempre, at first ayaw ko po.

"Kasi siyempre mommy ko siya, e, parang medyo weird yun, family member mo, palagi mo siyang kasama sa bahay, tapos makakasama mo pa rin siya sa trabaho.

"Pero para sa akin, mom and I are okay, we’re close enough not to be scared or shy with each other. Kasi I don’t hide anything from her naman.

"Excited din ako, kasi, itinuturing ko ang mommy ko na isa sa mga pinakamagaling na aktres sa Philippine television, so I still consider it a challenge for me kasi makakatrabaho ko siya sa isang project."

Malayo pa, pero alam naming darating yung panahon na hahanapin ni Ellie ang kanyang tunay na ama. Are you ready for that?


"Of course, I thought about that. For me, all that matters [is] I’ll make sure my daughter will be complete.

"It’s okay for me if she looks for her father, it’s okay for her father to meet her, kasi it’s Ellie’s right, that’s my daughter’s right, so I’m fine with that.

"I’m 100 percent fine. And I’ll be happier, kasi di na ako mahihirapan sa pag e-explain sa kanya. Sasabihin ko sa kanya yung totoo.

"Naniniwala rin ako na pwede pa rin akong ma in-love, pwede pa rin siyang magkaroon ng daddy, kasi para sa akin wala sa biology yung daddy, e, kung sino yung tuturing sa kanya na anak, yun ang ituturing niyang daddy."

Meron na bang nagliligaw sa ’yo uli ngayong sexy at mas gumanda ka pa lalo?


"Wala pa naman, kasi ngayon, masyado akong nagko-concentrate kay Elle.

"Saka parang wala naman yatang tatanggap sa ’kin sa sitwasyon ko ngayon, kasi bata pa po ako, e, unless matanda na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya ngayon, di ko na iniisip na importante yun, I had Ellie na at a young age, e, next time na ako mag-worry about getting married and having a husband."

Is it okay for you to fall in love sa mas matanda sa ’yo or a mature guy?


"I believe that age doesn’t matter pagdating sa pag-ibig."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN