Angel Locsin defends boyfriend Phil Younghusband against Arnold Clavio’s comment that Azkals are not truly Pinoys

Angel Locsin on Arnold Clavio’s statement that Azkals members are not Filipinos because they grew up in a different culture; this could include her boyfriend Phil Younghusband: "Mas Filipino pa nga sa akin yun kung tutuusin. ’Tapos hindi pala siya Filipino sa tingin ng iba. Ang sakit. Ang sakit lang. Huwag naman sanang gano’n."


Nanlalamig pa ang mga kamay ni Angel Locsin nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos niyang tanggapin kagabi, March 14, ang kanyang tropeyo sa pagkapanalo ng best actress para sa pelikulang In The Name of Love sa 28th Star Awards for Movies na ginanap sa Meralco Theater.

Pagkatapos ng kanyang acceptance speech ay dumiretso si Angel sa back stage kung saan siya nakunan ng panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Nanginginig pa ako!" bungad niyang bulalas."Kinakabahan po talaga ako buong gabi.

"Kahit no’ng nagpi-present ako [ng nominees sa Best Actor category] wala ako sa ulirat kasi ninerbyos talaga ako dito.

"Kasi para po sa akin, ang gandang chance po nung In the Name of Love.

"Acting piece po, ’tapos yung istorya... sana-sana, yun po ang wini-wish ko," pagtukoy niya sa pangarap na makakuha ng acting award dahil sa pagganap sa nabanggit na pelikula.

"Pero nong nalaman ko kung sino yung makakasama ko [co-nominees] mga bigatin... Oh, my God!

"Sila Ate Judy Ann [Santos], Ms. Ai-Ai [de las Alas], si Anne Curtis, si Ate Uge [Eugene Domingo]. Sabi ko parang, ’Kakayanin ko ba?’

"Inisip ko na lang baka naman mero’ng...’I’ts a tie,’ or sana may ’and’ man lamang ako. Gano’n," masaya niyang kuwento kasunod ng pasasalamat niya sa Philippine Movie Press Club na siyang naggagawad ng Star Awards.

Magiging memorable raw kay Angel ang bago niyang award sa acting.

"Actually, pangalawang award ko pa lang po ito sa buong buhay ko.

"Yung isa po sa TV at galing rin sa PMPC at heto po ay sa movies na galing rin sa PMPC kaya nagpapasalamat po ako."

EARLY BIRTHDAY GIFT. Itinuturing ni Angel na paunang birthday gift sa kanya ang natanggap na award.

"Oo nga po, sa 23 [April] magbi-birthday na ako.

"Saka natutuwa ako dahil itong year na ito pang-10 years ko na sa show business.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Tapos sinasabi ko, naalala ko na sana kung susuwertehin ako, ’pag inabot ako ng sampung taon, sana makakuha naman ako ng acting award sa pelikula.

"Kasi naalala ko yung dati pag nagti-teleserye ako, dalawang pelikula ang ginagawa ko, e.

"Kaya sinabi ko kanina na, ’Thank you for making my dream come true.’ Kasi talagang dream come true ito," saad ni Angel.

Maliban sa ilang mahahalagang tao sa buhay at career ni Angel, kabilang siyempre si Phil Younghusband na siguradong padadalhan niya ng text message para ibalita ang kanyang pagwawagi.

Paglabas ng artikulong ito, natawagan o na-text na marahil nito ang kanyang boyfriend.

"Sasabihin ko sa kanya na, ’May trophy rin ako, ha? Akala mo ’kaw lang. ’Kala mo kayo lang!’" nangingiting sabi ng aktres.

Gustuhin man ni Angel na makasalo sa celebration ng kanyang pagkapanalo si Phil, nasa abroad pa raw ito.

"Sana nga po. Kaya lang uuwi pa lang siya, sa 21 [Abril] pa.

"Kasi ’di ba may laban pa sila sa Nepal. So, mga one month na rin yung alis niya.

"Sana. Sana...happy din ako para sa kanila doon," na ang tinutukoy niya ay ang pagwawagi ng team ni Phil sa laban nila abroad.

"Siyempre, nakaka-miss din," nakangiti niyang sabi ukol sa pagkawalay niya kay Phil.

Hindi raw nakikita ni Angel na magdudulot ng malaking pressure ang natanggap na award para sa susunod niyang mga proyekto.

"May award man o hindi para sa trabaho mo kailangan ibigay mo yung 110 percent mo.

"Itodo mo na kumbaga. Pero mas nakaka-inspire kung may nakaka-appreciate ng ginagawa mo.

"And mas magkakaroon ka ng lakas ng loob to explore different roles."

Habang nagtatagal ang aming panayam, hindi pa rin naalis ang panginginig sa kamay ni Angel dala ng saya sa pagkapanalo niya.

"Nanginginig pa rin ako, nandun pa rin yung nginig. Pero nakakangiti-ngiti na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Unlike kanina no’ng pagdating ko pa lang... kasi buong araw talaga akong ninenerbiyos. Kinakabahan ako.

"Gaya nga ng sinabi ko na umaasa ako na sana ma-appreciate yung talent, yung project.

"Kasi parang minsan ka lang mabigyan ng chance na mabigyan ng sobrang gandang pelikula na drama at magaling na director... I’m wishing talaga."

10th YEAR IN SHOWBIZ. Hindi pa makapagbigay ng kumpirmasyon si Angel kung kailan ang 10th year showbiz anniversary celebration niya.

"Umm, bini-verify pa lang namin exactly kung saan ako nagsimula noon.

"Like sa Click [youth-oriented TV show sa GMA-7].

"Ibe-verify lang kung anong month talaga. ’Pag na-verify na namin," paliwanag niya.

IN DEFENSE OF PHIL. Muli kontrobersiyal na naman ang grupong Azkals kung saan kabilang si Phil dahil sa mga batikos sa kanila ng GMA-7 news anchor na si Arnold Clavio.

Kinuwestiyon ng news anchor ang pagiging tunay na Filipino raw ng Azkals.

Hindi raw talaga mga Pinoy ang mga ito dahil lumaki ang mga sila sa ibang kultura kung saan sila nanirahan bago sila bumalik ng Pilipinas at naging miyembro ng national football team.

Ang inihaing sexual harassment complaint ni Match Commissioner Cristy Ramos laban sa dalawang Azkals na sina Lexton Moy at Angel Guirado ang nagbunsod kay Clavio para magpakawala ng maaanghang na statement laban sa buong koponan. (CLICK HERE to read related article)

Dahil doon nag-react sa kanyang Twitter account si Angel para ipagtanggol ang kasintahang si Phil Younghusband na member ng team.

Matagal nang sinasabi ni Angel na Pilipinung-Pilipino si Phil kahit nga lumaki ito sa ibang bansa kaya raw nasaktan ang aktres sa mga patutsada ni Clavio.

Kahit dapat ay tungkol sa pagkakapanalo lang ni Angel sa Star Awards ang naitanong sa kanya, kinunan na rin siya ng comment kaugnay sa mga statement ni Clavio.

"Kagaya ng sinabi ko, tingin ko talaga mabait sa akin si Tito Arnold. Mabait siyang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero yun lang, naawa lang ako dun sa tao," pagtukoy niya kay Phil.

"Nagpakahirap, nandun sa ibang bansa, lumalaban dala yung pangalan ng Pilipinas.

"Nakakalungkot lang na may ibang tao pala na hindi tanggap na Filipino sila, ’di ba?

"So parang nalungkot lang ako, naawa lang.

"Siyempre, pag nagki-care ka or nagmamahal sa isang tao at nakikita mong nasasaktan na sila... so, parang unfair naman yun."

"I’m sure hindi naman sinasadya ni Kuya Arnold yung statement niya.

"Siguro nadala lang or wala siyang masamang intensiyon.

"Pero siguro bilang journalist, maraming nakikinig sa kanya.

"So, kawawa naman yung ibang tao na wala namang ginagawang masama or kasalanan," at nadadamay ang ibig marahil tukuyin ni Angel.

Ano ba ang reaksiyon ni Phil sa naging comment ni Arnold.

"Actually, hindi ko siya kinakausap tungkol dito. Ako lang [ito]. Alam ko kasing masasaktan siya, e."

Nagkakausap daw sina Angel at Phil, pero hangga’t maari ayaw nilang maging sentro ng usapan ang mga issue sa grupo nito.

"May mga bali-balita siya, pero ngayon kasi ang focus niya talaga ay sa laban.

"Ayun, kawawa naman, proud na proud niyang nire-represent ang Pilipinas...

"Mas Filipino pa nga sa akin yun kung tutuusin. ’Tapos hindi pala siya Filipino sa tingin ng iba.

"Ang sakit. Ang sakit lang. Huwag naman sanang gano’n."

"Filipino sila. Hindi naman sila makakalaban sa ibang bansa kung hindi sila Filipino.

"Saka kawawa naman yung mga kapwa natin na nasa ibang bansa kung yung tatay nila o nanay nila ay ibang lahi, ibig sabihin hindi sila Filipino?

"Huwag namang ganon. Iki-clear ko lang yung mga sinabi ko kanina, hindi po kami magka-away ni Sir Arnold.

"Wala pong ano... Tingin ko mabuting tao siya. In-express lang niya yung [kanyang opinion].

Sa pagkakaalam ni Angel pasok sa finals ang Azkals.

Pagmamalasakit daw at pagmamahal kay Phil ang nagbunsod kay Angel para ipagtanggol ang kasintahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang hirap lang talaga na sinasabi ko kung ano yung nasa isip ko at mahirap rin na pumapatol ako sa isyu ng ibang tao lalo ’pag mahal ko.

"Pero ’pag isyu ko, usually, quiet lang naman ako," paliwanag niya.

NEW PROJECTS. Samantala, isang serye at dalawang pelikula ang naka-line-up nang gagawin ni Angel sa taong ito.

Yung isang pelikula ay makakasama niya raw sina Bea Alonzo, Toni Gonzaga at Angelica Panganiban.

Samantala, wala pa raw final cast ang kanyang proyektong teleserye.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN