Lovi Poe wins PMPC Best Supporting Actress award, wants to put relationship on hold

Lovi Poe wants to concentrate on more film projects after winning the Best Supporting Actress award from the PMPC. Lovi was nominated in two categories, Best Actress for My Neighbor’s Wife, and Best Supporting Actress for Yesterday, Today, Tomorrow. Before the winners were called, Lovi says she was really hoping to bag any of the two awards. "I know it’s cliché, but yung ma-nominate lang, lalo kung mga magagalin


Halatang excited at masaya si Lovi Poe nang salubungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa lobby ng Meralco theater kagabi, kung saan ginanap ang 28th PMPC Star Awards for Movies.

Dalawang nomination ang nakuha ni Lovi... Best Actress para sa My Neighbor’s Wife, at Best Supporting Actress para naman sa Yesterday, Today, Tomorrow.

"I’m very thankful na kahit papano, ’yong performance ko sa mga ginawa kong movies last year, na-appreciate."

At that moment, hindi man siya nag-i-expect, aminado ang aktres na talagang nagwi-wish siyang manalo.

DOUBLE NOMINATION. At hindi na raw mahalaga kung sa Best Actress o sa Best Supporting Actress category man siya palaring magwagi.

"I know it’s cliché, but... yung ma-nominate lang, lalo kung mga magagaling na artista yung kasama mong nominees, parang masaya na ako do’n.

"I can’t ask for anything more than that."

Bihirang artista ang nagkakaroon ng double nomination during awards season. Patunay na angat na angat na talaga ang kalibre niya bilang bagong usbong na mahusay na aktres.

"Naks!" napabungisngis si Lovi.

"Hindi naman. Siguro inspired lang talaga ako.

"At nagpapasalamat ako sa tiwalang patuloy na ibinibigay sa akin, kada magandang project na gawin ko.

"Happy at thankful naman ako about the roles na ibinibigay sa akin."

Saan ba siya humuhugot ng inspirasyon niya sa ngayon?

"Inspired lang ako sa trabaho ko. And it’s nice to do something na may maganda kang nakukuha.

"And...’yong inspirasyon ko comes from people who made me laugh at kahit from those who made me cry din.

"Kasi without them, I won’t be able to express myself.

"So... ’yon!"

ACTING AWARD. Nang tawagin na si Lovi bilang winner ng best supporting actress award para sa mahusay niyang pagganap sa Yesterday, Today, Tomorrow, hindi agad siya nakatayo sa sobrang tuwa at pagkagulat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanggang sa matapos ang kanyang acceptance speech at makababa ng stage and even after the awards night, parang hindi pa rin nagsi-sink in sa kanya na nanalo nga siya.

"Ano naman ’yon, e... hindi siya agad-agad magsi-sink in.

"It will take some time. Hindi pa rin ako makapaniwala."

Dahil sa napanalunang award, mas magiging inspirado kaya siyang magtrabaho?

"Of course naman, every time naman, I get really inspired.

"Hindi lang naman dahil sa award kung hindi in every project na ibinibigay sa akin.

"At sinuwerte naman ako. They always give me good roles.

"And I’m very thankful na pinagkakatiwalaan nila ako ng gano’ng mga klase ng proyekto."

NETWORK TRANSFER. May offer nga ba sa kanya ang Kapamilya network kapag natapos niya ang Legacy?

"I still have my contract sa GMA. I still have one year pa."

So may isang taon pa para pag-isipan niya if she will remain a Kapuso star o maging Kapamilya?

"No. I’m happy naman, I’m thankful naman.

"Focused ako sa Legacy. And... happy naman ako!"

LOVE LIFE. Sobrang suwerte siya sa kanyang career right now. How’s her love life?

"It’s fine. I keep it on hold. I think it’s best that I work first.

"And... maganda yung napupuntahan ng trabaho, e."

RELATIONSHIP WITH RONALD SINGSON. Hanggang sa ngayon, malaking katanungan pa rin sa marami kung nagkabalikan ba sila ni Ronald Singson.

Parang hindi naman daw kasi naputol ang relasyon nila.

"No! No! We’re... uhm, friends.

"Yes, of course! I want to keep the friendship between us.

"There’s no way naman that I can just throw away that friendship... or whatever relationship it was."

When was the last time na nagkita sila ni Ronald?

"Lagi kaming nagkakasama sa mga events.

"Because... ’yong friends ko, friends din niya. So... same circle of friends kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RECONCILIATION. Bakit nga ba hindi nagkaroon ng pagkakataon na magkabalikan sila? Siya ba ang may gusto na huwag na?

"Yeah. Kasi ano, e... for me, it’s important to focus muna sa work.

"Kasi, uhm... this is all I have. This is what I need to focus on... my work.

"For me naman to be able to enter into something, I should be stable for myself.

"Kailangang nakakatayo ako sa sarili kong paa.

"Hindi naman puwede ’yong... enjoy-enjoy na lang.

"You have to really work. And iyon nga ang focus ko ngayon... magtrabaho talaga."

RONALD’S NEW GIRLFRIEND? May tsismis din lately na ang bagong girlfriend daw ni Ronald ay ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Jamila Obispo.

Okey lang ba na magkaroon ng bagong karelasyon si Ronald?

"I don’t know.

"Well, you know... matagal na rin naman ’yon [ang dati niyang relasyon kay Ronald].

"And of course, marami na rin naman tayong ano... napagdaanan.

"It’s okay."

She won’t get hurt?

"No. I think I’ve done my part na... ayon, okey na."

NO REGRETS. May panghininayang ba siyang nararamdaman sa nangyari sa kanila ni Ronald?

"No... because for me naman kasi, it’s very easy to go to... to enter into another chapter.

"It’s not gonna be hard for me."

Open na ba siya to another relationship?

"No. I just wanna work. Kasi marami ngang magandang kinapupuntahan yung trabaho ko ngayon."

Does she go on dates?

"Yeah!"

NEW SUITORS. Does she also entertain suitors right now?

"I do."

Gusto niyang mag-focus sa work. Pero bakit nag-i-entertain siya ngayon ng suitors?

"Wala. I mean, it’s not like ano... there are times naman you have to have fun. Na... hang-out hang out lang."

Among her suitors ngayon, may nakikita ba siyang puwedeng maging boyfriend kapag nag-decide siyang makipagrelasyon ulit?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well... of course, may mga masasabi naman ako na I enjoy hanging out with.

"Pero huwag na lang nating pag-usapan."

Non-showbiz daw ang karamihan sa mga manliligaw niya ngayon. Mas type niya na hindi artista o kilalang personalidad na lang para mas tahimik?

"Yeah. And you know with me kasi... it’s never quiet. Hindi ko alam kung bakit. Ha-ha-ha!"

Pero hindi naman mangyayari na baka meron na pala siyang bagong boyfriend at inililihim lang niya?

"No... no... no!

"Hindi ko ililihim sakaling meron."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN