Jake Cuenca bags Best Supporting Actor trophy at the 28th Star Awards for Movies

Jake Cuenca, who won Best Supporting Actor in the recently held 28th Star Awards for Movies, says the recognition compensates for his zero love life.


"Nahulog ako talaga sa upuan ko!"

Ito ang natatawang ikinuwento ni Jake Cuenca nang hingin namin ang kanyang reaksyon sa pagkapanalo niya bilang Best Supporting Actor para sa pelikulang In The Name Of Love, sa katatapos lamang na 28th Star Awards for Movies.

Naka-tie niya sa naturang kategorya ang aktor na si Baron Geisler na gumanap sa pelikulang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press si Jake nang humabol siya kagabi, Marso 15, sa Magnum event ng Selecta Ice Cream na ginanap sa Whitespace, sa Chino Roces Avenue, Makati City, pagkagaling niya sa awards night.

Pagpapatuloy ni Jake, "Kasi ang bigat ng kalaban, I didn’t expect it, and I’m just so honored, first award, first acting award ko ’to.

"It’s always been nominations, ’yon nga sabi ko, e, good things happen to those people who wait.

"Grabe, thank you so much PMPC, thank you Direk Olive Lamasan, maraming salamat Star Cinema, Tita Malou [Santos] and the rest of you guys, thank you so much!"

Hindi raw niya akalain na magwawagi siya para sa naturang kategorya dahil sa mga "heroes" daw ang kanyang mga nakalaban.

Ang ibang nominado para sa Best Supporting Actor ay sina Art Acuña (Niño), Tirso Cruz III (Deadline), Jake Cuenca (In The Name of Love), John Regala (Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story), Phillip Salvador (Ang Panday 2), at Dennis Trillo (Yesterday, Today, Tomorrow).

Ngayong nasungkit na niya ang best supporting actor award, magiging inspirasyon na raw niya ito upang pagbutihin ang kanyang trabaho, at sakali’y makuha naman ang best actor award.

"Well, we’ll aim for that," pag-amin ng Kapamilya actor nang alamin namin kung ang best actor award na ba ang kanyang gustong makuha sa susunod na taon.

"This year, I think it’s a good year, ’yong mga proyektong ginagawa ko ngayon quality. Talagang ngayon ang target ko this year, quality projects.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I just want to do my best, and like I said, ’yong nomination lang ang laking bagay na sa akin no’n.

"Kasi you know, for 8 years hindi ako nano-nominate, and on my 9th year going on 10th year in showbiz, nano-nominate na ’yong mga ginagawa ko.

"So, itong award, ang laking bagay, maraming-maraming salamat, sa mga taong naniwala sa akin, maraming-maraming salamat!"

CHALLENGING ROLES. Matapos niyang matanggap ang naturang parangal, mas gusto pa lalo ni Jake na makakuha ng challenging roles.

Ani Jake, "This year parang I want to better my craft, gusto kong mas gumaling sa pag-arte ko.

"The only way to do that is to challenge myself with difficult roles, and that’s what I’m gonna do.

"What I want to do this year is tackle roles, ’yong hindi ako, ’yong hindi ’yong personality ko.

"So, parang In The Name of Love, hindi talaga ako ’yon, e, true enough I won an award for that movie.

"So, I want to do roles na ibang-iba sa akin."

SINGLE AND HAPPY. Samantala, kung maganda ang takbo ng career ni Jake, ay gano’n naman ang ikinatahimik ng kanyang love life.

Isang taon na rin nang maghiwalay sila ng dati niyang nobya na si Melissa Ricks.

Gayunman, masaya naman daw si Jake na maging single, lalo pa’t ngayon ay nanalo siya ng isang acting award.

"I think naco-compensate siya," natatawang sinabi ni aktor.

"At the same time I just want to focus on work right now.

"Then, katulad nga ng sinabi ko, when I find that right person, again, I’m ready.

"Masasabi ko, I’ve learned my mistakes, alam ko na pagkakamali ko, alam ko na rin paano... parang feeling ko nag-mature na din ako with just one year being single.

"So, I think in my next relationship, it’s going to work out."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibig sabihin ba’y mas masaya siya sa kanyang single life?

"Hindi naman," pagtanggi niya.

"Masaya rin talaga na magkaro’n ng girlfriend, ng isang taong minamahal.

"Pero, itong mga bagay, tulad ng nangyari ngayon, hindi na mahirap maging single kung ito naman ang nangyayari. So, okay na din, pagbubutihan ko na lang.

"’Tsaka binigyan din ako ng ABS-CBN ng napakagandang soap opera, Kung Ako’y Iiwan Mo, so excited ako for that.

"Ang gusto lang namin sa set namin, ’yong pinaghihirapan namin ’yong soap, gusto lang namin makita na ng tao, at ma-appreciate na ng tao ’yong ginawa namin."

ON MELISSA. Hindi na rin naka-iwas si Jake nang hingin ang kanyang opinyon tungkol sa balita na dine-date ni Paul Jake si Melissa.

Nakangiting sinabi ni Jake, "ayaw ko na masyadong mag-comment about that. Basta I’m happy for the both of them.

"Gusto ko lang din maging masaya si Mel [palayaw ni Melissa].

"Knowing naman na she’s dating someone and she’s happy, I’m good.

"Basta I know she’s happy, I’m happy for her."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN