Sam Concepcion considers I Do Bidoo Bidoo his biggest break: "Musical movie siya na hindi pa nagagawa. It’s something new."

Sam Concepcion gets his biggest break in the movie, I Do Bidoo Bidoo, where he is top-billed with big stars like Ogie Alcasid, Eugene Domingo, Gary Valenciano and Zsa Zsa Padilla.


Last Monday night at MYX Music Awards ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sam Concepcion na isa sa mga nominado sa kategoryang Favorite Male Artist at Favorite Myx Celebrity VJ.

Kinamusta kaagad namin si Sam tungkol sa pelikulang sinu-shoot niya ngayon, ang I Do Bidoo Bidoo.

"Okay siya, masaya. Iba siyang movie. It’s a musical.

"Gumagawa ka ng dialogue pero minsan, may pagka-music video.

"Tungkol sa mga kanta ng Apo Hiking Society pero, kami ang kumakanta sa movie."

Kumusta siya sa set bilang anak nina Ogie Alcasid at Eugene Domingo na parehong mga komedyante?

"Oo nga e. Sobrang saya na maka-trabaho ko sila!

"Just to be given an opportunity na makapag-trabaho ka with Ms. Uge [palayaw ni Eugene], Tito Gary [Valenciano], Kuya Ogie, Ms. Zsa Zsa [Padilla]... iba, e.

"Iba yung feeling. I feel really blessed, at malaking challenge talaga ang movie na ito para sa akin at sa mga stars.

"It was such a great learning experience; napu-push ko ang sarili ko to even further dedicate my time in putting words into the script and song.

"Yun... sobrang saya rin to be working with Direk Chris Martinez."

BIGGEST BREAK. Ayon kay Sam ito raw ang biggest break niya.

"Oo...masasabi kong biggest movie ito na ginagawa ko.

"The stars I am with tapos, directed by Chris Martinez pa. Ako pa ang bida as son.

"Musical movie siya na hindi pa nagagawa. It’s something new. Malaking project siya.

"Sometimes I say to myself, nakaka-overwhelm, but thankfully with everyone’s support, mas na-e-enjoy ko siya."

CONCERT WITH CHARICE. Sa huling concert ni Charice Pempengco sa Araneta Coliseum, isa si Sam sa mga naging guest nito.

Bukod kay Sam, nakasama rin nila ang ibang lumahok sa Little Big Star na pinagmulan nila ni Charice.

"Iba ang feeling noong nandoon ako sa stage. Tapos nandoon din si Ralph [Salazar] at Makisig [Morales].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Yung Little Big Star na batch [namin], kahit isang song lang siya, kahit isang mabilis lang na number, parang iba yung moment.

"And the moment was more para sa amin.

"Who would have thought na after nine, ten years, parang we’ll be back na magkakatabi na ulit kami and singing a prod number.

"When I was singing, iba yung feeling. Ine-enjoy ko talaga!"

Isa si Sam sa nakakilala at nakasama ni Charice noong nagsisimula pa lamang. Maraming isyu kay Charice ngayon—nagbago na raw ito, yumabang o lumaki na ang ulo.

"Nagbago? Siguro, kasi kapag sinabing nagbago, merong second, automatic connotation na negative.

"Nagbago—pero siyempre, with her status kasi, she has more challenges, responsibilities...

"Siguro when you’re there, so many things are going on around you.

"It really takes a strong person to overcome things on that level.

"So, marami siyang pinagbago as a person.

"I think, mas kilala na niya ang sarili [niya]. She’s stronger.

"Kailangan malakas ang character [mo] to be able to survie in the limelight."

Hindi rin naman daw kasi sila masyadong nagkakasama ni Charice.

"We don’t really get the chance to converse and catch up.

"But in the short time we spent on stage and backstage, I can still see the same Charice na nag-start sa Little Big Star who worked so hard to get to where she is right now.

"You can still see the same Charice who loves her family, her music and her fans.

"Alam mo yun—siguro, kahit ano’ng fame, kahit ano ka pa, kahit sabihin mo pang yumabang ka, nandoon pa rin ang part of you na you’re still doing it naman because you love what you do.

"Para sa pamilya o kung anuman ang pinaglalaban mo."

NOT ENOUGH PROMO. Isa pang isyung lumalabas ay ang hindi raw masyadong naging ganoon karami ang nanood sa concert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinasabing ang kawalan ng promo ng concert ang diumano’y dahilan kaya hindi ito masyadong dinayo ng tao.

"Hindi ko alam. Kasi, masyado akong nag-e-enjoy sa number.

"But I think, it was a successful concert. Malakas din ang sigawan ng mga tao."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN