Mike Tan is pleasantly surprised to be paired with talented and sexy actresses: "Nakakatakot na nakakabigla. Kay Carla [Abellana] pa nga lang, nagulat na ko, tapos, Lovi [Poe] pa!

Mike Tan feels blessed bagging two projects with the Kapuso network. He gets to work with veteran actor/director Eddie Garcia, and four beautiful and talented actresses: Carla Abellana, Lovi Poe, Heart Evangelista, and Alessandra de Rossi.


Halos hindi nababakante si Mike Tan dahil sunud-sunod ang mga projects niya sa Kapuso network.

Pagkatapos ng Kung Aagawin Mo Ang Langit, nag-overlap pa ito sa ginagawa niyang primetime series na Legacy.

Malaki ang pasasalamat ni Mike dahil sa mga nangyayaring ito sa kanyang career na kanyang ibinahagi sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Unang-una sa lahat, nagpapasalamat ako sa Diyos kasi, sobrang saya.

"Happy ako sa lahat at sana, huwag mahinto. Kasi, naranasanan ko na rin ang tumigil.

"At ako naman, pinagbubutihan ko ang trabaho ko para magtuloy-tuloy na siya at hindi ko na mapakawalan.

"Pinapatuloy ko rin ang pag-aaral ng craft ko para at least, kahit paano, maiayos ko ang trabaho na binigay sa akin.

"Pero yung pakiramdam, masayang-masaya."

CURRENT PROJECTS. Si Mike ang gumaganap sa role na Third. Kumpara sa role niya noon sa KAMAI, sa Legacy ay may pagka-tuso raw talaga ang character niya.

"May pagka-tuso talaga si Third. Ang posisyon niya sa Legacy ay head ng sales.

"Kadalasan, kasama ko rito si Direk Eddie Garcia.

"Akala mo sobrang tahimik, pero yun pala ang kulit."

Unang pagkakataon lang daw niyang makasama ang beteranong aktor at director na si Eddie Garcia at malaking bagay raw yun para sa kanya.

"Yung maka-eksena mo lang siya, ang dami mo nang matututunan.

"Nakakatuwa rin kapag nag-e-edit siya ng script.

"Kahit anong mangyari, hindi niya papakawalan yung Eddie Garcia at the same time, papakita niya pa rin sa ’yo na si Eddie Garcia siya."

METAMORPHOSIS. Hindi ba siya nailang ka-eksena ang beteranong actor at director?

"At first, sobra! Pero noong tumatagal na nakakapag-usap kami, sobrang bait pala ng taong ito.

"Wala na akong masasabi."

Natutuwa naman daw siya sa mga feedback na natatanggap kahit sa ilang bosses ng GMA-7 sa ipinapakita niyang performances.

"Lahat naman sila, lahat naman sila na natatanong ko, masaya sila sa napapanood nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakikita nila ang pagbabago ng character from Jonas to Third.

"Nakita nilang talaga ang pagbabago.

"Sa isang sobrang bait na tao na mahal na mahal ang asawa na nalilito lagi, sa isang firm decision-maker na si Third, na company boy.

"Nakikita nila ang pagbabagong yun."

LEGACY. Naging madali ba ang characterization niya sa role niya sa Legacy?

"At first hindi. Kasi noong ginagawa ko ang KAMAI, ginagawa ko na ang Legacy.

"Hopefully ngayon, mas gamay ko na siya at mas mabibigyan ko pa ng justice ang role ko."

Pakiramdam ni Mike, sinusuwerte siya na ang magkasunod na drama series niya ay pawang magaganda ang reviews.

"Ako talaga, I’m very thankful na palagi akong nalalagay ng GMA sa sobrang gagandang shows.

"Hindi ko alam kung papaano ko ipaaabot sa kanila ang pasasalamat ko.

"Kasi yung Kung Aagawin Mo Ang Langit, sobrang ganda ng istorya.

"Yung Legacy, sobrang ganda rin, star-studded at ang gagaling ng mga artistang kasama mo.

"Hindi pupuwedeng hindi ka matuto kapag kasama mo sila.

"Makikita mo ang iba’t-ibang klase ng atake ng pag-arte, pagbitaw ng dialogue."

ON WORKING WITH LOVI POE. Ang love interest ni Mike sa serye ay si Lovi Poe. Kumusta naman silang dalawa?

"First time kong nakasama si Lovi. Kinakabahan ako noong una. Siguro ganoon talaga kapag bagong ka-trabaho.

"Medyo intimate scene rin kapag magkasama kami.

"Pinaramdam niya sa akin na trabaho lang ’to, ’Huwag kang mailang dahil ako, gagawin ko lang ’to bilang artista.’

"Na ’Huwag kang mahiya, artista tayong parehas. Gawin natin ’to.’

"Ganoon yung naramdaman ko."

Hindi naman itinatanggi ni Mike na may non-showbiz girlfriend na siya. Pero, tinanong pa rin namin siya kung attracted at naseseksihan ba siya sa leading lady niya?

"Oo naman."

"Hindi naman maitatanggi na sexy siya, maganda siya.

"Sa ngayon, siya ang pinaka-hot. Parang lahat din nasa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa totoo lang, ang bait niya, e. Nababaitan ako sa kanya. Yun ang nakikita ko sa kanya.

"Sa lahat ng tao, sa staff, mga artista. Tapos very soft-spoken.

"Actually, tingin ko, pinaka-sexy yung boses niya. Parang bedroom voice.

"Sobrang lakas ng dating sa akin. Sobrang hinhin pa niyang magsalita."

KISSING SCENE. Kumusta naman ang kissing scene nila?

"Kasi yung kissing scene—baka kasi kapag sa akin nanggaling, medyo off?

"Pero ipinaramdam niya sa akin na hindi ako dapat mailang sa kissing scene na yun.

"Kasi noong una, nahihiya ako dahil kahit na anong mangyari, babae pa rin siya, ’di ba?

"Malaki ang respeto ko sa mga babae.

"Ayoko namang biglang i-take advantage kung ano ang hinihingi ng role.

"Gusto ko muna siyang kausapin at tulad nga ng sinasabi ko, artista kami parehas, trabaho lang.

"Pero bago ko pa gawin yun, naipakita na niya sa akin kaya mas naging kumportable ako."

Natuwa ba siya nung nalaman niya na si Lovi Poe ang love interest niya sa Legacy?

"Nagulat!" ang kaniyang sagot.

"Sa totoo lang, nagulat ako! Parang, whoa! Biglang naging Lovi!

"Nakakatakot na nakakabigla. Kay Carla [Abellana] pa nga lang, nagulat na ko, tapos, Lovi pa!

Nandiyan pa si Heart [Evangelista], Alessandra [de Rossi], nakaka-overwhelm yung mga artista, lahat magagaling."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN