Lovi Poe admits to flying to Cebu resort with ex-boyfriend Ronald Singson; she says they remain "friends"

Lovi Poe’s career is blooming. She has been reaping acting awards and was recently featured in an international magazine. Lovi would have wanted to share her blessings and recognitions with her father, the late Fernando Poe Jr. "Kumbaga, siya naman ang rason kung bakit ako may sadness," she says.


Hindi nasayang ang pagod ni Lovi Poe sa pagdalo niya sa kakatapos na Star Awards for Movies nitong nakaraang Miyerkules na ginanap sa Meralco Theater.

Nakuha niya ang tropeyo sa pagka-best supporting actress para sa pelikula niyang Yesterday Today Tomorrow.

Inilahad ni Lovi sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kasiyahan niya sa natanggap na award at kung ano ang pinagdaanan niya sa pelikula dahilan para ma-appreciate niya nang husto ang pagkakapanalo.

"Kasi isa yun sa mga parang kinabahan ako sa pelikula.

"Kasi after kong mag-dubbing, parang nalungkot ako, parang hindi ko nagawa yung best ko.

"Kasi ganun ako e, parang I’m my own worst critic.

"Pag pinapanood ko ang sarili ko, parang nadi-disappoint ako. Parang ganun ako lagi.

"But then nung binigyan ako nito [trophy] for that movie, nagulat [ako] and thank you so much!"

Tatlo na ang best actress awards ni Lovi at ang napanalunan niya sa Star Awards ay ang kauna-unahan niyang best supporting actress award.

MOVIE WITH NORA AUNOR. Noong matanong si Lovi tungkol sa napabalitang pagsasama umano nila ng Superstar na si Nora Aunor sa pelikula, nag-isip ang award-winning actress.

"Hindi ko alam... hindi ko alam kung ano yung balita about that.

"Pero may mga naririnig ako na something na ganon.

"May pinag-uusapan pero nothing is final yet.

"Pero just in case I would be given the opportunity, I would love to share the screen with her.

"Kasi isa naman sa mga pangarap ng lahat ng tao na makasama siya.

"Nakakakaba lang talaga siyempre."

LIKE FATHER, LIKE DAUGHTER. Sa paniniwala ng marami, unti-unting naiaangat ni Lovi ang sarili bilang anak ng yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr.

Kahit wala na sa industriya ang kanyang ama, pinagsumikapan ng drama actress na ma-recognize ang husay niya sa pag-arte.

"You know, kahit masakit na wala na dito ang Dad ko, I think yun naman ang reason kung bakit wala siya dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman ako makakaarte or makakaiyak kung nandito pa siya.

"Kumbaga, siya naman ang rason kung bakit ako may sadness.

"Yun ganun. I think... I think, I can say, I found happiness and my sadness."

ESQUIRE. Kapansin-pansin na maganda ang unang quarter ng taon kay Lovi dahil bukod sa maganda ang rating ng soap niyang Legacy sa GMA-7, na-feature pa siya sa Mexican edition ng Esquire magazine bilang isa sa pinaka-seksing babae sa mundo. At ngayon ay may best supporting actress award pa siya.

"Happy naman ako dahil it’s something I do... kasi seryoso naman ako sa craft na ito when it comes to acting.

"So, I’m glad na na-appreciate yun, at yung mga pa-effect [ang papuri ng Esquire].

"Happy naman ako on that part."

STILL FRIENDS. Walang maturing na sinuman si Lovi na pag-aalayan ng kanyang award dahil para daw sa lahat ito ng mga taong nakatulong sa kanyang career.

Gusto sana naming tukuyin si Congressman Ronald Singson pero umiiwas ang aktres na magsalita tungkol dito.

Sa kapipilit na alamin namin ang mga kaganapan ngayon nila ni Ronald, umamin naman si Lovi sa bandang huli.

"Oo, nagkikita kami pero bilang kaibigan lang.

"Hindi naman puwedeng i-throw away yung friendship na ganun-ganun lang.

"Of course, it’s so important that we remain friends."

"Nothing ano... kasi sobrang happy na ako na single muna, ganito lang muna.

"Focus muna dito habang hindi pa ako pagod."

Wala raw sa usapan nila ni Ronald kung kailan siya magiging ready na balikan ang kanilang relasyon.

"I don’t wanna lock anyone up with me. ’It’s up to you.’

"Hindi ko naman kailangang sabihin na, ’Mag-antay ka,’ kusa na lang yun ng ibang tao."

Hindi itinanggi ni Lovi na nagpupursige naman si Ronald na iparamdam sa kanya ang intensyon nitong magkabalikan sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mabait naman talaga yung tao, hindi naman yun nawala sa kanya."

Pagpapatunay niya, hindi naman daw nawala ang communication nila ni Ronald.

Hindi rin naman siya ang tipong bumibitiw kapag importante sa kanya ang isang kaibigan o minamahal.

"Of course, I’m always there for my friends."

GOING OUT, TALKING. Nasa "dating" stage raw ngayon si Lovi at hindi raw ito problema kay Ronald.

"Dating lang naman, hanging out with other people. Okey lang naman, ganun... because I just wanna enjoy."

Hindi rin itinanggi ni Lovi na nagpunta sila ng mga Singson sa isang resort sa Cebu bago mag-Valentine’s Day, kung saan nag-date at nag-usap sila.

"Nag-usap kami, oo, pero I don’t wanna... ano... na kung ano yung mga details.

"Of course, may time na nag-usap kaming dalawa."

Ano naman ang naging resulta ng kanilang pag-uusap?

"Really good. One thing I can say is I’m proud of him, that he got through it.

"Because a person like him can easily get away with something like that pero ipinagpatuloy niya.

"He stood up for it at pinagdaanan talaga niya.

"Sobrang strong niya na tinanggap niya lahat yun."

LOVE AND GRATITUDE. Napangiti si Lovi sa mga sabi-sabing hindi raw kayang pakawalan ni Ronald ang kasintahan dahil sa sakripisyo nito noong mga panahong inaayos ang kaso niya sa HK.

Hindi rin daw kayang tumbasan ang ginawa ni Lovi lalo’t posibleng masira ang career nito at mabatikos ng mga detractors ang kongresista.

"For me whatever I did before, I did it with love from my heart.

"I never asked anything in return. So, ngayon I’m just happy na naa-appreciate niya yun.

"Hindi ko naman hiningi yun from him.

"I guess, okey naman na ganito muna, masaya naman ako sa ganito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN