Gerald Anderson reacts to Kimerald fans sending hate e-mail to Sarah Geronimo; says he’s happy with Sarah in his life

Gerald Anderson on Kimerald fans sending hate e-mails to Sarah Geronimo and calling her names: "Naiintidihan ko na yun ang paraan ng pagpapakita nila ng suporta nila. Pero hindi ko naman sinasabi na yun ang tamang paraan. Kung ganung klase ng paraan ng pagsuporta ang gagawin mo sa sa amin, siguro mabuti pa ’wag na lang, kasi ayokong nakakasakit ng ibang tao. Sana huwag tayong mandamay ng iba na nananahimik lang."


Inulan ng hate e-mail si Bea Alonzo nang maugnay ang ito kay Gerald Anderson.

Ang hate e-mail ay galing sa supporters ng love team ng aktor at ni Kim Chiu na tinatawag na Kimerald fans.

Ngayong inamin na ni Gerald ang panliligaw niya kay Sarah Geronimo, ang Pop Princess naman ang napagbabalingan daw ng Kimeralds.

Hindi lang daw si Sarah ang pinadadalhan ng mga nasabing hate e-mail kundi maging ang ilang showbiz writers at editors.

Tinawag diumano ng Kimerald fans na "pakawalang babae" si Sarah.

KIMERALDS VS SARAH. Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Gerald kamakailan, nagbigay pahayag ang aktor sa isyu na ito ng Kimeralds laban kay Sarah.

"Ganun talaga, e. Mayroon talagang mga fans na ganun yung paraan ng pagsuporta nila.

"Wala na tayong magagawa diyan, dating-dati pa ’yan.

"Ako, si Kim at si Sarah, medyo matagal-tagal na rin kami sa ginagawa namin at medyo sanay na kami at alam na namin na ganun talaga."

GERALD IS HURT. Halatang nasasaktan si Gerald sa mga nangyayari lalo’t nadadamay ang mga taong ’di naman dapat madamay.

"Oo naman... Ganun talaga. Hindi naman kasi normal na sinasabi mo ang mga masasakit na mga salita sa isang tao, ’di ba?"

"Naiintidihan ko na yun ang paraan ng pagpapakita nila ng suporta nila. Pero hindi ko naman sinasabi na yun ang tamang paraan.

"Kung ganung klase ng paraan ng pagsuporta ang gagawin mo sa amin, siguro mabuti pa na ’wag na lang kasi ayokong nakakasakit ng ibang tao.

"Sana huwag tayong mandamay ng iba na nananahimik lang."

KIMERALDS PARTIAL TO KIM. Marami ang nagtataka kung bakit negatibo ang mga Kimerald sa kahit na sinong ma-link kay Gerald, pero hindi naman sila umaalma kay Kim kahit ma-link siya sa iba.

Halimbawa na dito ang pagkaka-link ni Kim kay Xian Lim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Yan ay ’di ko masasagot," naiiling at maikling sagot ni Gerald.

May mensahe ba siya sa Kimerald fans?

"Wala naman. Ayoko na, e. Alam naman nila kaya sobrang okay na.

"Thankful ako na hanggang ngayon nandiyan pa rin sila, sumusuporta sa amin."

ENRIQUE AND KIM? Ano naman ang masasabi ni Gerald sa balitang nanliligaw raw si Enrique Gil kay Kim.

"Wala siguro, ewan ko. Mabait naman si Enrique kaya wala akong masasabi."

Hindi itinatago ni Gerald ang paghanga niya kay Sarah at kita naman daw sa Pop Princess na gusto rin naman nito ang aktor.

Nitong nakaraang birthday ni Gerald [March 7] ay niregaluhan daw siya ni Sarah ng iPad.

"Yeah, binigyan niya ako ng birthday gift. Sobra akong kinilig. Sobra akong natuwa.

"Sobra akong na-touch sa ginawa niya. Ginagamit ko na ito."

ALWAYS THERE FOR HIM. Sa kabila ng pagsasabi ni Gerald na malinis ang intensiyon niya kay Sarah, ’di maiwasan na may mga ilan pa ring kumukuwestiyon sa panliligaw niya sa singer-actress.

"Ganun talaga. Hindi mo mapi-please ang lahat. Pero ang pinakaimportante siguro, alam mong wala kang ginagawang masama.

"Life is short, enjoyin na lang natin. Kumbaga mahalin natin yung mga taong mahal natin at alagaan natin sila."

Masasabi ba ni Gerald na papunta na sila ni Sarah sa mas malalim at seryosong relasyon?

Maliban sa Kimeralds, masasabing tanggap naman ng publiko ang samahan nila ni Sarah.

"Hindi ko masasagot ’yan. Kumbaga masaya lang kami na friends kami at laging may contact kaming dalawa."

"Maganda na gusto rin [ito] ng mga tao pero mas importante na okay kami sa isa’t-isa.

"I enjoy being in her presence. Sana ganun din siya and masaya naman ang lahat.

"I’m happy na alam kong nandiyan siya para sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN