Luis Manzano prefers not to work with girlfriend Jennylyn Mercado

Luis Manzano on settling down with girlfriend Jennylyn Mercado: "It’s a lingering thought. Pero sa dami ng mga kailangan ko pang gawin, yun na muna ang aasikasuhin ko."


Gaano nga ba kasaya ngayon si Luis Manzano?

Sa takbo ng pakikipag-usap niya sa mga miyembro ng media kahapon, Marso 14, sa J. CO Donuts & Coffee launch sa SM Megamall B, marami ang nakapansin na kakaiba ang "kulit" at saya ng actor-TV host.

May dahilan naman kasing maging masaya ang host ng bagong Kapamilya Deal or No Deal.

Bukod sa magandang laban ng show ni Luis sa ratings war (CLICK HERE and HERE to read related story), maganda rin kasi ang takbo ng kanyang love life.

Smooth na smooth ngang maituturing ang takbo ng relasyon nila ng girlfriend na si Jennylyn Mercado. Kaya tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ano pa nga ba ang kulang kay Luis?

"Kasama sa bucket list ko—lalaban pa ’ko sa UFC," pabirong sagot ni Luis na tinawanan naman ng mga kausap.

Ang UFC o Ultimate Fighting Championship ay ang mixed martial arts (MMA) promotional company at sports show na base sa U.S.

Si Luis ay isang fan at practitioner ng sports na MMA.

"Hindi," bawi ni Luis. "Honestly, what the future holds for me, I’m excited to find out.

"I’m clueless, yet excited.

"I have mapped out my future, but I still want life to surprise me," seryosong sagot ng actor-TV host.

SETTLING DOWN? Dahil sa maganda ngang takbo ng love life ng panganay nina Batangas governor Vilma Santos-Recto at Game ’N’ Go host na si Edu Manzano, tinanong tuloy si Luis kung may plano na ba siyang lumagay sa tahimik.

"You know, I’m 23..."

Pagkasabi nito’y nagtawanan ang mga kausap lalo na ang nagtanong sa kanya.

"Ba’t tumawa ka?" tanong ng mapagbirong aktor sa press member na nagtanong sa kanya.

"Sabi ko nga... it’s a thought," kambiyo muli ni Luis. "It’s a lingering thought. Pero sa dami ng mga kailangan ko pang gawin, yun na muna ang aasikasuhin ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero napag-uusapan ba nila ito minsan ni Jen?

"Kung feeling ko, madami pa akong kailangang gawin, mas bata pa sa akin si Jen," sagot ni Luis.

Mag-32 na si Luis sa Abril, habang si Jennylyn naman ay mag-25 sa Mayo.

TOUGHER THAN LUIS? Tinanong ng PEP si Luis kung aamin ba siyang mas malakas sa kanya si Jennylyn.

Kamakailan kasi ay naka-survive si Jennylyn sa isang electrocution incident.

Bukod pa rito, practitioner din ng Brazilian Jiu-jitsu (BJJ) ang single mother, may Muay Thai pa ito at may triathlon.

Pagmamalaki pa nga ni Luis tungkol sa babaeng nagmamay-ari ng puso niya, na may kapareho ring interes at hilig niya, kahit white belt (novice) pa lang sa BJJ si Jennylyn ay nakakapagpa-tap o nakakatalo na ito ng advance players na nasa blue belt at purple belt na.

"Lamang niya sa akin, triathlon. Kasi hindi ako marunong mag-bike.

"Pero ang greatest frustration niya, hindi pa niya ako napapa-tap sa [Brazilian] jiu-jitsu. Yun ang frustration niya," nakangiting pagmamalaki pa ni Luis.

WORKING WITH JENNYLYN. Wala bang balak na pagsamahin silang dalawa ni Jennylyn sa isang TV or movie project?

"Sabi ko naman kahit na nung dati, na I prefer not to work with a significant other kasi mas napaglalaruan.

"Even if we value our privacy, siyempre once you work together, mas napaglalaruan.

"So, kahit nga nung mga past relationships, hindi talaga, e.

"Mas maiintindihan ko pa yung episodic. Yung MMK [Maalaala Mo Kaya?], yung isa-isa lang. Kasi mas special," nasabi pa ni Luis.

NEW COMEDY MOVIE. Nabanggit na rin lang ang movie projects, tinanong na rin si Luis tungkol sa ginagawa niyang pelikula na Moron 5 and the Crying Lady.

"Patapos na. Sa April 7, ipapalabas na. Kasama ko sina Bily Crawford, Mart Escudero, Marvin Agustin, DJ Durano, si Sweet [John Lapus], kasi Moron 5 and the Crying Lady. Si Sweet ang Crying Lady."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento pa ni Luis tungkol sa kanyang pelikula, sa sobrang talino raw ng mga character nila nina Billy ay nagiging bobo na sila.

"Ang dami naming pagdadaanan bilang magkakaibigan.

"May mga moments of genius kami na bumo-borderline sa pagiging not so smart," dagdag pa ni Luis sa kanyang bagong comedy movie.

KAPAMILYA DEAL OR NO DEAL. Tungkol naman sa show niyang Kapamilya Deal or No Deal, tuluyan na raw nawala ang pressure ng pagkukumpara sa kanilang dalawa ni Kris Aquino bilang bago at nakaraang hosts ng show.

Pero aminado si Luis na hindi naman talaga galing sa ibang tao ang pressure na naramdaman niya, kundi galing din naman sa sarili niya.

"Yung pressure kasi, nanggaling sa akin. Pero ang initiative ng management sa akin is, ’We want Luis. We got Luis. We want to see Luis.

"’You know, for the longest time, si Kris ang kasama namin. Pero this time we want a whole new flavor na manggagaling sa iyo.’

"So, yung pressure na iyon, ang aspeto ng pressure, natatanggal kasi ako na iyon, e," pagpapatuloy ni Luis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN