Julia Montes on "love scene" with Paulo Avelino: "Hindi naman natakot, pero siyempre may gano’n lang ako na fact na, ’Uy, ginagawa ko ito!’"

Julia Montes on portraying a mature role: "Malaking binago sa akin dahil ang tingin sa akin ng tao, kaya ko talagang mag-portray ng mature roles. So, malaking tulong, mas malaking tulong sa aking career."


Isang malaking hakbang ang ginawa ng young actress na si Julia Montes nang tanggapin niya ang isang mature role sa teleserye ng ABS-CBN na Walang Hanggan, kunsaan katambal niya ang aktor na si Coco Martin.

Nahihirapan ba si Julia sa pagganap ng isang mature role?

"Para sa akin, mahirap in a way, kasi hindi ko alam kung saan ako huhugot.

"Kasi before Mara Clara—family, medyo alam ko kung saan ako huhugot dahil magka-age bracket lang kami ni Clara.

"Pero ngayon kasi, young wife, so medyo effort.

"Pero medyo okay naman siya. Kumbaga, nagiging worth naman din yung effort, e," sagot ng young actress.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julia sa party para sa ika-100 taon ng Coke noong ika-13 ng Marso, Martes.

"LOVE SCENE" WITH PAULO. Sa istorya ngayon ng Walang Hanggan ay nagpakasal na si Julia (bilang Katerina) kay Paulo Avelino (bilang Nathan).

Kamakailan lamang ay ipinalabas na ang "love scene" nina Julia at Paulo, ngunit wala naman masyadong nakita dahil shadow o anino lamang ang ginawang atake ng direktor dito.

Natakot ba si Julia nang kunan ang tagpong iyon?

"Hindi naman natakot," sagot niya.

"Pero siyempre, may gano’n lang ako na fact na ’Uy, ginagawa ko ito!’

"Pero wala namang ilang factor, kasi okay kami ni Paulo.

"And buti na lang sila yung nakaka-work ko, kasi kung hindi ako kumportable sa ka-work ko, siguro hindi ko kakayanin ’yon—kahit simpleng gano’n lang siya."

WALANG HANGGAN. Ano naman ang masasabi ni Julia sa mataas na rating ng kanilang teleserye?

"Ayun, walang hanggang kasiyahan ang nararamdaman ko and sobrang worth it lahat ng puyat at pagod.

"And siguro yung effort din na maging matured ako para sa sarili ko, so ’yon," masayang sabi ni Julia.

Paano siya binago ng Walang Hanggan?

"Malaki, malaki kasi pagkatapos ng Mara Clara, hindi ko ine-expect na masusundan, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And hindi... malaking binago sa akin dahil ang tingin sa akin ng tao, kaya ko talagang mag-portray ng mature roles.

"So, malaking tulong, mas malaking tulong sa aking career," nakangiti niyang sagot.

Si Julia ay magdiriwang ng kanyang ika-17 kaarawan sa Marso 19.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN