Pia Guanio on her pregnancy: "It’s really exciting and a little bit strange to realize that there’s something living inside you!"

Pia Guanio is now on her fourth month of pregnancy and she can’t help but feel excited and little bit strange whenever she feels the baby inside her.


Nananatiling maganda ang pangangatawan ni Pia Guanio kahit apat na buwan na siyang buntis.

Kapansin-pansin ang tila hindi pagtaba o pamamanas ng TV personality nang dumalo siya sa Magnum event noong Miyerkules, Marso 14, na ginanap sa Whitespace sa Chino Roces Avenue, Makati City.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press, kinamusta namin ang kanyang pagbubuntis.

"Ay, mabuti naman po!" masayang sagot ni Pia.

"You see na I can go out pa at night.

"I feel great na super-problem free all the way."

Laking pasasalamat din daw ni Pia sa suportang ibinibigay ng kanyang asawang negosyante na si Steve Mago.

Sabi ni Pia, "He buys all the food... he caters to my every whim, he makes sure na I’m never upset, he’s not stressing me out.

"So, he’s been very, very supportive."

KEEPING HEALTHY. Samantala, masaya raw si Pia sa kanyang pagbubuntis, kahit pa minsan ay naninibago pa rin siya na may gumagalaw sa loob ng kanyang tiyan.

"It’s really exciting and a little bit strange to realize that there’s something living inside you!" natatawang sinabi ni Pia.

"It’s fun, like anticipating how your body changes.

"Belive it or not, I’m actually enjoying watching my tummy get bigger slowly.

"So, I’ve been like in a lot of ultrasounds, and I’ve actually seen the baby bounce up and down inside my tummy, I’ve heard its heartbeat.

"I’ve been thankful to the Lord that’s it’s been very, very easy, breezy for me.

"I didn’t have any morning sickness, no discomfort whatsoever."

Para lalong mapangalagaan ang kanyang sarili at ipinagbubuntis, patuloy pa rin si Pia sa kanyang pagwo-workout at pinipili rin niya ang kanyang mga kinakain.

"My doctor has been giving me the go signal to be as active as I used to be. So, which is great—I work as usual, I work out as usual.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I just watch what I eat, I keep it healthy because I know na whatever I put in my body has precautions, not only for myself but also for the small creature that’s depending on me right now," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN