Rocco Nacino wins his first acting award; hopes to win more awards

Rocco Nacino on winning his first acting award: "[I’m] really, really happy and I take this to be a motivation. I take this to be an inspiration and motivation for me to be better sa craft ko."


Mahigpit ang naging pagkakayakap ni Rocco Nacino sa kanyang ina na si Linda Nacino matapos tawagin ang kanyang pangalan bilang nanalo sa kategoryang New Movie Actor of the Year sa 28th Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Ginanap ang awards night noong Miyerkules ng gabi, March 14, sa Meralco Theater, Pasig City.

Kinilala si Rocco para sa kanyang lead performance bilang si Dennis, isang latent homosexual, sa Cinemalaya 2011 entry na Ang Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa ni Direk Alvin Yapan.

Ano ang damdamin ng isang baguhang aktor ilang sandali pagkatapos tawagin ang kanyang pangalan bilang nanalo?

"Gusto ko pong maiyak, e, nung niyakap ako ni Mommy!" marahang sambit ni Rocco nang makapanayam siya ng PEP sa backstage ng venue.

"Gusto ko pong maiyak pero ’buti napigilan ko.

"Ayaw ko pong maiyak kasi baka magsalita ako, katulad kay Jillian!" natawa ang Kapuso actor pagkabanggit niyon.

Ang tinutukoy niya ay ang naunang pagtanggap ng award at pagtatalumpati, na may matinding pag-iyak, ng nanalong child performer na si Jillian Ward para sa horror movie na Aswang.

"Ang cute! Ang cute!" sabi pa ni Rocco tungkol Jillian.

"A, siguro pagka ako gano’n, hindi cute ’yon!"

Dagdag pa niya, "[I’m] really, really happy and I take this to be a motivation.

"I take this to be an inspiration and motivation for me to be better sa craft ko."

Hawak ang kanyang unang napanalunang Star trophy, larawan ng kasiyahan ang StarStruck alumnus, pero hindi niya ito masyadong ipinapahalata.

May nakalimutan bang pasalamatan si Rocco sa kanyang thank-you speech?

Wala naman daw. At binanggit niya uli ang mga nais pasalamatan sa pananalo ng una niyang acting award.

"Of course, God. At yung buong production [ng Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa]. My family po, na sumusuporta sa akin.

"Of course, sa GMA, sa pag-aalaga sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Salamat po. Maagang birthday gift ito sa akin!"

Magdiriwang ng kanyang 25th birthday si Rocco sa March 21.

HUMBLED. Hindi pa man lumalabas ang nominasyon para sa 28th Star Awards for Movies ay nagmarka na ang husay na ipinamalas ni Rocco sa kanyang unang pagbibida sa pelikula.

Tatlong pelikula ang nilabasan ni Rocco noong 2011.

May cameo role siya sa My Valentine Girls ng GMA Films; gumanap siyang kapatid ni Judy Ann Santos sa My Househusband; at unang lead role niya ang Cinemalaya entry na Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa.

"Nakaka-humble po at... it’s something really flattering," sabi ni Rocco sa isang punto ng interview.

"Pero siyempre, I wouldn’t want that to get into my head.

"Ayoko pong maging kampante sa craft ko, so I take that as a tool para lalo pong ma-improve yung acting ko.

"Iniisip ko lagi na I was here to criticize myself at kung ano’ng ipinapakita ko, I can do something better."

Dahil sa kanyang achievement, si Rocco na nga ba ang bagong bibigyan ng matinding buildup ng Kapuso network?

"Sana po, nasa plano ’yon. Very grateful po ako kung matutuloy ’yon.

"May nasabi na po sa aking isang follow-up soap kaso hindi ko pa po puwedeng i-discuss, e.

"I’m really happy with that plan. Sana po matuloy po talaga," hiling niya.

Regular na napapanood si Rocco sa GMA-7 afternoon soap na The Good Daughter at sa musical-variety show na Party Pilipinas.

Bago magtamo ng parangal, hindi ba sumagi sa isip ni Rocco na lumipat ng istasyon?

"GMA po ang nag-discover sa akin, so I think I’ll be with GMA for a very, very, very long time," pagtukoy ni Rocco.

Bagay na sinegundahan ng Mommy Linda ni Rocco nang makapanayam din ng PEP that same night.

"After StarStruck kasi, pina-sign sila ng five-year contract. They’re [Rocco and batchmates] on their second year. Hopefully..." wika ni Mommy Linda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MOMMY LINDA AND SON. Sa kinauupuan nila sa second row malapit sa stage, sandali ring nakapanayam ng PEP sina Rocco at ang kanyang Mommy Linda bago magsimula ang Star Awards.

Kung may tensiyon man o kaba sa dibdib si Rocco that very moment ay hindi halata.

Binibiro pa niya ang mommy niya sa ginawang pagsama sa kanya sa okasyon.

"Ang gusto niya, makakita ng artista!" pamubuko ni Rocco sa ina.

Sino ba ang paboritong artista na gustong makita ni Mommy Linda?

"Si Rocco, siyempre!" ganting-biro ng ina ni Rocco.

Pero agad itong sinalungat ng young actor-son.

"Hindi. Sabi niya kanina, gusto niyang makita si Derek Ramsay!" pambubuking uli ni Rocco.

Isa si Derek Ramsay sa main hosts ng event, kasama sina Aga Muhlach, KC Concepcion, at Anne Curtis.

Natawa na rin si Mommy Linda pero hindi siya umamin.

"Hindi, lahat ng Kapuso... Kapuso muna!" wika niya.

At nag-reveal pa si Rocco ng tungkol sa kanila ng mommy niya.

"Fan kami ng No Other Woman, e. Nanood kami noon, e," sabi ni Rocco tungkol sa box-office hit na pelikula ng Viva Entertainment at Star Cinema na pinagbidahan nina Derek, Anne, at Cristine Reyes.

Walang nakikitang masama si Rocco sa "pagsuporta" nila ng mommy niya sa pelikula ng rival network/film outfit.

"Oo naman," aniya.

Pero para kay Mommy Linda, "Hindi. Kapuso muna siyempre..."

Nag-e-expect ba sina Rocco at Mommy Linda ng panalo that very moment?

"I pray... I pray, na siya talaga," matapat ding wika ng mommy ni Rocco.

Dagdag pa niya, "Ang galing ng direktor niya!"

MEMORABLE. PEP also asked Rocco kung ano ang magiging epekto sa kanya ng pananalo, kung saka-sakali, ilang oras mula noon?

Nangiti lang ang aktor, halatang ikinukubli ang matinding kaba sa dibdib.

"Siyempre, magiging malaking... itong moment na ito, mapi-freeze itong moment na ito. Hindi ko ito makakalimutan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"If ever I win, this will be my very first award.

"At kapag nangyari ’yon... magiging mas motivated akong magtrabaho.

"And I would want more award, siyempre!" nangiti uli si Rocco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN